Chapter 18

1.3K 72 56
                                    

Xien's POV

Kinaumagahan ay nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mga balat ko. Medyo masakit pa ang katawan ko at medyo pagod pero ayos na din.
Nakapagpahinga na rin kahit papaano. Kagabi ay, inihatid ko muna si Father at dinala sila Max at Shaine sa Hospital. Hindi naman sila nagpirmi doon dahil ayaw daw nila kaya naman ginamot nalang ang mga sugat nila.Dumiretso na kami sa pagtulog dahil narin sa sobrang pagod pagkauwi namin. Tumayo ako sa aking kama at naglakad papunta sa pintuan tsaka binuksan ito.

"Xien.." napahinto ako sa paglalakad nung may tumawag sa akin. Gising na ba sila?

"Max? Daddy? Shaine and Azrael?" tawag ko sa kanila. Wala namang sumagot kaya nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Parang ang init init ngayon, ang alinsangan.

"Psstt." who is that? hindi ako huminto sa paglalakad dahil ngayon palang ay may hinala na ako kung sino ito.

Darn, hindi nga siya umalis dito sa Mansion na ito.

Parang may nagka karera nanaman sa puso ko, hanggang ngayon ay hindi parin ako sanay na makakita o makaramdam ng ganito

"Haha. Kilalang kilala mo talaga ako Xien."

"N-no. I don't know you, who the hell are you!?" Mas lalo kong binilisan ang paglalakad hanggang sa makarating ako sa hagdanan.

"Ako lang naman si Jane" S-shit! nandoon siya sa pinakadulong bahagi ng hagdanan. Paano ko siya naririnig kung ganun siya kalayo at kahina ang boses niya?

Ikinuyom ko ang aking kamao at pumikit saka huminga ng malalim. Naalala ko nanaman ang nangyari kagabi, kung gaano kahirap ang dinanas ni Max at Shaine sa natamo nilang mga sugat at pasa. Lahat ng iyon ay kagagawan ng Jane na ito! idinilat ko ang mga mata ko at tumingin sa kanyan. Bumuwelo ako at akmang tatakbo na papunta sa kanya ng may tumawag sa akin.

"Xien?" Si Daddy. Napalingon ako sa kanya, kinukusot pa neto ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.

"Daddy." Napatingin naman ako sa puwesto ni Jane kanina pero wala na ito. Mabuti naman. Hinayaan ko nalang ito at binigyan pansin si Daddy. Dahil napanatag na rin ang loob ko.

Lumapit ako sa kanya at yumakap sa kanyang tiyan. Ganito ako maglambing sa kanya. Gad, namiss ko 'to si Daddy kahit minsan kaugali ito ni Max ay mahal ko silang dalawa.

"Hmm. Naglalambing ang ate ko ah." Pabiro niyang sabi. Napangiti ako at hinalikan siya sa pisngi. Sabay sabi ng...

"Namiss kita, Daddy." Mahina kong tugon. Pansamantalang natulog dito si Daddy dahil para masamahan daw muna kami kung sakaling manggulo nanaman si Jane. Ang pari at servedero'ng kasama niya ay hinatid ko pauwi kagabi.

Tiningnan ako ni Daddy sa mata at kinurot ang ilong ko.

"Ouch." Ang sakit niya talagang mangurot!.

"Haha. Tara na nga sa baba, magluto tayo ng umagahan." tumawa nalang ako at sumunod sa kanya.

Nang makarating sa kusina ay nagluto kami ng mga pagkaing tama lang para sa amin. Naghanda ako ng plato at kutsara sa mesa si Daddy naman ang nagdala ng mga pagkain dito.

Pumunta ako malapit sa CR kung nasaan nandoon ang telepono na pwede naming tawagan kung nasa kwarto ang isa sa amin. Pinindot ko ito saka nagsalita.

"Hoy. Mga panget gising na! Nagluto kami ni Daddy ng umagahan bumangon na kayo diyan." Yes, merong nakakabit na ganyan sa lahat ng kwarto dito sa Mansion kaya malaya kaming makakapagusap. Naglakad ako papunta sa hagdanan at hinintay sila. Ang unang bumaba ay si Shaine at Azrael, panghuli si Max. Tsk, ang bagal talaga nitong kumilos.

"Goodmorning, Guys."  bati ko naggood morning din sila sa akin at sabay kaming pumunta sa kusina. Naabutan naming nagkakape na si Daddy.

"Good morning Daddy, Goodmorning Tito" bati nila. Binati rin ito ni Daddy. Umupo kami at nagsimula ng kumain. Katabi ko si Azrael, tapos sa kabila naman ay si Shaine at Max. Si Daddy ay nasa pinaka dulo.

Walang imikan habang kumakain, nakikiramdam sa galaw ng bawat isa. Kaya naglakas loob akong magtanong.

"Daddy, sino po si Jane?" napahinto siya sa paginom ng kape at gulat na napatingin sa akin.

Bakit? May nasabi ba akong mali?

"A-ah eh. Oo, Xien". Maikling sagot niya.

"Sino po siya? Bakit siya nanggugulo, I mean bakit po siya nagpaparamdam sa amin? dito sa Mansion." Gulong-gulo na tanong ko. Hindi pa ako tapos kumain pero nawawalan na ako ng gana. Tsk.

"Xien. Hindi pa ito ang tamang panahon para malaman ninyo."
Saka siya tumayo. Kaya tumayo din ako at naglakad papunta sa kanya.

"B-bakit daddy?" Pwede niya namang sabihin ngayon diba? bakit kailangan pang sa tamang panahon?.

"Xien.. Makinig ka nalang, huwag matigas ang ulo dahil para rin naman sa kaligtasan niyo ito." Argg! para sa kaligtasan namin? Hindi niya ba nakita ang nangyari kay Max at Shaine kagabi!? Malapit na akong sumabog dahil sa inis. Pero pinipigilan ko dahil may respeto ako kay Daddy.

"Huwag kang mag-alala matatapos din ito. Sa tamang panahon, Xien. Kapag nakakaalala ka na." Hindi ko masyadong naintindihan yung huli niya sinabi, pero eto na sasabog na ako.

"Hindi pa ito ang tamang panahon daddy!? So, kailan mo sasabihin kapag patay na ako, kami nila Max? Azrael and Shaine? S-saka ano yun ddy? Para sa kaligtasan namin yung hindi mo sabihin sa amin kung anong nangyari sa nakaraan? The Fvck! Ang galing daddy! ang galing!" Sigaw ko sa kanya. Kita ko naman na nagulat siya sa inasta ko, magging sila Azrael, Max at Shaine ay napatayo din at tahimik na nanunuod sa amin.
But I don't care, I wanna explode now.

"Xien.. Kalma." pagpapakalma niya sa akin.

"Kalma! tingin mo magiging kalma ako ngayon ddy? Eh gulong gulo na ako sa puta------" napahinto ako sa pagsigaw ng sampalin niya ako. Napako ako sa kinatatayuan ko, di ko inaasahan na sasaktan niya ako. First time.

"Daddy!" sigaw ni Max.
Tiningnan ko si Daddy na ngayon ay tila gulat din sa kanyang ginawa.

"X-xien.. Sorry, I'm so s--"

"I hate you, Daddy."  Mahinang pagpuputol ko sa kanyang sasabihin. May nagbabadyang luha na kaya agad ko itong pinunasan at tumakbo na papunta sa aking kwarto.



NOTE:

Kyahhh! #48 in Horror Story na tayo mga Bes! Thank you po ng sobrang maraming marami sa sumusuporta ng THE HAUNTED MANSION, mapa Active Readers man o Silent Readers, salamuch po hihi.

-KCeng








The Haunted Mansion (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon