Mariano's POV
"Maraming salamat po, Mr. Reynes. Malaking tulong itong pera na 'to para sa mga batang wala ng magulang at ulilang lubos na" pahayag ng madre'ng pinag abutan ko nang pera. Nakasanayan ko na ring mag donate ng pera sa mga bahay ampunan o di kaya naman ay sa simbahan. Dahil siguro naaawa ako sa kanila, dahil lumaki silang wala ng magulang, walang nag aalaga at tanging mga pari at madre lang ang nagaalaga sa mga ito. Nginitian ako ni Sister Lea, kaya nginitian ko rin siya bilang ganti. Nakipag kamay ako sa kanya dahil nais ko na ring umuwi.
"Walang anuman, Sister Lea. Para naman ho ito sa mga bata" tiningnan ko ang mga bata'ng kumakain ng dala kong mga pagkain, pati narin ang mga madre'ng nag aasikaso dito. Ewan ko ba't palaging gumiginhawa ang pakiramdam ko kapag nagdo-donate ako.
"Naku, napakabait mo iho. Magsabi ka lang ng gusto mo at aming gagawin bilang kapalit ng mga ito" medyo hindi ako naging komportable sa sinabi ni Sister Lea. Binawi ko ang kamay sa kanya at ngumiti.
"Haha. Sister Lea, hindi naman po ako nagbibigay nang may kapalit na kahit ano. Kahit isang malaking pasasalamat lang sa akin ay ayos at masayang-masaya na ho ako" tumango si Sister Lea bilang tugon. Umayos ako ng tayo at inilagay ang dalawa kong kamay sa aking bulsa.
"Paano ba 'yan, sister kailan----" naputol ang pagsasalita ko nang may tumawag sa akin. Hinalungkat ko ang bag ko at hinanap ang cellphone ko.
Napakunot ang aking noo nung makita kong si Xien pala ang tumatawag. Hindi ugali ni Xien ang tumawag sa akin lalo na kapag tanghali at gabi. Tsaka kapag may importante siya o silang sasabihin ni Max sa akin.
Sumenyas ako ng kamay si Sister, tsaka lumayo ng kaunti sa kanya at sinagot na ang tawag ni Xien."Shit. shit. Daddy sagutin mo ako!" mahinang bulong na sabi ni Xien. Hindi niya ata napansin na nasagot ko na ang kanyang tawag.
"Xien, calm down. Anong kailangan mo?" mahinahong tanong ko.
"Thanks God! Daddy, si Max! si Max at Shaine" natatarantang sabi niya. May kakaibang tunog akong naririnig sa kabilang linya. Mas lalo akong naguluhan nang bigla akong kinabahan..
"A-anong nangyari kay Max at Shaine?"
"Ewan ko, daddy. Bigla nalang silang nalunod at biglang nangisay. Ngayon ay sinasakal ni Max si Shaine. Pumunta ka na dito daddy, please! Kailangan ka namin!" parang naluluhang paki usap ni Xien. Kabang-kaba na ako dahil baka kung anong nangyari kay Shaine at Max. Pero nalilito din, hindi kaya ay sinaniban ang mga ito?
"Sige. Just wait, Shaine. Papunta na ako" Tsaka ko ibinaba ang aking cellphone. Tiningnan ko si Sister Lea na ngayon ay nakikihalubilo na sa mga bata. Hindi na ako nag abalang mag paalam dahil nagmamadali na ako. Sinamahan pa ng kaba at taranta.
Agad kong binuksan ang pintuan ng aking kotse at nag mamadaling pinaandar ito.
"Dali..." bulong ko. Parang bumabagal kasi yung andar ng sasakyan. Malapit lang dito ang Mansion kaya madali akong makakapunta, sana ay walang traffic. Napaisip ako, Hindi kaya ginugulo si Max, Shaine, Xien at Azrael ng multo nang nakaraan? Hindi kaya, si Jane ang nangugulo sa kanila?
Hininto ko ang sasakyan dahil nandito na ako sa harap ng mansion. Napansin kong may nakasunod na van sa akin. Huminto ako para hinatayin ito. Humahangos na pari at kanyang servidor ang bumaba sa sasakyan.
"Isa ka ba sa may ari nitong mansion?" tumango ako.
"Halika, samahan mo ako! Bilisan mo. Baka may mangyari'ng masama sa mga bata!"
Patakbo kaming pumasok sa loob ng Mansion.
Nang makapasok ay agad kaming napahinto sa Aura'ng dala nito.
Nararamdaman ko ang aura'ng dala ni Jane. Matagal narin simula nung naramdaman ko.
Tama nga ang hinala ko.

BINABASA MO ANG
The Haunted Mansion (#Wattys2016)
HorrorIsang mansion na Puno ng sikreto, Mansion na nabubuhay parin sa nakaraan.Mansion kung saan maraming namatay. Makakaya kaya nilang lagpasan lahat? lahat ng takot? pangamba? o maging ang impyerno? Abangan si Maxine at Maxwell sa pagtuklas ng mga sikre...