Thirty Eight

28K 801 22
                                    

We are now heading to Mall, hindi maitago ni Stephen ang excitement niya dahil may pakanta kanta pa siya habang nakaupo sa backseat. Itong si Calvin naman, ginagatungan at sinasabayan pa akala mo magaling kumanta. Haha!

So ako, nakikinig nalang sakanila kahit na ang totoo sumasakit na ang tenga ko dahil dahil sa pagkanta nila. Pero syempre dahil mahal ko sila suportahan ko nalang kung saan sila masaya. Haha.

Hanggang finally makarating kami sa Mall, pinark lang ni Calvin yung kotse tsaka kami bumaba. Hinawakan ko lang sa kamay si Stephen para mahirap na baka maligaw pa siya.

"Pasok na tayo?" Calvin asked.

"Sige." Pagsangayon ko.

"Stephen, gusto mong magpakarga kay Tito Calvin?" Calvin asked my son. Bumitaw si Stephen sa pagkakahawak ko sakanya at di nag dalawang isip na magpakarga dito.

"Gusto mo bang mag arcades?" Calvin asked Stephen.

"Opo!" Stephen yelled, excitedly.

Calvin laughed. "Okay, iwan na natin si Mommy!" He playfully said.

Haay! Edi sila na ang boys!

Nagsimula ng maglakad si Calvin habang ako nakabuntot lang sakanila hangang sa makarating kami sa arcades at dun nila sinimulang naglaro ng kung ano ano. O.P ako sa totoo lang, kasi sila lang ang naguusap. Wala akong ibang ginagawa kundi maging taga hawak ng gamit nila habang nag eenjoy sila at taga punas ng pawis ni Stephen dahil sa kakulitan and kahit kahit gusto kong punasan din si Calvin sa pawis niya hindi naman pwede dahil baka magtaka si Stephen.

Pero kahit taga punas at tagabitbit lang nila ako ng gamit, masaya ako sa nakikita ko sana lagi nalang ganito. Pero alam kong suntok sa buwan yun dahil baka pati si Liam mahanap kami.

Nang matapos sila sa paglalaro finally napansin din nila ulit ako.

"Mama, kain na tayo?" Stephen asked. Grabe! Lalapit lang sakin dahil nagugutom na siya.

"Sige, pero bago yun magpalit ka muna ng damit dahil basang basa ka na ng pawis."

"Ako nang magbibihis sakanya." Calvin offered.

"My- Calvin, ako na." Shocks! muntikan ko na siyang tawaging my love sa harap ni Stephen.

He just grinned teasingly, sensing my katangahan. "Hayaan mo na kong bihisan siya bawal ka sa men's room, remember?" Pagpapaalala niya.

"Hindi ko naman siya bibihisan sa Men's room, sa ladies room ko siya bibihisan."

"Pero big boy na si Stephen kaya di na siya pwede sa ladies room right, buddy?" He asked my son and offered a high five.

"Yah!" Walang pag dadalawang sagot ni Stephen. Haay! Grabe! Yan kamo ang kinatatakutan ko sa lahat ang bilis niya lumaki, baka mawala na yung pagiging malambing niya.

Calvin handed me his hand na parang hinihingi yung damit na pangpalit ni Stephen. "Sasamahan ko na kayo sa Men's room, dun lang ako sa labas."

"Okay." Pagsangayon niya sabay kagra na naman kay Stephen tsaka sinimulan ang maglakad papuntang Men's room. Sinabayan ko nalang sila para di naman ako O.P sakanila at habang naglalakad naramdaman ko ang palihim na pag hawak ni Calvin sa kamay ko kaya di ko maiwasang mapatingin sakanya. Tumingin din siya sakin sandali at ngumiti.

Hindi na ko bumitaw sa pagkakahawak niya sa kamay ko dahil gusto ko rin naman to.

Sa pag dating namin sa men's room dun niya lang binitawan yung kamay ko, tsaka ko inabot sakanya yung bag at pinaalalahanan na lagyan ng pulbos at bimpo sa likod si Stephen.

Im not Virgin, anymoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon