Chapter 8

1.9K 86 40
                                    

I want to dedicate this chapter to @SuicideProtagonist. Thank you for reading my story. Mwaps.
~~~~~

(THE PAST 8-9)

MARIANO'S POV

"Jane! parang awa mo na jane! pakawalan mo kami dito!" sigaw ng aking asawa, si Glenda. Naiinis ako sa sarili ko. Andito lang ako sa tabing kuwarto pero ni hindi ko sila matulungan! at oo sila.Kasama niya ang kanyang kaibigan na si Rafael. Kanina pa ako dito, nakatahan. Walang magawa, naghihintay kung ano ang mangyayari.

Naitakas ko na si Xien, dinala ko siya kay Tatay Edgardo. Pero kinailangan ko'ng balikan si Glenda at Rafael. Para iligtas, hindi na normal ang pagiisip ni Jane, at alam kong may gagawin siyang hindi maganda.

Mahal ko si Glenda, higit pa sa pagmamahal ko kay Jane.

"Parang awa? Wala akong awa, Glenda. Wala ka ngang awa, ako pa kaya?" mapanuksong sabi ni Jane saka tumawa ng pag ka-lakas lakas, na animo'y nasisiraan ng bait. Gustong gusto kong pumasok sa kwartong iyon pero hindi ko magawa dahil baka kung ano ang mangyari.

"A-ano'ng walang awa, Jane? Ano ang pinagsasabi mo!?" Pasigaw ngunit naguguluhang sagot ni Glenda. Kahit ako ay naguguluhan sa sinasabi ni Jane. Inihilig ko ang aking katawan sa dingding upang lalo mapakinggan ang usapan nila. Mula sa pagkakakunot ng noo ay unting unting naglaho ito dahil narinig ko na humihikbi na si Jane.

"H-hindi mo maintindihan ha!?, hindi mo maintindihan kasi hindi kapa naagawan! wala pang nakukuha sayo! hindi kapa nawalan ng mahal sa buhay! Naawa ka ba sa akin na Asawa ni Mariano, nung kinuha mo siya sa akin ha!? Ang kapal naman ng mukha mong kunin ang hindi mo naman pagmamay ari! Si Mariano na lang ang nagmamahal sa akin, alam mo ba yun?" saglit akong natigilan dahil naalala ko ang sinabi sa akin ni Jane na wala na siyang mga magulang, kahit ang mga kapatid nito ay iniwan na siya. Naawa ako sa kanya. Pero hindi ako nagsisisi sa ginawa kong desisyon, kahit ganon naman ay nag aalala parin ako sa kanya.

"Halata naman na hindi mo alam diba? kasi nga malandi ka! Wala na akong magulan, matagal na silang patay. Ang mga kapatid ko naman ay iniwan narin ako. Si Mariano nalang talaga ang nagmamahan sa akin, t-tapos ganito pa!? inagaw mo pa? Walang hiya ka! Magsama kayo!" Sigaw niya sa suminghot. Napabuntong hininga naman ako. Oo nga naman, bakit hindi ko naisip yun? wala nang nagmamahal sa kanya, kay Jane kaya bakit ko pa siya iniwan? Ang tanga ko. Nangako ako na sasamahan ko siya kahit saan, hanggang sa huling yugto ng buhay niya. Pero ano itong ginawa ko? Iniwan ko siya dahil sa akala kong nababaliw siya.

Ng hindi ko matiis ay naglakad na ako papunta sa kabilang kwarto. Pagkabukas ko ng pinto ay gulat ang nakita ko sa mukha, hindi lang sila ang nagulat kundi pati ako.

Ang gulo ng kwarto. Andaming dugo. Pati na ang mga nagkalat na kagamitan, hindi ko maipaliwanag ang aura'ng bumabalot sa kwartong ito.

"Rafael!" sigaw ko dahil siya agad ang nakita ko.
Nakita kong may saksak ng kutsilyo si Rafael, nakahandusay ito pero humihinga pa. Agad akong lumapit sa kanya upang makumpirma kung tama nga ang aking hinala. At oo, humihinga pa siya. Inilibot ko ang paningin ko at nakita kong nakatali si Glenda sa isang upuan, may takip ang kanyang mata.

"Glenda..." mahinang bigkas ko ngunit tama lang upang marinig niya. Agad siya napalingon sa gawi ko.

"M-mariano! Mariano ano'ng ginagawa mo dito?.Dapat hindi mo na ako sinundan! Nasaan si Xien!?" Pinagmasdan ko siyang ng ilang minuto, tila aligaga ito at hindi mapakali. Dahil narin sa kaba ay lumakad agad ako papunta sa kanya.

Wala pa sa gitna ay napatigil agad ako sa paglalakad nung nakita kong biglang lumapit sa kanya si Jane at tinutukan ito ng kutsilyo sa leeg.

Kita ko ang liwanag sa kutsilyo dahil napaka talim nito. Agad akong napailing ng maraming beses.

"Jane.. Jane ibaba mo yan! Mapapagusapan natin ito diba? Jane paki usap. Nagmamakaawa ako, wag si Glenda. Ako nalang Jane, ako nalang." Sabi ko. Lumapit ako ng tama lang sa pwesto niya. Dahan-dahan kong inilagay ang aking kamay sa kamay niya kung saan nandun ang kutsilyo'ng nakalagay sa leeg ni Glenda.

Pero laking gulat ko ng lalo niya pang diniinan ang kutsilyo sa leeg ni Glenda.

"Subukan mong hawakan" madiin na sabi ni Jane. Diyos ko. Kayo na ang bahala sa amin.

"A-ackk. Masakit Jane, tama na." hinang hina na sabi ni Glenda. Nataranta ako at hindi malaman kung ano ang gagawin.

Inagaw ko ang matalim na kutsilyo kay Jane, pero hindi siya nagpatalo. Nakipag agawan din siya. Ang lakas niya, tila may kung sino ang nakikipag sanib pwersa sa katawan niya.

"Ahhhh!" sigaw niya ng tuluyan kong maagaw ang kutsilyo, tinapon ko ito. Itinulak ko ito kaya naman tumilapon siya malapit sa bintana.

"T-tulong Jane" napatingin ako sa lalaking nagsalita.

Si Lewis, kapatid ni Grace at Glenda.

Nag aagaw buhay na ito ngunit hindi ko pinagtuunan ng pansin. Agad akong pumunta kay Glenda. Tinanggalan ko siya ng takip sa mata at agad na siniil ng halik.

Hindi ko inalintana ang mga sugat niya sa mukha. Pagkakuwa'y tinapik niya ang likod habang nanlalaki ang matang nakatingin sa likod ko.

"Masarap ba maglampungan?" sabi niya

May naamoy akong gas kaya agad kong tinanggalan ng tali sa kamay si Glenda.

"Mariano.." Bulong ni Glenda,hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang sa aking ginagawa.

"Mariano.. Wag na. Pabayaan mo na ako dito, hinang hina na ako Mariano.." napatingin siya sa kanyang dibdib at doon ko lang napansin na may saksak na ito.

"Hindi Glenda.. Papakawalan kita, sabay tayong lalabas sa mansion na ito diba?" sabi ko . May ilang luha ang lumabas sa aking mata, ganun din siya.

"Hindi ko maipapangako. Alagaan mo si Xien. Mahal kita.Mahal na mahal ko kayo."
napatingin ako ng biglang tumawa ng malakas si Jane.

"Napakatamis niyo naman. Mamatay nalang din naman kayo diba? Oh edi sama sama na tayo!" saka sya humalakhak habang kinukuha ang lighter sa sahig.

"Mariano umalis kana.." Napaluha na ako ng tuluyan.

"Mahal na mahal kita,Glenda" tsaka ko siya hinalikan sa noo. Naabutan ko si Rafael malapit sa pintuan kaya agad ko itong tinulungan. Tumakbo kami agad palabas ng pintuan habang wala pa sa amin ang atensiyon ni Jane.

Hanggang sa bigla nalang lumiyab ang kwarto na iyon. Dinig ko pa ang huling sabi ni Lewis at Jane.

"Tulong Jane, Tulungan mo kami"

The Haunted Mansion (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon