One week, before...
Beers: check.
Pulutan: check.
My friends: ekis.I invited my friends to came at my Apartment para uminum. No occasion, sadyang trip ko lang magyaya kasi naman simula ng maka graduate kami ng college minsanan nalang kaming mag kita kita.
Kaya nakakamiss lang.
Pero until now, wala padin sila sinabihan ko silang pumunta ng Apartment ko ng 6pm kasi alam kong mga pilipino time sila, pero 7:30pm na wala padin sila. Nakakaloka na yung pagiging pilipino time nila.
I decided to dial Calvin's number para malaman kung nasaan na siya. Calvin Bautista is my best friend. Yup i do have a guy best friend.
Two rings bago niya sagutin. "Nasaan ka na ba?" Sabi ko pagkasagot niya.
"Ito na, naka park na sa tapat ng Apartment mo." Pagkasabi niya nun, tumakbo agad ako papunta sa pinto para buksan ito at nakita ko na nga siyang pababa ng kotse niya.
Tumingin siya sa direksyon ko tsaka kumaway gamit yung kamay niyang may hawak na cellphone. I waved back.
Naglakad siya papalapit sakin na may bitbit na foods, pang dagdag pulutan siguro. Pagkalapit niya niyakap ko agad siya dahil dalawang buwan din ata nung huli ko siyang makita.
"Na miss kitang ugok ka!"
"Soph, wag ka naman masyadong mahigpit ang yakap nakakasakal eh." Pagaangal niya kaya bumitaw agad ako sa pagkakayakap sakanya, tsaka ko hinampas siya sa dibdib niya.
"Tagal mong di nag paramdam ah, kung di pa ko nagyayang uminum di ka pa magpapakita!" Pagtatampo ko.
He chuckled. "Busy sa work eh."
"Tss.. ang sabihin yang possessive mong girlfriend ang pumipigil sayong makipag kita sakin." Yup, may girlfriend siya at sooooobrang as in selos na selos siya sakin, paano kasi mas maganda ako sakanya. Haha! Echos lang syempre.
Inakbayan niya ko. "Well syempre kasama yun, pero talagang busy din." See? I knew it.
"Buti pinayagan ka niyang pumunta dito?"
"Nag away pa kami bago ako payagan dito." Haay! Talaga naman, sasabunutan ko talaga yun eh. Kung di lang dahil dito kay Calvin baka kinalbo ko na yung babaeng yun.
Nag simula na kaming pumasok sa Apartment ko, tsaka dumiretso sa Sala.
"Nasaan na sila Kara at Edward, bakit wala pa?" Tanong niya ng makaupo siya sa sofa ko.
"Ewan ko dun sa mag jowang yun, sarap paltukan lagi nalang late."
"Baka busy pa sa kama." Natatawa niyang sabi.
"Alam mo yang bibig mo walang pag babago!" I disapprovingly said then umupo ako sa tabi niya tsaka kinuha yung bitbit niyang foods at inilapag to sa maliit na lamesa sa harap namin tsaka tinignan yung laman.
Mmm... my favorite, fried chicken. Amoy palang nakakatakam na.
"Thank you, ugok." I said grinning.
"Welcome, bata." I give him a sweet glare, lagi nalang niya kong tinatawag na bata pag binibigyan niya ko ng fried chicken, paano kasi mukha daw akong bata pagnakakakita ng fried chicken. Sornaman!
Pareho naming narinig na may nag doorbell mula sa labas kaya pareho kaming napatingin sa direksyon ng pinto. Ako ang tumayo syempre para pag buksan yung nag bell kasi naman ako mayari ng Apartment. Pag bukas ko ng pinto nakita ko na yung mag jowang hinihintay namin.
"Hey Sophie beb." Kara greeted lively.
"Bakit ngayon lang kayo?" I asked raising my right eyebrow.
"Traffic eh." Edward answered, smirking.
"Bagong bagong palusot ah." Sabay silang tumawa sa sinabi ko. I roll my eyes.
Pinapasok ko na sila para naman makaupo na sila at para masamahan na si ugok na nag iisa sa sala. "Vin, akalain mo nga naman oh. Buti wala ka sa palda ngayon ni Cynthia mo." Pangaasar ni Kara na dahilan para tumawa kaming lahat. Paano kasi lahat kami banas sa jowa ni Calvin, maldita kasi eh.
"Grabe kayo sakin ah." Pagaangal niya.
"Under ka kasi, dude." Pangaasar din ni Edward.
"Nag salita ang hindi."
"Hindi talaga nu, masunurin lang." Edward said winking on Kara. Ano namang pinag kaiba nun? Under padin ang kahulugan nun.
"Since nandito naman na tayong lahat, uminum na tayo." I said interrupting their conversation.
Pumunta na muna ko sa kusina para kunin yung pulutang niluto ko, sisig lang naman ang niluto ko na talaga namang masarap. Luto ko yun kaya syempre ipagmamalaki ko, pero syempre most requested nilang pulutan yun kaya no choice.
Tinulungan naman nila ako sa pag bitbit ng beers papunta sa sala dahil dun kami iinum.. at nang ma settled na namin lahat, sinimulan na namin ang inuman.
"Sophie, nagpaparamdam pa ba sayo yung ex mong si Liam?" Kara asked.
"Ayaw ko siyang pag usapan." I snapped.
"Bakit anong ginawa sayo nung gagong yun?" Calvin asked.
"Kalma, wala naman eh. Sadyang ayaw ko lang pag usapan, alam niyo namang fresh pa yung hiwalayan namin kaya ekis muna yang topic na yan." Pag kasabi ko nun, nakarainig kami ng doorbell mula sa labas. Hmmm? Wala naman na kaming hinihintay ah, sino naman kaya yun?
"May bisita ka ng ganitong oras?" Kara asked.
I stand. "Titignan ko lang kung sino yun." Nag lakad na ko papunta sa pinto habang inaayos yung buhok. Nag bell ng nag bell yung tao sa labas na dahilan para mag madali akong pag buksan yun. Sino ba kasi yun? Atat naman masyadong pag buksan ng pinto.
"Sino ba yan?" I yelled, opening my door. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko yung taong wagas makadoorbell, ang ex kong si Liam. Shocks!
"Sweetie.." he's drunk. Lumapit siya sakin at niyakap ako at dahil sa kalasingan niya, di na niya kinayang tumayo at dahil mabigat siya napaupo ako sa sahig. Pambihira naman oh!
"Guys..!" I called them.
"Mmm.. sweetie.." Liam murmured. Tss.. bakit ba niya ko tinatawag pang sweetie? eh wala naman na kami. Ano di pa siya makapag move on ganun? Haay!
"Oh! Anong nangyari dyan?" Kara asked.
"Lasing eh, patulong namang dalhin siya sa guest room oh." Sabi ko dun sa dalawang boys.
"Dito mo siya papatulugin? Baka kung anong gawin niyan sayo!" Calvin said pointing Liam.
"Eh kesa naman pauwiin ko to ng ganito, wag kang magalala kilala ko tong mokong na to wala tong gagawin." Paniniguro ko.
Wala na siyang nagawa kundi pumayag. Si Edward at Calvin ang nag buhat kay Liam papunta sa guest room, ako naman ang nagayos ng kama para sakanya.
"Sure kang walang gagawin sayo yan?" Calvin asked.
"Wala nu! Sa dalawang taon naming relasyon ni wala ngang nangayari samin eh ngayon pa kayang wala na kami."
BINABASA MO ANG
Im not Virgin, anymore
RomanceIm Sophie Hernandez, 24 years old and im not virgin anymore. One week since i lost my virginity with.. i don't know, i don't know kung sino ang nakakuha nun dahil sa kalasingan ko. Basta nagising nalang ako ng may ebidensya sa kama ko na, nawala na...