Hindi mahinto ang pagkwento ko kung gaano ako kaexcite at kasaya kay Calvin dahil sa balitang buntis na si Kara. Alam kong dapat hindi ko muna idaldal yun hangga't hindi pa nasasabi ni Kara kay Edward ang lahat pero di ko talaga mapigilan.
Sobrang nakakaexcite kasi talaga eh.
"Bakit parang mas excited ka pa kay Kara?" Calvin asked.
"Eh kasi naman, imagine magkakaroon na ng baby sa barkada. Di ka ba naeexcite dun?" Sabi ko sabay upo sa tabi niya.
"Uh... hindi ko alam."
I rolled my eyes. "Alam mo, minsan talaga wala kang kwenta kausap."
"Grabe ka naman!" He makes a fake hurt face.
I shrugged. "Just sayin!" Tumitig siya sakin at unti unting sumeryoso yung mukha. Hala! Mukhang na offend sa sinabi ko, pambihira! Kailan pa to naging sensitive?
"May sinabi bang dahilan sayo si Liam kung bakit siya nandito kanina?" He suddenly asked. Oh!!! Hindi pala siya na offend sa sinabi ko, tungkol pala kay Liam kung bakit siya biglang sumeryoso.
"Uh.. m'meron.." I hesitantly said. Dapat ko bang sabihin ang totoo na nakikipag balikan si Liam? or wag nalang?
"Ano yun?"
I stand not facing him. "Gusto mong kumain? Nagugutom na kasi ako eh."
"You obviously, changing the topic."
I sighed, facing him. "Fine! Nakikipag balikan siya."
"And?"
"And.. what?" I asked confused.
"Sinagot mo ba yung tanong niya?"
"I told him na hindi ko pa alam ang isasagot sakanya."
"May chance ba na magkabalikan kayo?" He asked again, looking straight at my eyes. Grabe bakit ba napunta agad sa ganitong kaseryoso ang usapan namin?
I close my eyes and i take a deep breath. Then tumingin ulit ako sa mga mata niya at nagsalita. "Wala na." Ayoko ng idagdag na dahil yun sa wirdong nararamdaman ko sakanya baka kasi mag feeling siya eh.
He finally smiles, again. "Dahil ba sakin?"
"Aba! Ang kapal ha!"
He laughed at my reaction. He stands and hold my both cheeks. "Tama yan wag ka munang umamin, gusto talaga naming mga lalake ang mga pakipot." He winks.
Tinangal ko yung mga kamay niya sa pisnge ko. "HeHe!" I sarcastically said. "Masyado kang feeling nu?!" I added.
He shrugged. "Sakto lang." Inilevel niya yung mukha niya sa mukha ko, akala ko hahalikan niya ko pero hindi. "Ngayon, gutom na ko magluto ka na.. please." He said, puppying his eyes.
Hinawi ko yung mukha niya at tumalikod. "Oo na!" Kailangan mag pacute pa talaga sa harap ko?
Nag lakad nalang ako papunta sa kusina ko para masimulan na ang mag luto. Naramdaman ko lang nag pag sunod niya sakin pero di ko lang siya pinansin. Di rin naman niya ko ginulo sa pag luluto ko kaya mabilis ko lang natapos yun.
Nang matapos naman akong mag luto, pinagsaluhan naman agad namin to. Gutom siya kasi, paano ko nasabi? Takaw eh.
Nang matapos kaming kumain, we decided na uminum ng kunti bago siya umuwi. Tutal medyo maaga pa naman kaya di na ko tumangi, tsaka pang patulog din to.
Kaya nasa sala kami ngayon at umiinum, habang mag katabi. Hawak hawak niya lang yung kamay ko, hilain ko man ayaw naman niyang pumayag.
"Anong meron sa kamay ko at hinahawakan mo?"
"Hayaan mo na ko minsan lang manantsing eh." Baliw talaga!
"Minsan? Napapadalas na kaya!" I said making him laughed.
"Napapadalas na ba? Di ko napapansin eh." He said laughing. I rolled my eyes then ininum nalang yung beer ko, since wala naman talaga siyang planong bitawan kamay ko di ko na pinilit pang hilain.
Naramdaman ko ang pag halik niya sa kamay ko, kaya di ko maiwasang mapatingin sakanya. Tumingin siya sa mga mata ko pag katapos niyang halikan yung kamay kong hawak hawak niya.
He was about to kiss my lips, pero nahinto nung biglang mag ring yun cellphone niya. Kinuha niya sa bulsa niya yung cellphone niya at tinignan kung sino yung tumatawag. Bigla napakunot noo siya ng makita niya to atsaka tinago ulit sa bulsa niya yung cellphone.
"Sino yun? Bakit di mo sinagot?"
"Wala lang yun." Para siyang biglang nawala sa mood. Uminum nalang siya sa ulit nung beer.
"Si Cynthia ba?" Tanong ko. Tumingin siya sakin at kita sa mukha niya na tama ako ng hinala na yung ex nga niya yun. Hindi ko alam pero parang medyo, nainis ako sa nalaman ko.
"Nakikipag balikan ba siya?" Ngayon oras ko namang mag tanong.
"Wala na kong planong gawin yun." Dati pinupush ko siyang balikan niya si Cynthia pero ngayon nakahinga ako ng maluwag.
"Pero nakikipag balikan nga siya?"
"Oo. Alam mo na, gwapo ko kasi." He tries to make fun, pero di ako natawa. Uminum nalang ako ng beer at di na nag salita, wala din naman akong maisip na sabihin kaya.. shut up nalang!
"Soph.. don't tell nag oover think ka na naman?" He asked.
"Wala naman akong sinasabi."
"Yun na nga eh, wala kang sinasabi. Mas gusto kong may sinasabi ka para alam ko kung anong tumatakbo sa isip mo."
"Wala naman akong iniisip."
Binitawan niya yung kamay ko at tumayo. "Sige, uuwi nalang ako." Hinalikan niya ko sa ulo ko tsaka nag lakad paalis ng sala.
Haay! Ano ba tong kinikilos ko? Pati tuloy ako naiinis na sa sarili ko. Sakanya na nga nanggaling na wala na siyang planong balikan si Cynthia pero di ko parin maiwasang magselos.. Oo, alam kong hindi kami pero nag seselos pa din ako.
Tumayo ako at hinabol siya palabas. "Calvin.." i called, pasakay na siya ng kotse niya. Tumingin siya sakin ng blangko.
Naglakad ako papalapit sakanya at hinawakan siya sa mag kabilang pisnge tsaka hinalikan ang labi niya ng hindi ganun katagal pero hindi rin naman mabilis. "Goodnight." I said after the kiss.
He smiles. "Goodnight."
---
Vote po. ★
BINABASA MO ANG
Im not Virgin, anymore
RomanceIm Sophie Hernandez, 24 years old and im not virgin anymore. One week since i lost my virginity with.. i don't know, i don't know kung sino ang nakakuha nun dahil sa kalasingan ko. Basta nagising nalang ako ng may ebidensya sa kama ko na, nawala na...