Max's POV
Sinabi ng teacher namin na maaga daw kaming idi-dismiss dahil may meeting sila sa Faculty kaya naman niyaya ko na si Shaine na umuwi na. Wala naman kaming gagawin dito sa school bukod sa umupo at mangalumbaba sa bench.
Napabuntong hininga ako ng malalim habang naglalakad.
"Ang lalim no'n ah. Okay ka lang, Max?" Napagdesisyunan naming dalawa na maglakad nalang dahil uuwi muna kami sa Mansion. Nandoon si Lolo Edgardo, may importanteng sasabihin raw siya pero parang hindi kami interesado ni Shaine sa kung anong sasabihin niya, nararamdaman ko na tungkol nanaman ito sa Mansion. At sawang sawa na ako sa problemang iyon.
"Hindi ako okay.." Wala namang dahilan para magsinungaling ako kay Shaine. Sinipa-sipa ko 'yong lata na nasa harapan ko.
"Bakit? Dahil ba doon inasta mo sa hospital kanina?" Hindi ako makalingon kay Shaine, ni makasagot ay hindi ko magawa. Nanatili kaming tahimik magging ang kapaligiran ay tahimik din at tila nakikisabay sa katahimikan namin. Mahangin at malamig tanda na papalapit na ang pasko.
"Bakit hindi ka makasagot, Max? Dahil doon iyon, hindi ba? Hay nako Max. Pabago bago yung ugali mo, ang hirap mong spelling-in." Irita nitong tanong.
"Hindi ko naman alam kung bakit gano'n yung inasta ko kanina. Simula nung malaman kong alam na niya na kapatid niya ako parang may naisip ako. Dahilan para magbago ang pakikitungo ko sa kanya."
Totoo iyon. Naisip ko na, bakit nakaraan ang naalala niya? Kung nawalan man siya ng ala-ala, malamang kahit isa ay wala siyang natatandaan. Kahit pangalan niya o pangalan namin. Pati si Daddy at Tita Glenda. Bakit siya bumalik sa pagka isip ng batang Xien? Bukod sa pagtataka, naghihinala din ako na hindi talaga nawalan ng ala-ala si ate. Kita ko sa mga mata niya na kilalang kilala niya kami pero sa tuwing magsasalubong ang tingin namin ay iiwas siya aakto na parang walang alam.
Ate.. Ate, ano bang balak mong gawin?
"Kung ano man 'yang iniisip mo Max, tigilan mo na. Hindi mo naiisip na nasaktan si ate Xien nung iniwan natin siya sa Hospital? Ni hindi mo man lang ba naisip na, ate mo siya. Max, intindihin mo naman ang lagay ni Ate Xien ngayon."
"Kung alam mo lang, Shane."
Napailing nalang ako at nauna ng maglakad.
Pagdating namin sa Mansion ay naabutan namin si Lolo Edgardo na pababa sa hagdan. May dala itong maliit na baul. Mukhang luma dahil kinakalawang na ito.
"Andyan na pala kayo." Nagmano kami ni Shane sa kanya.
"Sumunod kayo sa'kin sa sala." Tahimik na nakasunod kami ni Shane. Hindi niya ako pinapansin malamang dahil sa ginawa kong pag iwan sa kanya.
"Palagay ko, kayo lang ang mapapagkatiwalaan ko nito." Kaming tatlo lang ang nandito sa Mansion kaya wala ni isa sa amin ni Shane ang nagtangkang magtanong. Nakakakilabot ang presensyang dala ni Lolo at ng Mansion.
Binuksan niya ang maliit na baul. Naglalaman ito ng mga lumang litrato at mga sulat.
"Ang baul na ito ay kay Glenda. Ang anak ko." Ngumiti siya sa amin kaya nakahinga ako ng maluwag. Ewan ko pero kinabahan ako dun. Lumapit ako sa kanya upang makita ng malapitan ang laman ng maliit na baul.
Kumuha siya ng isang litrato ng isang dalagang babae at isang pamilyar na binatang lalake. Nakatayo ito sa ilalim ng puno, magkahawak ang kamay at masayang nakangiti. Kitang kita mo na malapit sila sa isa't isa.
"Sino sila?" Tanong ni Shane.
"Ang nanay ni Xien na si Glenda at ang tatay ninyo'ng si Mariano." Nakangiti parin ito habang nakatingin sa litrato na para bang may binabalikang masayang ala-ala.
"Naalala ko noon, diyan sa ilalim ng puno na 'yan sila naglalagi. Lalo na tuwing tanghali, gustong gusto nila ang sariwang hangin na dala nito at ang katahimikan ng paligid. Ako pa nga ang kumuha ng litrato na 'yan." Pagbabalik tanaw niya. Napatango ako at kumuha ng isa pang litrato. Walang imikan dahil hahayaan ko lang siyang mag kuwento.
"Sa litrato namang iyan ay kuha sa Hospital. Sobrang aligaga namin ni Mariano no'n dahil biglang nahimatay si Glenda kaya itinakbo namin siya sa Hospital. At doon, sinabi sa amin ng doctor na isang buwan ng nagdadalang tao si Glenda." Ngiti niya. Kitang kita ang galak sa mukha ni Daddy at Tita Glenda. Nakahawak ang dalawang kamay ni Daddy sa tiyan ni Tita at nakapatong naman ang kamay ni Tita sa mga braso nito. Sa tanang buhay ko ngayon ko lang nakita ang ganitong maaliwalas na mukha ni Daddy. Oo, nakikita namin siyang tumatawa pero hindi katulad ng isang 'to.
"Ang saya nilang tingnan.." Wika ko.
"Tama ka.. Hanggang sa nanganak si Glenda. " Kinuha niya ang litrato ng isang baby.
"Sobrang saya nilang dalawa. Sabi pa nga ni Mariano, wala ng mas sasaya pa sa araw na iyon. Pinangalanan nilang Xien ang bata. Maraming litrato ang kuha nila dahil naniniwala si Glenda na bawat ala-ala ay mahalaga." Mula sa nakangiti niyang labi ay unti-unti itong nawala. Napatingin ako kay Shane na ngayon ay nakakagat labi habang nakatingin sa mga litrato. Malamang ay naiiyak na'to.
"Saktong isang taon ni Xien no'n, bigla na lamang silang nawala kasama ang nanay niya. Sobrang kaba namin ni Mariano, habang hinahanap namin sila at nagtatanong din sa bawat nakakasalubong ay may lumapit sa amin na lalake sabi niya nakita niya daw ang hinahanap namin. Kasama nito ang isang babae, maikli ang buhok at medyo may katangkaran, maputi ito na parang banyaga raw, pagsasalaysay niya. Pansin kong natigilan si Mariano.. a-at sabi niya, kilala niya ito. Hindi na ako nagdalawang isip pa at sumunod na kay Mariano." Huminto siya at huminga ng malalim. Binalik nito ang mga litrato sa baul at kinuha naman ang mga lumang sulat.
"S-saan niyo po natagpuan si Tita Glenda at ate Xien?" Tila ba nagulat siya sa tanong ni Shane. Napakuyom ang kamao niya. Nakita iyon ni Shane kaya nagiwas ito ng tingin.
"Ah.. kung ayaw niyo pong ikuwento, okay lang po."
"Iyan ang araw na inamin ni Mariano na may asawa na siya."
NOTE:
Sorry sa paghihintay😂
Follow me on Migme and Twitter. Active ako do'n.UN: Akashiceng
![](https://img.wattpad.com/cover/73975105-288-k693072.jpg)
BINABASA MO ANG
The Haunted Mansion (#Wattys2016)
TerrorIsang mansion na Puno ng sikreto, Mansion na nabubuhay parin sa nakaraan.Mansion kung saan maraming namatay. Makakaya kaya nilang lagpasan lahat? lahat ng takot? pangamba? o maging ang impyerno? Abangan si Maxine at Maxwell sa pagtuklas ng mga sikre...