Natapos ako sa pagluluto at tinawag ko na yung dalawa para kumain dahil hangang ngayon nag lalaro parin sila. Siguradong mabilis makakatulog tong si Stephen dahil sa pagod sa pakikipaglaro kay Calvin.
Katabi ko lang ang anak ko sa pagkain habang si Calvin nakapwesto sa tapat namin.
"Ma, kayo lang friends ni Tito Calvin?" Inosenteng tanong ni Stephen habang sinasandukan ko siya ng kanin niya.
"No, we have two more friends. Si Tito Edward mo at Tita Kara, mag asawa sila." Sagot ni Calvin. Para namang alam na nung bata ang meaning ng mag asawa.
"You know Tita Kara? She always calling Mama."
Shit!
"Nak, eat!" Sabi ko sabay subo sa anak ko. Sakin niya talaga minana tong kadaldalan eh.
Pasulyap akong tumingin kay Calvin para makita ang reaksyon niya ang alam niya kasi wala kaming contact ni Kara.
"Really? Anong pinaguusapan nila ni Mama mo?" Tanong ni Calvin sa bata.
"Nangangamusta lang siya." Ako na ang sumagot.
"I see." Hindi siya convinced, i know.
Sa buong hapag kainan namin, si Stephen and Calvin lang ang nag kukwentuhan. Ako tamang nakikinig lang sakanila, alam kong bago kay Stephen na may makausap na lalake lalo na't kasabay pa namin kumain kaya hinahayaan ko na. Tsaka tingin ko hindi naman sila mapipigilang dalawa.
Nang matapos naman kaming kumain, Calvin offered na siya na daw mag hugas para makapag bihis daw muna ako. Tumangi ako sa una pero nag pumilit siya kaya wala na kong magagawa.
Bago ako mag bihis, inasikaso ko muna si Stephen para sa pagtulog niya. Pinunasan ko ang buo niyang katawan ng basang bimpo at pinag toothbrush tsaka ko siya hinayaan mag bihis kasi kaya na daw niya yun.
Pumasok na ko sa kwarto para makapag shower at makapag bihis. Nang matapos naman ako sa pag aasikaso ko lumabas ako ng kwarto para harapin ang biglaan kong bisita.
Sa pag labas ko naman ng kwarto dumiretso ako ng sala kung saan nandun yung dalawa at nanunuod ng T.v.
"Sweetheart late na, matulog ka na."
"Manunuod po muna ako with Tito Calvin."
"Uuwi na si Tito Calvin kaya matulog ka na."
Tumingin si Stephen kay Calvin. "Babalik ka po bukas?"
"Oo babalik ako bukas, don't worry. Matulog ka na." Calvin said smiling.
"Opo." Nang marinig yun ni Stephen nag lakad na siya papuntang kwarto.
"Sweetheart.." I called him.
"Po?"
"Where's my kiss?" Lumapit siya sakin at hinalikan ako sa pisnge. "Goodnight, Sweetheart."
"Goodnight, Ma." Sinimulan na niya ulit maglakad at nang mawala na siya sa paningin ko tumingin na ko kay Calvin.
"Bumalik ka na ng resort, gusto ko ng magpahinga."
Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa. "Babalik ako bukas, at makikituloy kung pwede sana? Sigurado kasing mahirap matulog sa kotse ng isang linggo." Sa kotse? So dun pala niya planong matulog kapag di ako pumayag patuluyin siya dito.
"Calvin, hindi ka pwedeng mag stay dito ayokong masanay si Stephen na kasama ka baka mahirapan yung bata kapag umalis ka na."
"Anong masama dun? Gusto ko rin naman mapalapit sa anak mo at babalik pa naman ako pagkatapos ng isang linggong pag stay ko dito."
BINABASA MO ANG
Im not Virgin, anymore
RomanceIm Sophie Hernandez, 24 years old and im not virgin anymore. One week since i lost my virginity with.. i don't know, i don't know kung sino ang nakakuha nun dahil sa kalasingan ko. Basta nagising nalang ako ng may ebidensya sa kama ko na, nawala na...