Thirty One

26.6K 858 13
                                    

Nang dumating ang break time..

"Anong gusto mong kainin?" Tanong ni Patty sakin habang kinukuha niya yung wallet at cellphone niya.

"I don't know."

"What do you mean you don't know? Di ka ba nagugutom?" Kunot noo niyang tanong.

"Nagugutom."

"Yun naman pala eh. Tumayo ka na dyan!" Hinawakan niya ko sa kamay at hinila na palabas ng office.

Haay! Baka makita ko nito si Calvin eh, baka nagkalat lang siya sa buong resort kaya paniguradong magkikita at magkikita kami.

"Bakit ganyan ang mukha mo?" Tanong niya. Umiling nalang ako. Sa totoo lang windang pa din ako sa ideang nahanap na nga ako ni Calvin. Baka sunod naman nito si Liam ang makakita sakin.

Diyos ko, ito na nga ba ang kinatatakutan ko eh. Baka magulo ang tahimik naming buhay ng anak ko.

"Affected ka pa rin ba na nag pakita yung ex mo? Ano ka ba di ka ba nasweetan sa ginawa niya? Hinanap ka niya, hinintay pa. Aba kung may ganung gwapong lalakeng mag maghihintay sakin, susungaban ko talaga yun."

I rolled my eyes. "Kung wala akong anak, baka tinake ko yang advice mo. Kaso meron eh at alam mo naman yung ginawa niyang pag sisinungaling noon diba?"

"So what? Nakaraan na yun."

"Parang kahapon lang sakin, lalo na't nagpakita pa siya."

"Sophie.." I heard Calvin voice calling my name. Shit! Tumakbo na kaya ako? Kaso pangit na halibawa yun para sa mga kapwa ko empleyado.

Hindi nalang ako nag abalang tignan siya at nag patuloy lang sa paglalakad. Kung kanina si Patty ang may hila hila sakin ngayon siya na ang hila hila ko.

"May pag mamadaling nagaganap, girl?" She said.

"Makisama ka nalang!" Mahina kong sabi.

Suddenly.. Calvin showed up in front of me, hingal na hingal siya na halatang tumakbo. "Kakain na kayo?" Tanong niya.

"No!"

"Yes!"

Sabay naming sabi ni Patty pero magkaiba kami ng sagot, siya yes, ako no.

"Pwede bang sabay tayo?" Tanong sakin ni Calvin.

"Hindi pwede kasabay ko si Patty." Pagtatangi ko.

"Actually, may naiwan pala ako sa office at hindi pa pala ako gutom." Sabi ni Patty na halata naman na ginagawa niya to para magkamoment kami ni Calvin, tumingin ako sakanya ng makisama-ka-nga look sabay higpit ng hawak sa kamay niya.

Pinilit siyang bumitaw sa pagkakahawak ko at ngumiti lang sakin ng mapangasar.

Humanda ka sakin mamaya, Patty!!

"Dun tayo sa resto?" Tanong ni Calvin sakin. Tumango nalang ako sakanya at di nag salita, wala naman na kong magagawa eh. Knowing him, kukulitin pa din niya ko kahit na tumangi ako.

Sabay lang kaming nag lalakad papunta sa restaurant nitong resort kaya medyo ang awkward. Dama ko lang yung pag tingin niya sakin pero ako hanga't kaya kong umiwas sa eye contact gagawin ko.

Nang makarating kami ng restaurant, halatang nag panick at naaligaga yung mga Food Attendant dahil nakita nila ako. Siguro akala nila nag lilibot ako bilang Manager.

"Anong masarap kainin dito?" Tanong sakin ni Calvin habang nakangiti.

"Shane.." Tinawag ko yung food attendant.

"Ma'am?" Tanong niya habang nasa likod yung mga kamay niya.

"Uh.. pakidalhan mo naman kami dito nung Crabs. Sabihin mo sa pangalan ko." Ibig sabihin nun kaltas sa sahod ko.

"What do you mean sa pangalan mo? Ikakaltas ba sa sahod mo? No! Libre ko to Soph." Pagaangal ni Calvin.

"Hayaan mo na ngayon lang to."

"No! Miss, pwede padagdagan ng fried chicken yung order namin?" Haay! Hangang ngayon ba naman ang tigas padin ng ulo niya?

"Opo, sir. Yun lang po ba?"

"Oo, salamat." He said nicely. Tumingin ulit siya sakin at ngumiti na akala mo hindi siya nag sinungaling sakin noon. "Upo na tayo?" Tanong niya.

"Hangang kailan ka ba dito?" Tanong ko pagkaupo ko.

"Bukas check out na ko." Oh thank God! Makakapag isip na ko at makakagalaw dito bukas ng maayos. "Pwede ba kong makituloy sa bahay mo?" Tanong niya na ikinabigla ko.

"Whaaaat?" I almost yelled. Teka kaya ba siya mag checheck out ng maaga para makituloy siya sa bahay ko?

"Isang linggo ang binigay saking leave kaya plano kong gugulin yun dito."

"Calvin hindi pwede! Gusto mo bang magtaka yung anak ko?!"

"Edi sabihin mo, kaibigan lang ako. Gusto ko ring makilala yung anak mo, lalake ba siya o babae? Siguro kamukha mo siya."

"Kamukha siya ni Liam." Pabalang kong sagot. Di ko maiwasang mairita sa usapan namin at dahil ayokong ipakita sa ibang employees na ang rude ko sa guest namin, huminga ako ng malalim at umiwas nalang ng tingin.

"Sorry." He sincerely apologized.

"For, what?"

"For your pain, for the complications and for lying." Gusto ng tumulo ng mga taksil kong luha dahil sa mga narinig kong sinabi niya, pero pinipigilan ko kahit na sobrang hirap.

Kagat kagat ko lang yung lower lip ko para makatulong kahit papaano sa pag pipigil.

"Soph-"

"Comfort room lang ako." Pagpuputol ko sa pagsasalita niya. Baka kung ano pang sabihin niya na maging dahilan pa para tuluyang pumatak yung mga luha ko.

Tumayo na ko sa silya ko at nag lakad papuntang comfort room at pag pasok na pag pasok ko dun na tumulo yung luha ko. Shet! Ang sakit pa din talaga bes, langya ka!

Kumuha ako ng tissue at pinunasan ko din naman agad yung luha ko, ayaw kong humarap sakanya na ganito ang itsura ko.

Nang mapahinto ko na yung luha ko, bumalik na ko sa table namin ni Calvin kung saan dumating na yung inorder namin.

"Anong oras out mo?" Tanong niya pagkaupo ko.

"Kumain nalang tayo!" Sinimulan ko ng kumain at di na sinagot yung tanong niya. Tahimik lang akong kumakain at alam kong nakatingin lang siya sakin pero di ko siya pinapansin hangang sa maubos ko na yung fried chicken.

Actually yun lang talaga ang kinain ko, ewan ko ba siguro talagang comfort food din sakin tong fried chicken.

"Matakaw ka padin pag dating sa favorite mong ulam." Natatawa niyang sabi.

Uminum lang ako ng tubig at pinunasan ang kabi ko gamit ang tissue tsaka tumayo. "Tapos na break time ko, salamat sa pagkain." Pagkasabi ko nun nag lakad na ko paalis ng restaurant. Hindi ko naman naramdaman na nakasunod siya kaya nakahinga ako ng maluwag.

--

Keep voting po. 😁

Im not Virgin, anymoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon