Twenty Eight

28.7K 855 18
                                    

Nagising akong masakit ang ulo ko at feeling ko namamaga ang mga mata ko mula sa matindig pag iyak kagabi sa rebelasyong nalaman ko sa pag bubuntis ko.

Hangang ngayon, kumikirot pa din yung puso ko tuwing naaalala ko.

Hindi ko matangap ang ideang nag sinungaling sakin si Calvin. Shemay! Sa lahat ng taong pwedeng mangloko sakin, bakit siya pa? Tinanong ko siya ng maayos noon kung siya ang kumuha ng virginity ko pero nag sinungaling padin siya.

Kasalanan ko din eh, kung di ako nag pakalasing nung gabing yun edi sana wala ako sa ganitong sitwasyon ngayon. Never din naman kasing pumasok sa isip kong mangyayari yun.

Ang di ko maintindihan kung alam naman na ni Calvin na hindi talaga siya ang nakabuntis sakin, bakit pa niya inilihim?

Bumangon na ko ng kama, gustuhin ko man o hindi kailangan ko paring mag trabaho. Lalo na ngayong, wala na kong katuwang sa dinadala kong bata.

Wala akong planong humingi ng tulong kay Liam, lalo na't ngayong ikakasal na siya at magkakaasawa. Shit! Ang komplikado talaga ng lahat.

Iniisip ko palang sumasakit na ulo ko.

Nag shower nalang ako at nag asikaso sa pag pasok sa trabaho para iwas pag iisip na din. Baka mapahamak pa baby ko kung maiistress ako. This isn't just about me anymore, may baby na din ako ngayon kaya siya nalang iisipin ko.

Nang matapos ako sa pag aasikaso sa pag pasok lumabas din naman agad ako ng Apartment ko. Pag labas ko nairita agad ako ng makita yung dalawang lalakeng nag paramdam sakin na parang ang dumi kong babae. Si Calvin at Liam.

"Soph.." Sabay nilang tawag sakin ng makita ako.

"Ihahatid na kita." Liam said.

"Ako ang maghahatid sakanya." Calvin said.

"Ako yung ama nung bata!" Liam said.

"Ako yung boyfriend!" Calvin said.

Di ko nalang sila pinansin, kung mag susuntukan sila wala akong pakialam sila naman mag kakasakitan at hindi ako.

Dumiretso lang ako papunta sa kotse ko at sumakay. Inistart ko yung makina ng kotse ko tsaka to pinaandar.

Sa pag sisimula kong mag maneho, i saw from my side mirror na nakasunod lang sakin yung dalawa.

Binilisan ko ang pagmamaneho ko yung pag mamaneho ko, yung tipong may dalawang sasakyan ang layo ng pagitan ko dalawa.

Luckily kahit ang bilis kong mag maneho nakarating ako ng safe sa trabaho ko, pagbaba ko ng kotse wala pa din yung dalawa. Nahirapan sigurong makahabol sa bilis kong mag maneho.

Dumiretso na ko sa time keeper na maligaya akong binati pero ngiti lang ang sagot ko.

Nang matapos ang working hour..

Gustuhin ko mang mag OT para iwas sa pag iisip si naman pumayag yung Operational Manager namin kasi alam niyang buntis ako.

Pag labas ko ng Resort, nakita ko na naman yung dalawa na mukhang hinihintay ang pag out ko sa trabaho. Sabay silang nag lakad papalapit sakin pero bago pa sila makalapit sakin sumakay na ko ng kotse ko.

Damn it! Bakit ba hindi nalang muna nila ako tigilan? Hindi ba nila sineryoso yung sinabi kong lalayo ako pag nag pakita sila?

Pwes, ipapaalam ko sakanila seryoso ako!

Dahil ayaw ko pa namang umuwi at alam kong nakasunod yung dalawa sakin, i decided na puntahan nalang muna si Kara sa Cafe niya.

Nang makarating ako ng Cafe ni Kara, luckily nasa counter lang siya at halatang nag tataka sa biglaang pag bisita mo.

"Oh, napa bisita ka?" Pagtataka niya.

"Ayos lang bang pag dumating si Calvin at Liam wag mo silang papasukin ng Cafe mo?"

Tumitig siya sakin at halatang mas lalong nagtaka. "Anong nangyari?" Tanong niya.

I just bite my lower lip, trying to stop ang taksil kong luha na nag babadya na namang tumulo.

"Okay, sasabihan ko yung guard." Pagkasabi niya nun nag lakad siya papunta sa entrance ng Cafe at kinausap yung guard.

Lumapit din naman agad siya sakin nang makausap niya yung guard tsaka ako hinawakan sa wrist. "Dun tayo sa office ko mag usap." Hinila niya ko papunta sa maliit niya office dito sa Cafe at sabay kaming umupo.

"Anong nangyari?" She asked curiously. Instead of answering her question, biglang tumutulo na naman yung luha ko na kanina ko pa pinipigilan sa trabaho dahil ayaw kong mag mukhang tanga. Pero dahil kaibigan ko naman yung kasama ko di ko na napigilan pa.

"Shocks, ano ba kasing nangyari bakit ka umiiyak?" Pagaalala niya.

"Hindi si Calvin ang ama nitong bata." I said sobbing.

"Ha? Paanong hindi siya?"

"Si Liam talaga ang pumasok kwarto ko noong gabing lasing na lasing ako at siya ang kumuha ng virginity ko kung saan dun nabuo yung bata."

"Fuck! Eh diba sabi ni Calvin siya yun?"

"Nag sinungaling siya sakin, satin." Naramdaman ko na namang kumirot yung puso ko dahil sa sakit ng pag sisinungaling niya.

"Shit!" Napa sandal siya sa upuan niya na halatang di makapaniwala sa nangyari.

Nakarinig kami ng katok mula sa labas ng office ni Kara, kaya pinunasan ko yung mga luha ko.

"Pasok!" Kara yelled.

"Ma'am nag aaway po yung dalawa niyong kaibigan sa labas ng Cafe, pero inaawat na po sila nung guard."

"Shit!" Kara stand panicking. "Stay here!" She told me then nag lakad na siya palabas ng office.

I can't just stay here at siya ang haharap dun sa dalawang ugok, problema ko to at hindi kanya kaya ako ang haharap sakanila.

Lumabas ako ng office ni Kara at pinuntahan na sila sa labas ng Cafe na ngayon ay tinatalakan na ni Kara.

"..kung di kayo aalis ibabanned ko kayo dito, understand?" Inis niyang sabi dun sa dalawa.

"Gusto ko lang naman makausap si Soph, Kara. May dahilan ako kung bakit ako nag sinungaling sakanya." Calvin said.

"Ano man ang dahilan mo ang punto dito nag sinungaling ka!" Kara said.

"Kara.." I called her. Sabay sabay silang tumingin sakin.

"Diba sabi ko dun ka lang sa loob?" Kara scolded me.

"Buntis ka, hayaan mo na ko dito." Pagpapaalala ko.

"Buntis ka din at sana pumasok sa utak ng dalawang to na hindi ka dapat ma stress dahil baka makasama sainyo ng baby mo." Tumingin siya ulit sa dalawa. "Maraming araw para makausap niyo siya, wag ngayon. Intindihin niyo namang buntis siya." She scolded them.

Tumingin sakin yung dalawang ugok at tila napaisip sa sinabi ni Kara.

"Sige." Liam said.

"I understand." Calvin said. Tumingin siya sakin ng punong puno ng pag aalala at pagsisisi.

"I won't give up on us, my Love. I love you." He sincerely said.

Mahal ko rin siya, pero hindi katangap tangap ang pag sisinungaling niya. Ayos lang sana kung hindi mabigat na pag sisinungaling eh, matatangap ko pa. Pero itong ginawa niya sakin, hindi katangap tangap.

Isa pa, ayaw kong ipaako sakanya ang anak naman talaga ng iba.

Nang finally matauhan yung dalawa, nag kanya kanya na silang sakay ng kotse nila. Lumapit sakin si Kara na halatang concern.

"Ayos ka lang?" Tanong niya.

I nodded. "Salamat."

She smiles. "Wala ka ng kapamilyang dadamay sayo kaya nandito ako, wag mong kalimutan yan, okay?"

I just nodded, smiling weakly at her.

"Ano ng plano mo ngayon?" She asked.

"Magpapakalayo layo."

--

Keep voting po. 😁

Im not Virgin, anymoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon