Eighteen

36.5K 1K 18
                                    

I'm on my way home from work, when i heard my cellphone ring. At first di ko to pinapansin dahil nag mamaneho ako ng kotse, until i heard it again. Itinabi ko na muna yung kotse ko sandali para sagutin yung tawag.

Kinuha ko yung cellphone ko sa bag ko, at tinignan kung sino yung tumatawag.. It's Liam. Napabuntong hininga ako ng malaman kong siya pala ang tumatawag, naalala ko na naman kasi yung pakikipag balikan niya sakin.

"Hello?" I answered it.

"Hi sweetie, happy anniversary." I raised my right eyebrow, confused.

"Ha?"

"It's our Anniversary, kung di tayo nag break." Dama ko ang lungkot sa boses niya

Ngayon ba yun? Tinignan ko sandali ang date sa cellphone ko at.. tama ngayon nga yun. Bakit pa niya ko kailangan batiin nun? Eh wala naman na kami. Siguro, trip niya yan kaya pag bigyan.

"Okay." Matipid kong sagot.

"Nasa tapat ako ngayon ng Apartment mo, nasaan ka na?"

"Pauwi na ko, bakit ka nandyan?"

"Well, maliban sa nakikipag balikan ako.. gusto ko lang icelebrate natin yung araw ngayon kahit na, wala na.. tayo."

I sighed. "Okay, wait me there." I ended the call.

Pinag patuloy ko nalang ulit yung pagmamaneho ko habang iniisip yung sinabi ni Liam. Gusto ko na sanang patapusin ang ideang pakikipag balikan niya, kaya lang tingin ko hindi yun ang magandang timing ngayon dahil trip niyang mag celebrate ng Anniversary daw namin dapat.

Gusto ko ng patigilin dahil, nagugustuhan ko na yung si Ugok. Langya kasi yun eh, lagi nalang tumaktakbo sa utak ko na akala mo lagi may racing sa dibdib ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko kapag naalala ko siya.

Nakarating ako ng Apartment ko at di pa man din ako nakakababa ng kotse nakita ko na si Liam sa tapat ng pinto sa Apartment at may hawak na cake at flowers. Pinatay ko lang yung engine, tsaka bumaba ng kotse at nag lakad papalapit sakanya.

Niyakap niya agad ako pag kalapit ko sakanya. "Sweetie, happy anniversary again." He whispered. I just tapped his back, awkwardly as a respond.

Ako na ang bumitaw sa yakap maliban kasi sa nakakailang na to, mukhang wala din siyang planong bumitaw. Inabot niya sakin yung bulaklak at kinuha ko naman yun. "Thank you, pasok na tayo?" Tumango lang siya.

Kinuha ko lang yung susi ko at binuksan na yung Apartment ko. Binuksan ko yung ilaw at dumiretso na kami sa sala. Nilapag ko yung bag ko sa couch, yung bulaklak naman sa maliit kong lamesa tsaka ako umupo at sinandal ang ulo sa sandalan ng upuan.

Tiring day plus ex na nakikipag balikan ngayon sa Apartment ko equals.. Super Tired.

Inilapag ni Liam yung cake sa tabi ng bulaklak na binigay niya at lumuhod sa harap ko tsaka tinangal yung sandals ko.

"Teka, anong ginagawa mo?" Pagtataka ko.

"Mukhang pagod ka kasi sa trabaho kaya, imamasahe ko yung paa mo." He said smiling nicely.

"Uh.. no! You don't have to do that, Liam. Hindi naman na.. tayo."

"I know, i just wanted to do this parang noong tayo pa. Gusto kong ipalala sayo na, maalaga akong boyfriend."

"Hindi ko naman nakakalimutang maalaga ka, kaya lang nakakahiya na ngayon. So please, umupo ka nalang."

"Are you sure?"

"Very sure!" Umupo na siya sa tabi ko, tulad ng sinabi ko. Tahimik lang kaming nakaupo ngayon, wala akong maisip na sasabihin sakanya mukhang ganun din siya.

"Gusto mo na bang kainin yung cake?" He asked breaking our silent.

"Okay, sige." Aakma na sana ako sa pag tayo pero pinigilan niya ko.

"Ako na, dito ka nalang pagod ka pa eh." Pagkasabi niya nun, naglakad na siya papunta sa kusina ko bitbit yung cake.

Isinandal ko nalang ulit yung ulo ko at ipinikit yung mga mata ko. Mukhang tototohanin nga ni Liam yung sinabi niyang gagawin niya lahat para bumalik ako, hindi nakakapanibago yung pagiging pursigido niya.. noong nanliligaw palang kasi siya ganun na talaga siya kaya nga ko nainlove sakanya eh.

Pero iba na kasi talaga ngayon eh, nahuli na siya sa pag babalik niya.

Bigla kong naramdaman na may humalik sa labi kaya napamulat ako ng mata. I pushed Liam on his chest and stood up on my feet, angrily, upsets, mad.. mixed emotion.

"What was that for?" I asked angrily.

"I'm sorry, hindi ko lang napigilan."

"Don't ever try to do that again!" I sighed, frustratingly. "Liam, hindi mo dapat ginawa yun hindi na.." I paused hesitantly. Dapat ko bang ituloy to? It might hurt him.

"Hindi na tayo!" That's it, tinuloy ko na.

"Alam ko, hindi ko na ulit gagawin yun sorry. I just really miss you sweetie, kaya ko nagawa yun." He explained.

I put my hand on my forehead and run it on my hair. "Liam, ayoko sanang sabihin to ngayon dahil tingin ko hindi pa to yung tamang oras dahil dito sa ideang gusto mo pang icelebrate yung Anniv. natin pero.. gagawin ko na.. I'm sorry, hindi na ko babalik sayo. I'm sorry dahil nahuli ka na, may gusto na kong iba."

"Si Calvin?"

"Oo, si Calvin nga. I'm sorry, you should start date someone new now. You're sweet and caring for sure, may mahahanap ka agad na iba."

"Tulad ng ginagawa mo ngayon?" He looks hurt, mad at the same time.. i guess.

"Ganun na nga."

"Wala na talagang pagasa?"

"Sorry, wala na." I can't look at his eyes. Naglakad siya papalapit sakin at niyakap ako ng mahigpit.

"Okay, if this is really what you want." He whispered. Bumitaw siya sa pag kakayakap sakin at hinalikan ako sa noo tsaka tuluyang nag lakad palabas ng Apartment.

Kinuha ko lang yung bag ko at pumasok na ng kwarto ko tsaka ibinagsak yung katawan sa kama ko. Kinuha ko yung cellphone ko at dinial yung number ni Calvin..

"Hey Soph, miss me?" He answered it, making me smile weakly. I knew it, siya lang makakapag pawala sa isip ko ng nangyari kanina samin ni Liam.

"Ugok, di nu!" Pagtatangi ko.

I heard him chuckled. "Bakit ka napatawag?"

I just wanted to hear your voice. "Wala lang, wala akong magawa eh."

"Gusto mo may gawin?" Tanong niya.

"Ano naman yun?"

"Pupunta ako dyan, may gagawin tayo." Pilyo niyang sabi.

"Eh kung sapakin kita?"

He laughed. "Biro lang, pero.. pwede mo ding seryosohin."

"Ewan ko sayo!"

"Pwede ba kong pumunta dyan ngayon?"

"Para ano? May gawin tayo?" Sarkastiko kong sabi na dahilan para matawa na naman siya.

"Pwedeng Oo, pwedeng hindi. Pero gusto lang talaga kitang makatabi matulog."

Hmm.. mukhang gusto ko din yun. "Haay, sige na nga mukhang di ka naman papapigil eh." Pakipot ako syempre.

"Okay, im coming baby!"

"Okay, ingat." I ended the call.

--

Please vote. 😘

Im not Virgin, anymoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon