Twenty Four

31.2K 1K 34
                                    

Calvin and i went to Doctor para mas malawak pa ang alam namin sa pag bubuntis ko. Nalaman namin na 15 weeks na pala akong pregnant, kung bibilangin nabuo to nung pinasok ako ni Calvin sa kwarto ko noong lasing na lasing ako. Pambihira!! Sa unang beses palang naming ginawa, may nabuo na. Mokong na to, ang galing bumuo.

Nasa byahe na kami ni Calvin pauwi at kapansin pansin ang pagiging tahimik niya pagkatapos namin mag pa check up. Kanina bago kami pumunta excited siya, ngayon namang pauwi na kami ang tahimik niya.

"Ayos ka lang?" Tanong ko.

Tumingin siya sakin sandali at binalik din naman agad ang tingin sa kalsada. "Yah, ayos lang ako." He forces a smiles.

"Alam kong may gumugulo sa isip mo, tell me.. ano yun? Bigla ka na bang kinabahan sa ideang Tatay ka na?"

"Yah, oo tama ka normal naman yun." Di ko siya masisisi kung ngayon kabahan na siya, biglaan din kasi to.

"Alam na ba ng pamilya mo?" Mahina kong tanong.

"Plano kong, dalawa sana tayong mag sasabi."

"I see." Kung sabagay, baka kinakabahan siya sabihin kapag mag isa lang siya. Pero parang nakakakaba na naman sa part ko kahit a boto sila sakin, kasi naman kabago bago lang namin ni Calvin tapos preggy na agad ako.

Nakarating kami ni Calvin sa Apartment ko, dumiretso naman agad sa pag pasok at umupo sa couch ko. Nakasandal lang yung ulo ko sa balikat niya at ineenjoy ang amoy niya.

"Hmmm.. naisip ko lang, sino kaya magiging kamukha ng anak natin?" I said.

"For sure ikaw yun." He said, tinangal ko ang pagkakasandal sa balikat niya at tumingin sakanya.

"Sure talaga agad? Malay mo maging kamukha mo, gusto ko makuha niya yung ilong mo, ang tangos kasi." I said pointing his nose.

He smiles. "Tama ka, kawawa si baby kapag nakuha niya yung ilong mo."

Hinampas ko siya ng mahina sa braso niya. "Hoy Grabe ka ha! Matangos kaya ilong ko."

He laughed. "Oo pero mas matangos pa din ilong ko."

I roll my eyes. "Oh edi ikaw na!"

Pinisil niya ng mahina yung ilong ko. "Biro lang, pero yung totoo gusto kong makuha niya yung mata mo, ang ganda kasi."

"For that i agreed, bawi ka na sa pag sasabi mong mas matangos ilong mo."

He laughed softly. "Mabuti kung ganun, mahirap pa naman ata pag nagtampo ang buntis."

I shrugged. "Ewan ko din, gusto mong subukan?" I asked smiling.

He shakes his head. "Ayoko." I laughed at his word. Sayang masaya pa naman ata yun. Haha!

"By the way, uh.. kailangan ko pala munang umalis. Habang nag papacheck up ka kasi nag text sakin yung Boss ko na pumunta ako ng office ngayon."

I pout. "Hmmm.. may magagawa ba ko, work yan eh."

"Babalik din agad ako, may ipapabili ka ba?"

"Wala, magtitext nalang ako kung may biglang hanapin tong tyan ko."

"Okay, alis na ko." Hinalikan niya lang ako ng mabilis sa labi tsaka tuluyang lumabas ng Apartment.

Nasabi ko na ba dati na sa Tv network nag tatrabaho si Calvin bilang, Graphics Artist? Ngayon.. nasabi ko na. Hmm.. sana lang umuwi siya agad, namimiss ko na kasi agad yung amoy niya eh.

Pumasok na muna ako ng kwarto ko para makaidlip naman muna habang hinihintay ang mahal ko, wait bakit ko pala siya hihintayin dito eh hindi pa naman siya dito nakatira?

Im not Virgin, anymoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon