I wake up with feeling weak. Urgh! Tuluyang sumama ang pakiramdam ko, imbes na gumaling parang mas lalong tumaas ang lagnat ko. Ano ba naman tong katawan ko minsan talaga hindi marunong makisama.
Sinubukan ko pa ding umupo mula sa pagkakahiga, kahit yung utak ko gustuhin mang kumilos na pero yung katawan ko nag sasabing humiga pa ng kama ko.
So i just decided to follow my body. I lay on my bed again. Kinapa ko sa side table ko yung cellphone ko para mainform sa office na hindi ako makakapasok, for those who didn't know.. im working as Operation in a Swimming Resort.
Ma'am, im sorry hindi ako makakapasok. Masama po pakiramdam ko.
I texted Ms. Anne, the Operational Manager. Hindi na ko nag hintay ng reply at ipinikit ko nalang ulit yung mga mata ko, alam ko namang maiintindihan niya kung bakit di ako makakapasok, ngayon lang naman ako aabsent.
Nagising muli ako for the second time sa araw na to, kailangan kong kumain dahil nakakaramdam na yung tyan ko ng pag angal kaso itong katawan ko napaka KJ at ayaw talagang makisama.
I texted my dearest friend Kara para naman dalhan ako kahit goto, sapat na sakin.
Beb can you buy me a Goto? I'm sick and i'm still not eating.😷
Sinubukan kong umalis sa kama ko at tumayo kahit na hinang hina ako, pumunta ako sa sala ko at umupo sa couch tsaka ako naka received ng text mula kay Kara.
Okay, wait your Goto papunta na.
Salamat.
I replied.
Humiga nalang muna ako sa couch ko at nag hintay ng makakain. Haay! Ang hirap ng walang nag aalaga, dati kasi laging nandyan si Liam para sakin tuwing nagkakasakit ako o kahit si Calvin pero ngayon wala.
Wala rin naman akong maasahang magulang dahil wala na kong magulang.
Inabot din ata ng isang oras ang paghihintay ko sa Goto ko, at nang may marinig akong kumatok mula sa labas ng Apartment pinilit kong tumayo para pag buksan na si Kara, pero pag bukas ko ng pinto ang lalakeng ayaw kong makita ang nakita ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Inis kong tanong kay Calvin.
"Hi, how are you too." Pabalang niyang sabi.
"Wala akong panahon sayo, umalis ka na." Pagtataboy ko kahit hinang hina na ko.
"Pinapunta ako ni Kara dito at pinabibigay sayo to." Pinakita niya yung Goto. Haay! Pambihira talaga tong si Kara, siya pinapapunta ko iba naman pinadala. Nananadya ata yung babaeng yun eh, masermunan nga.
Kinuha ko yung Gotong mainit init pang nakaplastik. "Salamat." Napilitan kong sabi. Isasarado ko na sana yung pinto pero pinigilan niya.
"Sophie please, don't be so rude. I'm really sorry." He seriously.
"Calvin, wala ako sa mood para makipag away okay? Utang na loob umalis ka na!"
"Tingin mo magagawa kitang iwan sa kalagayang mong yan?"
"Mas gagaling ako pag wala ka!"
"Mas gagaling ka kung may magaalalag sayo!" I was about to say something pero di ko na nagawa dahil bigla siyang pumasok ng Apartment na ikinagulat ko. Bigla din niya kong binuhat na parang newly wed lang at dinala ako papuntang dining area at pinaupo.
"Aalis ako pag magaling ka na." He reassured. Hindi nalang ako nag salita dahil lalo lang akong nanghihina sa nararamdaman kong inis sakanya. Hindi manlang ba siya nakakaramdam ng ilang pagkatapos ng nangyari samin? Ako kasi talagang sobrang naiilang eh. Nakita na niya ang lahat sakin samantalang ako, ni walang nakita kasi wala naman akong maalala! Kaya mas nakakailang sa parte ko.
Kinuha ni Calvin yung Goto ko at inilagay ito sa isang mangkok tsaka inabot sakin para simulan ko ng kainin.
Tahimik lang akong kumain habang siya, tahimik na pinapanuod ako. Nang malapit ko ng maubos ang Goto ko, nag handa siya ng tubig at gamot para sakin.
Galit man ako sakanya at sobrang naiinis sakany, na aappreciate ko pa din naman tong ginagawa niya.
"Salamat." Mahina kong sabi.
"Welcome, I'll do everything para mapatawad mo."
"Let's not rush that."
"Okay."
Natapos ako sa pagkain ko at pag inum ng gamot. Inalalayan niya kong bumalik sa kwarto, gusto sana niya kong buhatin tulad kanina pero di na ko pumayag. Naglakad lang kami papunta sa kama ko at nang makapasok kami, inalalayan din niya ko sa pag higa at kinumutan.
"Magpahinga ka pa, nasa sala lang ako pag may kailangan ka. Sabihan mo lang ako." Pag kasabi niya nun hinalikan niya ko sa noo at lumabas na ng kwarto ko.
BINABASA MO ANG
Im not Virgin, anymore
RomanceIm Sophie Hernandez, 24 years old and im not virgin anymore. One week since i lost my virginity with.. i don't know, i don't know kung sino ang nakakuha nun dahil sa kalasingan ko. Basta nagising nalang ako ng may ebidensya sa kama ko na, nawala na...