On the way na kami ni Calvin ngayon sa bahay nila gamit ang kotse niya. Ngayon na kasi ang araw ng pag punta ko sa bahay nila Calvin para, uh.. bumisita, ulit. Hindi ko alam kung anong ieexpect, kinakabahan ko na, ewan. Kilala ko naman na yung pamilya niya at talaga namang super nice sila, lalo na noong nalaman nilang ulila na ko.
Pero iba kasi talaga ngayon eh.. kaya kinakabahan ako.
"Are you okay?" Calvin asked, smiling teasingly.
"Wag mo kong simulan ng ganyang ngiti ah, tatamaan ka!" Pag ganitong kabado ako nananapak pa naman ako. Echos lang syempre!
"Bakit ba kabadong kabado ka? Boto naman sayo sila Mama eh." Natatawa nitong sabi.
"Hayaan mo lang ako, mag paka driver ka muna dyan!"
"Okay." He said chuckling.
Tumahimik naman ulit siya pag katapos ko siyang pag sabihan at yung pananahimik na yun nag patuloy hanggang sa makarating kami sa bahay nila kaya yung puso ko tila gustong lumabas sa dibdib ko at gusto akong iwan para makatakbo na siya.
Ano ba yan!!!
Unang bumaba si Calvin ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto.
"Ready?" He asked holding my hand.
"Not so, but.. don't worry, gagawin ko ang lahat para di ako mag mukhang ewan sa harap nila."
He laughed. "Kalma ka lang kasi." Ang daling sabihin ang hirap gawin! Try niya kaya sa posisyon ko, kaso never naman niyang maiexperience dahil wala naman na kong magulang na haharapin niya. Tss!
Nag simula na kaming maglakad papasok ng bahay nila at pag pasok namin, we saw his sister Cindy seating on the couch. Tumayo siya ng makita kami at ngumiti ng very nice sakin.
"Soph.. Ooppss, wait i Ate Soph na ba dapat?" She asked teasingly.
I chuckled. "Uh.. kahit ano, ayos lang sakin."
She laughed. "Nag blush ka." Haay! Wag sana siyang gatungan ni Calvin.
"Wag mo siyang biruin ng ganyan, kanina pa yan kabado." Pangagatong ni Calvin, kaya kinurot ko siya sa tagiliran niya. Tsk, kakasabi ko lang eh.
"Aww!" He mounted, pouting.
"Manahimik ka nga!" Mahina kong pag sermon sakanya.
"Cindy, nandyan na ba Kuya mo?" Boses yun ng Mama nila. Sabay sabay kaming tumingin sa direksyon niya.
"Oo Ma, nandito na." Cindy answered.
Lumapit kami ni Calvin sakanya at bumeso. "Kamusta po, Tita?" I asked.
"Mabuti naman hija, masaya ako at nakadalaw ka ulit." She said nicely.
"Medyo naging busy po kasi sa trabaho kaya natagalan ulit sa pag bisita." Totoo yun, pero ang pinaka dahilan talaga ay ayaw ko lang maging issue pa yun kay Cynthia dati.
"Di ba dahil din kay Cynthia?" Cindy asked making a irritated face as she said Cynthia's name.
"Cindy!!" Tita scolded.
"What? I don't really liked her, she's so possessive. May bumista lang na kaibigan si Kuya kahit lalake magagalit na, di manlang marunong makisama. Buti nga wala na sila eh."
Oh! That was very surprising.
"Cindy, she's still my ex. respect her." Calvin scolded.
"Yah, yah, di ko naman na siya makikita eh." She said crossing her arms.
"Mabuti pa kumain na tayo." Tita said. We just nodded to her.
Sabay sabay na kaming pumunta sa dining area nila ng hindi binibitawan ni Calvin ang kamay ko, actually simula ng pumasok kami di pa niya binibitawan yung kamay ko.
Sabay sabay kaming umupo, kapansin pansin na ang daming niluto ni Tita na akala mo fiesta. Lahat na ata ng special dish niya nandito at syempre ang all time favorite kong fried chicken di nawala. Wow! Mukhang madami akong makakain.
Sinimulan na namin ang kumain, kaya binitawan na ni Calvin yung kamay ko.
"Sana magustuhan mo hija ang ang hinain ko." Tita said.
"Naku Tita for sure pag luto mo siguradong masarap." Nag thumbs up pa ko para convincing. Hindi pangbobola yun, katotohanan na talagang masarap siyang magluto.
"Basta may fried chicken Ma, for sure mgugustuhan niya yan." Calvin teases. Siniko ko ko lang siya ng palihim para manahimik na!
Habang kumakain kami, chika chika lang kami ni Cindy, close din naman kasi kami eh. Pag pumupunta kasi ako dito noon at nag oover night, sa kwarto niya ako natutulog tapos nag kakashare'an kami ng mga tungkol sa boys and mga typical girl to girl talk.
I also asked kung kailan uuwi ang Papa nila na nasa Singapore bilang OFW, sa Christmas pa daw.
Nang matapos kaming kumain and just like what i expected masarap luto ni Tita ang dami kong nakain, as in madami. Para nga kong di pinakain ng isang lingo. Haha!
"Ma sa kwarto lang kami Soph, may ibibigay lang ako sakanya." Calvin said to Tita.
"May ibibgay ka?" Pagtataka ko.
"Oo." Laking ngiti niyang sabi.
"Asus, gusto niyo lang mag solo eh." Cindy teases. Hindi na pinansin ni Calvin yung pang titrip ng kapatid niya at hinila na ko papunta sa kwarto niya.
Nang makapasok kami sa kwarto niya ang una kong ginawa ay humiga sa kama. Haay! Dahil sa dami kong nakain parang ang sarap tuloy matulog. Baka pag napadalas ako sa pag punta dito manaba ako ang sarap kaso talaga ng mga luto ni Tita eh.
"Wala na ba yung nerbyos mo?" Calvin asked, looking down at me.
"Yup, kanina pa. Masyado akong nag isip sa wala."
He laughed softly. "Sabi sayo eh, boto talaga sayo si Mama."
I grin. "Oo na." Halata naman sakanila kanina, lalong lalo na kay Cindy.
Umupo ako mula sa pag kakahiga. "So, ano nga bang ibibigay mo sakin?" Tanong ko. Nilagay niya yung kamay niya sa bulsa, tsaka hinawakan ang kamay ko at inilagay niya sa palad ko ang isang singsing.
I blinked at him, shockingly. What the..
"Okaaay, bago ka mag isip ng kung ano.. hindi pa yan, wedding ring." He quickly explained.
"K'kung ganun, para saan to?"
"It's just an.. uh, assurance ring."
"Assurance ring??" Kunot noo kong tanong.
"Yah, masyado na kasing common yung promise ring."
I laughed softly, chuckling a little. "Okaaay, so paanong assurance nga?"
"Assurance yan na, akin ka.. soon."
I smiled at him, amusingly. "Soon? What if.. i want it now?"
He grins, shockingly. "Really????????"
"Well, if you want it.. soon.. why not-"
"No!! I want it now!" He snapped making me laughed.
"Okay."
"Okay, means tayo na?" He asked.
"Okay, means tayo na!" I repeated nodding, smiling widely.
"YEEEESSS!!!" He shouted, punching in the air.
"Hoy, wag ka maingay!" I scolded. Hindi niya pinansin yung sinabi ko basta bigla nalang niya kong hinawakan sa magkabilang pisnge at hinalikan ako sa labi.
--
Please vote po. 😁
BINABASA MO ANG
Im not Virgin, anymore
RomanceIm Sophie Hernandez, 24 years old and im not virgin anymore. One week since i lost my virginity with.. i don't know, i don't know kung sino ang nakakuha nun dahil sa kalasingan ko. Basta nagising nalang ako ng may ebidensya sa kama ko na, nawala na...