Chapter 13

1.2K 67 28
                                    

Shaine's POV

Iniahon ko ang aking ulo mula sa ilalim ng tubig. Inilibot ko ang aking pangingin at nakita ko nang lumusong sa tubig si Max. Kaya naman agad akong pumunta sa kinaroroonan nito.
Haha. May naiisip nanaman ako kalokohan. Ewan ko ba simula nung nagyaya siya'ng magswimming parang nabuhay ang dugo ko, kaya heto ang lakas ng trip ko ngayon. Naisipan ko pa ngang mag bikini na kulay red eh.

Napailing nalang ako. Alaska ang abot ko kay kuya Azrael nito, hindi ko talaga alam ang pumasok sa isipan ko kung bakit ako nagsuot nito. Well, coca-cola naman ang hugis ng aking katawan sabi ng iba. Natawa nalang ako at itinuloy ang aking paglangoy papunta kay Max.

Nakita ko'ng umahon ang ulo niya kaya huminto muna ako sa kanyang likudan. Marunong naman akong lumangoy kaya paniguradong hindi ako malulunod. Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa lumangoy ulit ito, nagtataka ako dahil parang may nakikita siya base sa kanyang galaw. Itinaas niya ang kanyang kamay na animo'y may gustong hawakan.

Pagkakuwa'y bigla nalang itong nagulat. Iniahon ko ang aking ulo para kumuha ng hangin. Tsaka ibinalik agad sa ilalim ng tubig. Kitang kita ko kung gaano kabilis lumangoy si Max, pero agad itong napatigil. Inihanda ko ang aking sarili para puntahan siya, dahil sa aking tansiya ay hindi na ito makahinga. Parang nalulunod na. Lumangoy ako papunta sa kanya pero agad akong napatigil dahil parang hinihila na si Max pababa ng pababa. Bumula ang tubig kaya alam kong may gusto itong sabihin. Dali dali kong inilusong ang ulo ko at hinanap sila kuya Azrael at ate Xien. Nakita ko silang naguguluhan narin sa kanilang nakikita.
Itinaas ko ang aking kamay bilang pagsenyas na puntahan nila kami.

Shit! hindi nila maintindihan ang gusto kong iparating!

"K-kuya, Ate! Pumunta kayo dito! Si Max! May nangyayari kay Max!" malakas na sigaw ko sa kanila. Mukhang namang naintindihan na nila ang punto ko kaya agad silang tumalon at lumusong ng tubig saka lumangoy papunta sa aming kinaroroonan. Kaya lumusong narin ako. Pero laking gulat ko nang may humarang sa akin..

B-babae.

Tumingin ako sa paligid, nagbabakasakaling namamalikmata lang ako pero hindi. Naririnig ko na ang tibok ng aking dibdib. Kinakabahan na ako. Unti-unti akong lumalangoy paatras, palayo sa babae'ng hindi ko matiyak kung sino o ano.

Ang bilis ng pangyayari, hindi ko namalayan na hawak hawak niya na ang mga paa ko. Nakita ko pa na pilit ding kinukuha nila kuya Azrael si Max.
Naglikot ako at ipiniglas ang paa ko para matanggal ito sa kanyang pagkakahawak.

Yung kamay niya, malamig at ang lambot. Parang wala ng buto.

Pero hindi ako nagtagumpay. Sinubukan kong tawagin sila Ate at humingin ng tulong.

"A-te... K-kuya.. Tulong ugh" nakainom ako ng tubig, pero ayos lang. K-kaya lang hindi ko na kaya nawawalan na ako ng hininga. Nanghihina at nanlalamig na ako.
Pati ang kamay at paa ko ay namamanhid na.

Wala na akong magagawa,kundi ang pumikit nalang at magpadala sa babae'ng nanghihila sa aming mga paa.

Xien's POV

Hindi mawala ang pagtataka sa mukha namin ni Azrael ng makita naming parehas nang hinihila si Max at Shaine pababa. Wala kaming nakikitang kahit ano. Tanging si Shaine lang at si Max.

Lumingon ako kay Azrael at tinanguhan siya. Sa palagay ko ay naiisip niya rin ang naiisip ko. Sabay kaming pumunta sa dalawa. Si Azrael ay kay Max at ako naman ay kay Shaine. Hinawakan ko ang kamay ni Shaine at pilit siyang hinihila. Tiningnan ko naman si Azrael at ang paa naman ni Max ang pilit nitong hinihila.

Malakas ang pwersa nito. Sa palagay ko ay may ibang humihila sa kanila.

Pero hindi kami nagpatalo, mas tinibayan ko ang aking mga braso at lakas loob na hinila si Shaine na ngayon ay wala ng malay. Nagtagumpay naman ako kaya agad na napaatras. Nakakainom na ako ng tubig kaya lumangoy na ako pataas habang nakasakay si Shaine sa aking likod. Iniahon ko ito, medyo nahirapan ako kasi mabigat si Shaine. Iniikot ko ang paningin ko at nakita kong dala dala narin ni Azrael si Max papunta dito sa akin. Pinagtabi namin ang dalawa. Isi-CPR na sana namin ito pero napatigil kami nang bigla itong nanginig.

Napalayo kami ni Azrael.

"Anong nangyayari sa kanila?" naguguluhang tanong ni Azrael habang naka focus sa dalawang ito.

"Ewan ko.. Darn!"

Dahan-dahang lumulutang si Shaine, habang nangingisay parin. Ganun rin si Max.

"S-shit..." Bulalas ni Azrael

Hanggang sa..

"Max! Shaine!"

The Haunted Mansion (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon