Thirty Nine

25.3K 847 12
                                    

Nakarating kami ng Apartment ko. Si Calvin ang unang bumaba para buhating si Stephen dahil di ako maka kilos sa himbing ng tulog niya.

Pagka karga niya sa anak ko bumaba naman agad ako ng kotse at sinara yung pinto.

Naglakad kami papuntang pinto ng Apartment at binuksan ko to para sakanila. Sa pag pasok namin, diniretso ni Calvin si Stephen sa kwarto nito habang ako nakasunod lang sakanila.

Nang maihiga niya sa kama si Stephen, tinangal ko lang sapatos nito tsaka ko siya kinumatan. Hinalikan ko muna siya sa forehead niya bago kami lumabas ni Calvin sa kwarto niya.

Dumiretso ako sa kaming dalawa sa kusina para kumuha ng malamig na tubig. Kumuha ako ng dalawang baso para saming dalawa at nilagyan to ng tubig tsaka ko inabot sakanya.

"Plano mo bang sabihin kay Liam kung saan kayo nakatira?" Seryosong tanong ni Calvin.

"Nasabi ko na kanina, hindi ko pa alam ang gagawin." Ininum ko yung tubig ko at nagawa ko tong ubusin.

"Opinion ko lang to my love pero tingin ko dapat magkita na yung mag ama."

"Anong sasabihin ko sa bata kapag tinanong niya kung bakit ngayon niya lang makikita o makikilala yung ama niya?"

"Kayong dalawa ang mag explain ng maayos kay Stephen. Matalino yung bata at tingin ko maiintindihan naman niya kung bakit di kayo nag sasama." Nag lakad siya papalapit sakin at niyakap ako.

Niyakap ko din siya at nakaramdam ang ng pagkakomportable sa bisig niha. "Kakausapin ko muna siguro si Liam."

"Tama yang gagawin mo."

"Hindi ka magagalit?"

"No, para yun kay Stephen." Bumitaw ako sa pagkakayakap niya sakin at tinignan siya sa mga mata tsaka ngumiti para i'reassured ako.

"Salamat dahil nagaalala ka para kay Stephen."

"Kung noon ngang nalaman kong hindi ako ang ama niya wala lang sakin eh, ngayon pa kaya? I don't care kung si Liam ang ama niya, i will love him na parang tunay kong anak, just like how much i love you my love."

"Thank you my love." I sincerely said.

He kissed my forehead. "Di mo kailangang mag thank you." He hugs me again, so i just hugged him back again too.

Hindi ko alam kung gaano katagal kaming magkayakap, naenjoy ko kasi kaya di ko namalayan yung oras.

Ako ang unang bumitaw sa pag yayakapan namin. "Mag papahinga muna ko, medyo napagod kasi yung paa ko kakatayo kanina habang pinapanuod kayong dalawa." I said.

"Sige, dun ka na mag pahinga sa kwarto mo ako dun nalang sala."

"Ayaw mong tumabi?" I joke.

He chuckled. "Gusto mo ba?"

I laughed softly. "Gustuhin ko man hindi pwede dahil baka makita tayo ni Stephen."

"About dyan, ayos lang ba na kapag nalaman na ni Stephen ang tungkol kay Liam yung about satin naman ang sabihin natin sakanya? Uh.. don't worry, hindi kita mamadaliin or si Stephen kung hindi pa pwede ayos lang din. Naisip ko lang kasi na ayoko lang na itago pa natin sakanya yung tungkol satin."

Okay, pumasok na sa isip ko na baka nga irequest niya yan pero di ko lang na inexpect ngayon niya sasabihin.

"Oo naman, hindi ko alam kung kailan pero gagawin natin yun." Sagot ko. Ngumiti siya malamang dahil natuwa siya sa narinig niyang sagot ko. Bakit akala ba niya hihindi ako? Hinawakan niya ko sa magkabilang pisnge tsaka ako hinalikan ng mabilis sa labi.

"Mag pahinga ka na my love." He said after his not-so-long kiss on my lips.

"Ikaw din." Ngiti lang ang sagot niya sa sinabi ko.

Naglakad na ko papuntang kwarto ko para makapag pahinga at syempre para makapag bihis na din. Sa pag pasok ko, dumiretso ako sa closet ko at kumuha ng pwedeng suotin. Sando and short nalang muna siguro.
Inilapag ko to sa kama ko at hinubad ko na yung suot ko tsaka ako nag simulang mag bihis.

Nilagay ko muna sa labahan yung suot ko kanina na tsaka pumasok ng bathroom para mag hilamos at mabura yung kaunting make up na nilagay ko sa mukha ko.

Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang tuwalya at nang magawa ko yun humiga na ko ng kama at sinimulan ko sa pagpikit ng mga mata ko ang pag papahinga.

Makakatulog kaya agad ako nito gayong alam kong alam nasa workplace ko lang ang ama ng anak ko?

Mmm.. ngayon palang iniisip kong kakausapin ko siya parang di ko na alam ang sasabihin ko.

Mag pasama kaya ako kay Calvin? No! I don't think magandang idea yun, anak namin ang paguusapan kaya dapat kami lang. Haay!

Nagising ako mula sa pag kakaidlip dahil naalimpungatan ako sa narinig kong tawanan mula sa labas ng kwarto ko. Paniguradong gising na yung anak ko dahil sa ingay na yun.

Bumangon ako ng kama at lumabas ng kwarto bago pa niya mapagod si Calvin sa pakikipag laro niya dito.

Dumiretso ako sa sala at nakita ang yung dalawa na nag da'drawing. So, yan pala ang pinagkakatuwaan nilang dalawa. "Gising ka na pala." Calvin said smiling.

"Ma, tinuturuan ako ni Tito Calvin mag drawing." Stephen said. Ngiti lang ang response ko sa sinabi ng anak ko.

"Nakapag pahinga ka ba?" Tanong ko kay Calvin.

"Yup, don't worry." Buti naman, baka kasi pagod pa siya sa pakikipag laro kanina kay Stephen eh.

"Anong oras na ba?" Di ko na namalayan yung oras sa pag idlip ko.

"Malapit ng mag 6pm, i guess."

"Sige, maiwan ko muna kayo dyan magluluto lang ako."

"Teka! Maaga pa mamaya ka na mag luto kagigising mo lang eh, sumali ka muna dito. Diba tinuruan kita dating mag drawing?

"Para namang natuto ako noon." Sabi ko habang nag lalakad papalapit sakanila, sabay upo sa tabi ni Calvin. Stick man lang ang kaya kong idrawing.

"May potential si Stephen." Calvin comments.

Tinignan ko yung drawing ng anak ko, pero stick man lang naman ang dinu'drawing ni'to. Itong Calvin na'to minsan magaling din manguto eh. "Sino yang dinu'drawing mo, Sweetheart?" I asked my son.

"Mama, me and Tito Calvin." Sagot niya habang pinopoint niya yung bawat isa dun sa tatlong stick man na dinudrawing niya at tinutukoy kung sino yun. Nagkatinginan kami ni Calvin dahil sa gulat.

I honestly never thought na kaming tatlo yun dahil una sa lahat wala namang pa triangle na parang palda yung drawing niya sa'kin para maging girl yun, pangalawa mag kaka'height pa.

"Why us?" Curious kong tanong.

"Because i love you and Tito Calvin." Sagot niya ulit habang naka focus lang siya sa pag d'drawing niya na parang para sakanya wala lang yung tanong na yun pero para samin mahalaga yun.

Tumingin lang ako kay Calvin, nakatitig lang siya sa anak ko na tila di maka paniwala sa narinig niya. Hanggang sa may biglang tumulong luha sa mga mata niya pero pinunasan naman agad niya yun. Shemay! Nakakahawa yung luha niya pero pinipigilan ko dahil baka mawirduhan yung anak ko pag nakita niyang pareho kaming lumuluha ng Tito Calvin niya.

Hinawakan ko na lang sa kamay si Calvin kaya naibaling niya yung tingin sa'kin. Ngumiti lang ako sakanya at ganun din siya sa'kin.

--

Keep voting. 😁

Im not Virgin, anymoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon