Chapter 27

795 31 5
                                    

Helllloooo! Sorry sa matagal na pag hihintay sa update. Para sa inyo 'to.

Edgardo's POV

"Mariano!" Patuloy lang ako sa pag sigaw. Halos mawalan na ako ng boses dahil kanina pa walang nagbubukas. Nang bigla akong may naalala.

FLASHBACK

Habang patuloy na nagkakagulo sa loob ng Mansion ay naisip ko nang ilabas ang mga apo ko. Natuon ang pansin ni Jane kay Mariano kaya ito na ang hudyat para matakas ko sila. Dahan dahang takbo ang ginawa ko para hindi magising si Max, si Xien ay wala pa ring malay hanggang ngayon. Nagulat ako nang naggising si Max.

"Stranger! Let me go! Huhu. Mommy, help me!" Sigaw ni Max, ang apo ko. Masyadong delikado sa loob nitong Mansion kaya dapat ko na silang mailabas. Parehas ko silang buhat-buhat, mabigat man sila ay kakayanin ko para maligtas ang mga ito, at madala na agad si Xien sa hospital.

"Hindi ako stranger, apo. Shh tahan na. Aalis tayo dito ha? Ipapagamot natin si Ate." Umiling ito at umiiyak parin na nakatingin sa likod. Sinusubukan niyang tanawin si Jane pero malayo na kami sa kanila. Sa kanilang dalawa si Max ang pinakamalapit kay Jane.  Hindi ko masyadong kabisado ang daan dito at hindi rin ako sang ayon kung tama ang dinadaanan ko. May nakita akong pintuan. Plain Brown ang kulay at may nakaukit na "Exit". Hindi na ako nagdalawang isip pa at agad na dumaan dito.

The Haunted Mansion (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon