"We're here, welcome home my love." Calvin said pagkahinto niya sa tapat ng dati kong Apartment na tinutuluyan noong dalaga pa 'ko.
Yah! I'm home and now I'm with my son.
Sinundo kami ni Calvin mula sa Apartment namin sa Pangasinan para ihatid kami dito sa dati 'kong Apartment. Ngayon na kasi ang simula nang leave ko sa trabaho kaya habang nandito kami ng anak ko, dito muna kami tutuloy. Nakakamiss 'to. Ang dami kong memories dito with Calvin, syempre hindi lang kay Calvin pati na din kay Liam.
Sabay kami ni Calvin na bumaba ng kotse, siya para kunin yung gamit namin ng anak ko. Ako naman para pag buksan ng pinto si Stephen ng pinto mula sa back seat para makababa na din siya.
"Dito ka nakatira dati Ma?" Tanong ng anak ko habang nakatingin sa Apartment.
"Yup!" I answered.
"Pasok na tayo?" Calvin asked.
"Sige." Pagsangayon 'ko. Si Calvin ang nag bukas ng pinto dahil nasa kanya yung susi. Binigay ko kasi sa kanya yun dahil nag offer siyang lilinisin niya 'to dahil sa tagal ba namang hindi natirhan. Ako dapat gagawa nun pero syempre wala naman akong time at ang layo. Sinabihan ko naman siyang kumuha nalang siya ng maglilinis pero ayaw niya kaya kung ano mang linis sa loob, siya gumawa nun.
"Welcome home!" Pabungad na bati nila Kara, Edward, Evelyn, Tita (Calvin's Mom) and Cindy pag bukas na pag bukas ng pinto ni Carter.
Oh my God! Nandito silang lahat.
Tumingin ako kay Calvin nang gulat na gulat. Nakangiti lang sa'kin. "Welcome home again."
I smiled. Lagi nalang niya 'kong sinusurpresa, medyo nakakakaba at nakakahiya nga lang dahil nandito si Tita.
"Eve!!" Laking tuwang bati ng anak ko kay Eve habang tumatakbo 'to papalapit sa kanya.
"Ang gwapo naman ng anak mo, Sophie." Cindy said. Yumuko siya para lumevel kunti sa height ni Stephen. "Hello cutiepie, ako ang pinaka maganda mong Tita Cindy. Pwede ba malaman name mo?"
"Stephen Hernandez po." Sagot ng anak ko.
Sunod naman na lumapit kay Stephen ay si Tita. "Hello, apo.. Mama ako ni Calvin. Pwede mo 'kong tawaging Lola."
Hinawakan ni Stephen ang kamay ni Tita at nag mano dito. "Hello din po, Lola."
Nakaka overwhelm sa feeling ang ganitong scenario. Isang malaking blessing talaga sa'kin si Calvin. All this takot at hiya na naramdaman ko nawala lahat dahil sa warmth welcome nila sa'min ng anak ko. Masyado nga lang talaga akong nag isip.
Lumapit na kami sa kanilang lahat para din naman syempre batiin sila.
Bumeso at yumakap ako kay Cindy na until now walang pinag bago, maganda pa din. "Grabe nanganak ka ba talaga Soph? Ang sexy mo pa din. Paano mo na maintain yan?" Tanong niya.
I chuckled weakly. "Uh.. breast feeds? Maybe. I don't know, wala naman akong workout."
Tumingin siya sa Kuya niya ng mapangasar at ngumisi dito. "Kuya, wag dalasan ang breast feed okay?" Biro niya na dahilan para matawa yung mag asawa na naming kaibigan.
Oh gosh!
"Cindy, may mga bata!" Calvin scolded.
"Sorry!" She mouthed, grinning.
Sunod ko namang bineso at niyakap ay si Tita, nag mano na rin syempre. "Masaya akong makita ka ulit hija."
"Ganun din po ako Tita, maraming salamat sa pag accept sa'min."
"Hindi mo kailangan mag pasalamat. You are always welcome sa family namin na soon magiging family mo din."
"Salamat po." Nag banta yung luha ko sa pagpatak nang marinig ko mula sa mga labi ni Tita na welcome pa din ako sa kanila, pero syempre pinipigilan ko. Nakakahiya naman kasing umiyak sa harap niya at ng anak ko.
Pero mukhang nasense ni Calvin yung pagbabadyang tumulo ng mga luha ko kaya inakbayan niya 'ko na dahilan para maibaling ko yung tingin sa kanya. Ngumiti siya at hinalikan ako sa forehead.
"Pwede mo na ba tayong kumain? Nagugutom na talaga 'ko eh." Cindy said.
"Kanina pa nga niya inaangal yan." Natatawang sabi ni Kara.
"Sige maghahain na ako." Tita said.
"Tulungan na po kita, Tita." Offer ko.
"Hindi na Hija, kagagaling nyo lang sa long drive kaya siguradong pagod ka pa." Pag tangi niya. "Cindy, ikaw ang tumulong tutal ikaw naman 'tong gutom na gutom."
"Oo na po!" Cindy said. Sabay silang nag lakad papunta sa kusina.
Nang wala na sila Tita nagkaroon na 'ko nang pagkakataong batiin sila Kara. "Hey! I'm happy to see you here again." Kara said.
"Ako din."
"Ma, pwede po ba naming libutin ni Eve yung bahay?" Stephen asked me.
"Yah! Sure." Pagpayag ko tsaka sila tumakbo palayo ni Eve.
"Mukhang hindi pagod sa byahe yung anak mo ah." Kara said laughing softly.
"Oo nga eh." Pagsangayon ko. Hmm.. speaking of libutin, ngayon lang din ako nag karoon nang pagkakataon na libutin ng tingin ang luma kong Apartment.
Maayos ang pagkakalinis niya, wow bilib na 'ko sa clining skills niya. Pwede na 'ko mag pakatamad sa paglilinis. Haha.
"Ang linis ah! Ang galing mo." I comment.
"Nag tulong tulong kaming lahat dyan." Edward said. Mm.. kaya naman pala.
I noticed sa sala ay may mga bagong upuan kaya napataas kilay ako at tumingin kay Calvin.
"Wala akong maalalang nagpabili ako ng bagong couch."
"Luma na kasi yung dati kaya naisip kong palitan, pati yung mga kama pinalitan ko din at blankets. May ilan pang papalitan pero, tsaka na yun."
"Di mo na dapat ginawa yun, one week lang naman kami dito."
"Akala mo lang yun. Dito tayo titira pag nakasal na tayo, kunting renovation lang tapos dito na tayo bubuo ng pamilya natin."
"Oh!" I giggled. "Parang yun yung plano natin dati ah."
He grins. "Tama pero sa pagkakataong 'to, sisiguraduhin kong mangyayari yun." Niyakap niya 'ko. Ganun din ang ginawa ko sa kanya. Sisiguraduhin ko ding mangyayari na yun ngayon.
Suddenly Cindy showed up. "Tama na ang kacheesy-han dyan, kain muna."
"Sige, susunod na kami." Calvin said.
"Tatawagin ko lang yung mga bata." Kara said. Pero bago pa niya magawa yun, bumalik na papalapit sa'min yung dalawa.
"Kumusta paglilibot n'yo, sweetheart?" Tanong ko.
"We saw a room, bigger than my room at our house. Can i use that?"
I chuckled. "Yah sure, it yours now."
"Yey!!" He jumps and hugged me.
"Pumunta na kayo ng dining my love, ipapasok ko lang sa kwarto yung gamit n'yo." Calvin said.
"Sige, thank you my love."
"Welcome." Pagpapacute niya.
Sinimulan na namin ang mag lakad papuntang dining kung saan nandun sila Tita. Pumwesto na kami, dahil kunti lang upuan kinandong nalang muna namin yung mga bata. Hinintay na muna namin si Calvin bago kami nag simula. Pag dating niya kinuha niya sa'kin si Stephen at siya ang nagkandong dito, tsaka din namin sinimulan na pagsaluhan ang niluto ni Tita na talaga namang nakakamiss. Sobrang sarap kasi talaga!
The whole time na nasa hapagkainan kami, masaya lang. Dahil sa mga bata. Sana lang laging ganito, well alam ko namang hindi mawawala yung mga struggles sa buhay part talaga yun. Pero syempre gusto ko padin sana laging ganito.
--
Epilogue next. ⇨
BINABASA MO ANG
Im not Virgin, anymore
RomanceIm Sophie Hernandez, 24 years old and im not virgin anymore. One week since i lost my virginity with.. i don't know, i don't know kung sino ang nakakuha nun dahil sa kalasingan ko. Basta nagising nalang ako ng may ebidensya sa kama ko na, nawala na...