Tulog na ngayon si Stephen.. napagod na siya dahil sa kakalaro, dahil may kalaro siya kahit gabi na energetic pa din siya. Pero yung kalaro niyang si Evelyn tulog na din. Dun siya natutulog sa kwarto ko, i told Kara and Edward na dun sa kwarto ko mag stay habang kami sa kwarto ni Stephen kasama si Calvin pero di kami magtatabi sa sahig siya kami ni Stephen sa kama.
Nang matapos kausapin nila Liam si Stephen and masabi niya ang kagustuhan ni'tong makasama siya bukas buong araw ay umalis naman agad sila kasi may kasama silang baby girl kaya di sila pwedeng mag tagal. Pero syempre about sa pagsama nila kay Stephen ng buong araw kailangan parin ng consent mula sa'kin, pinayagan ko sila pero isasama nila si Manang Luz baka kasi biglang umiyak si Stephen at di nila alam ang gagawin. Mabuti na yung may gagabay sakanila pag may kinailangan yung bata.
Lumabas na 'ko ng kwarto ni Stephen kasi plano pa naming uminum sa sala bago kami matulog lahat, hinayaan muna naming makatulog yung maliit bago namin naisipan 'to. Ang tagal na kasi nung huling ginawa namin 'to.
Nakakakaba lang dahil ang tagal ko ng di umiinum, baka humina na 'ko at isang baso palang ng beer mahilo na 'ko.
Pag dating ko ng sala nandun na silang lahat at ako nalang ang hinihintay. Tumabi ako kay Calvin sa pagupo sa couch habang yung mag asawa nakaupo sa separate chair.
"Simulan na natin?" Tanong ni Calvin. Napalunok na lang ako ng inabutan ako ng Calvin ng beer.
"You okay?" Calvin asked chuckling.
"Ang tagal ko ng hindi umiinum, kaya hindi ko alam." Sagot ko.
"Don't worry Soph, hindi pa naman nagbabago yung lasa ng beer simula nung hindi ka uminum." Edward jokes making Kara and Calvin laughed.
"Ha.Ha. very funny." I sarcastically said.
"Don't worry my love, di ka naman namin pipilitin pag di mo na kayang uminum eh." Calvin reassured me. Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya, buti naman dahil susuko na agad ako after nitong isang beer.
Sinimulan ko ng uminum at talaga namang napag hahalataan akong hindi na umiinum dahil kahit nakainum na 'ko nito parang bago lang sa lalamunan.
"So ano ng plano niyong dalawa?" Kara asked making me looked at her.
"What do you mean?" I asked clearing my throat.
"Well, we all know na settled na si Liam at ang consent kay Stephen.. paano naman kayo ni Calvin?"
Nag tinginan kami ni Calvin dahil sa tanong ni Kara. Ano nga kaya? Wala ng problema at so far lahat nangyayari ng maayos, after nun ano na?
"Plano ko siyang pakasalan na dapat noon pa nangyari." Sagot ni Calvin.
"Saan kayo titira dito o sa Manila?" Edward asked.
Okaaay, yan ang di ko ineexpect na tanong.
"Sa Manila." Mabilis na sagot ni Calvin kaya di ko maiwasang mabigla.
"Pero nandito yung trabaho ko." Pagsisingit ko.
"Madali ka lang makakahanap ng trabaho sa Manila dahil sa experience mo." Calvin said.
"Or kung gusto mo makisyoso ka nalang samin tulungan mo 'kong mag manage ng bago kong bubuksan na Cafe, mahirap kasing mag manage ng dalawa." Kara suggested.
"Pero wala naman akong alam pag dating sa pag nenegosyo."
"Edi tuturuan kita, matalino ka naman eh paniguradong madali mo lang makukuha yun. Maganda din kasi may experience ka sa pagmamanage ng tao tsaka ayaw mo nun araw araw tayong mag chichikahan." She winked.
BINABASA MO ANG
Im not Virgin, anymore
RomanceIm Sophie Hernandez, 24 years old and im not virgin anymore. One week since i lost my virginity with.. i don't know, i don't know kung sino ang nakakuha nun dahil sa kalasingan ko. Basta nagising nalang ako ng may ebidensya sa kama ko na, nawala na...