Azrael's POV
"ATEEE! KUYAAA!" Shit ka Shaine. Tsk. Ingay talaga! Napabitaw ng yakap sa akin si Xien nang walang katok katok na pumasok sa kwarto itong bata na 'to.
"A-anong nangyari Shaine?" tanong ni Xien. Dahan dahang tumingin sa akin si Shaine saka nagpeace sign.
"Ah.. Hehe, nakakaistorbo ba ako? mamaya nalang po. Babush." Tsaka sinara ang pintuan. Nakita kong napailing nalang si Xien at bumalik sa tabi ko saka sumandal.
"Baliw talaga ang bata na iyon." Mahinang sabi niya at bahagyang tumawa. Niyakap ko siya ng mahigpit kaya naman napahiga kami.
"Isa ka pang baliw eh!" Asar na sigaw niya. Ngumiti nalang ako.
She's so cute.
Yes. Aaminin ko na matagal ko nang gusto si Xien. Kaya natutuwa ako na sa bawat araw na lumilipas ay nagiging komportable siya sa akin at sa mga bisig ko. Alam ko namang hindi oras ng ganitong ngayon, dahil marami pang problema na dapat ayusin. But, fvck I can't help it. Lalo akong nahuhulog sa kanya.
"A-azraeellll." Tawag niya. Hindi ako umimik at isiniksik ang aking ulo sa kanyang leeg.
~~~~~
Xien's POV
Natataranta ako sa ikinikilos ni Azrael. Sa pagyakap niya ay parang may kung anong bulate o paru-paro ang nararamdaman kong nagrarambulan sa loob ng aking tiyan.. Para akong kinikiliti, tsaka para rin akong nasa Cloud 9. Ano 'tong nararamdaman ko?
"A-azraeellll." Tawag ko tsaka tiningnan siya gamit ang peripheral vision ko. Hindi ito umimik bagkus ay lalo niyang isiniksik ang kanyang ulo sa aking leeg. I-I can feel his breathing. Ang init ng hininga niya na tumatama sa leeg ko. Para na akong mangingisay sa sobrang kilig?
"S-shit!" Agad akong napabalikwas sa naisip ko. At napaupo tsaka napahawak sa dibdib ko. Damn, ako kinikilig? Si Xien na walang ibang inisip kundi ang sarili niya ay kinikilig? Is this a joke or a nightmare? paki gising nga ako kung OO.
"Bakit Xien?" Tila nagtaasan lahat ng balahibo ko sa katawan nang marinig ko na nagsalita si Azrael sa likudan ko. Samahan pa ng pag hawak nito sa balikat ko. Anong nangyayari, parang hindi ako 'to.
"Uhh wala. Sige baba muna ako." Akmang baba na ako sa kama ng bigla itong lumutang habang gumagalaw. Dahil sa kaba ay agad akong napatabi kay Azrael..
"Don't move, Xien." Mahinang sabi niya at inilibot ang kanyang paningin. Ako naman ay nakiramdam nalang din sa susunod na mangyayari.
"Ahhh!" Napasigaw ako dahil biglang bumagsak pababa ang kama. Si Azrael naman ay kinapitan ako at kumapit sa headboard ng kama.
Nararamdaman ko nanaman ang presensya ni Jane.
Nakakatakot na aura ang bumubuo ngayon sa kwarto ko. Tahimik pero ibang klaseng katahimikan, nakakatakot talaga. Ramdam ko na mas lumakas ang presenya ni Jane kumpara kahapon.
"A-azrael.. Sila Shaine at Max! p-pati si Daddy." Ibinulong ko nalang ang words na "Daddy" dahil hanggang ngayon ay nagtatampo parin ako sa kanya.
"Lalabas tayo sa Mansion na ito ngayon Xien." Seryosong sabi ni Max.
Napukaw ang atensyon ko sa dugo na salitang unti-unting nabubuo sa puting kisame.
HINDI PA AKO TAPOS! HAHA.!
"ahhhhhh!"
Note:
Oo na, nambibitin na ako. Sorna. Hahabaan ko talaga ang next update. Sabaw lang talaga ang utak ko ngayon, kasing sabaw ng sipon ko. Yacks! Haha. Malapit-lapit ko na ring tapusin ito. Hindi tataas ng 25 or 30 ang chapters. Basta. Bawal mang spoil haha. Okay. Byebye na
Thanks sa inyong lahat. Te amo.
~KCeng♥
BINABASA MO ANG
The Haunted Mansion (#Wattys2016)
HorrorIsang mansion na Puno ng sikreto, Mansion na nabubuhay parin sa nakaraan.Mansion kung saan maraming namatay. Makakaya kaya nilang lagpasan lahat? lahat ng takot? pangamba? o maging ang impyerno? Abangan si Maxine at Maxwell sa pagtuklas ng mga sikre...