Eight

46.1K 1K 10
                                    


Nasa trabaho ako ngayon, pero parang wala dahil lutang ang isip ko. Lutang dahil sa kakaisip sa nangyari samin ni Calvin.

Nagkada leche leche na, di na ko magtataka kung one day bigla nalang akong sabunutan ni Cynthia. Ano ba naman kasing pumasok sa utak ni Calvin at ginawa na naman niya yun? Ni hindi pa nga siya okay sakin pagkatapos niyang kunin ng walang paalam ang virginity. Ako namang si ito pumayag din! Tsk.. kasalanan yun ng malikot niyang kamay at masarap niyang halik.

"Soph, ayos ka lang?" Kaye asked, siya ang kapalitan ko sa shift ngayon.

"Oo, bakit mo natanong?"

"Lutang ka kasi, buti di ka nakita ni Ma'am Anne kundi tatalakan ka nun."

"Buti nalang talaga." I said sighing. Ipapahamak pa ata ako sa trabaho ng nangyari samin ni Calvin.

Dahil nandito rin naman na si Kaye, oras na ng out ko sa trabaho kaya pumunta lang ako sa time keeper at nag sign sa pag out tsaka dumiretso ng kotse ko.

Sinimulan ko ang byahe papunta kay Kara dahil plano ko siyang talakan dahil sa pagpapapunta niya kay Calvin sa Apartment kaya nangyari na naman ang di dapat mangyari.

Nakarating ako ng Cafe ni Kara at dumiretso ako sa counter niya. "Soph, ayos na ba pakiramdam mo?" She asked. I just nodded my head, glaring at her. "What's with the glare?" She asked again.

"Bakit si Calvin ang pinapunta mo sa Apartment ko nung may sakit ako?"

"Uh.. dahil siya ang free?"

"Siya ang kumuha ng virginity ko!" Mahina kong sabi, yung saktong maririnig lang niya.

"Alam ko, sinampal mo nga dito si Vin diba?"

"So bakit siya pa din ang pinapunta mo?"

"Kasi gusto niya daw magkaayos kayo."

I sighed heavily. "Di mo dapat ginawa yun."

"May nangyari ba at na inis ka sa ginawa kong yun?"

"May nangyari samin, again."

She laughed. "Yun naman pala eh, bakit ka nagagalit eh pinasaya naman pala niya ang malamig mong gabi?" She asked smirking teasingly.

"Morning, actually!" Pagtatama ko.

"Oh!" She smirked widely. "And.. speaking of him.." She added, looking at my back. Oh-no please! Sana mali ako ng iniisip na nasa likod ko si Calvin ngayon.

"Pinaguusapan niyo ko?" Boses niya yun. Langya naman oh! Bakit ba trip na trip niya mag pakita ngayon? Samantalang noon once a month lang siya mag pakita minsan nga kahit sa isang buwan hindi siya nag papakita tapos ngayon nagpakita na naman siya! Pambihira!

Bigla niya kong inakbayan kaya para akong naging statwa. "Hi, Soph." He whispered, seductively at my ears.

Inalis ko yung kamay niya sa balikat ko at humarap sakanya. "Hi Vin, di mo ata kasama si Cynthia."

"Lagi ba kaming magkasama?"

"Oo. Lagi siyang nakapulupot sayo diba?"

He smirked. "Are you jealous?"

"Bakit naman ako magseselos?" I asked chuckling, sarcastically.

"I don't know, bakit nga ba?"

"Hindi ako nagseselos sa girlfriend mo nu!"

He shrugged. "Okay." He said not convinced. I glared at him.

"Lagi nalang ba kayo magaaway sa Cafe ko?" Kara asked.

"We're not fighting." Calvin said.

"Uuwi na ko!" Pagsisingit ko tsaka lumabas ng Cafe at di na pinansin ang pagtawag nila sakin.

"Sophie, sandali!" Calvin called. Hindi ko pinansin yung sinabi niya at nag patuloy lang sa pagbubukas ng pinto sa kotse ko. "Soph, mag usap tayo." He said, ramdam kong nasa likod ko lang siya.

"Naguusap na tayo diba?" Pabalang kong sabi.

"Wala na kami ni Cynthia."

Napaharap ako sakanya sa gulat. "What?"

"Wala na kami ni-"

"I know narinig ko! Why?" Pagpuputol ko sa sasabihin niya. He was about to speak pero pinigilan ko muna. "Wait.. please, utang na loob wag mong idadahilang dahil sa nangyari satin kaya kayo naghiwalay."

"Hindi, hindi dahil dun." Nakahinga ng maluwag sa sinabi niya, buti nalang. "Dahil yun sa gusto kita, Sophie."

Oh my God!

Sumakay nalang ako ng kotse ko at ayaw ko ng marinig pa ang susunod niyang sasabihin. Isasara ko na sana yung pinto ng kotse nang pigilan niya ito..

"Soph-"

"Calvin, iniisip mo bang may chance tayo ngayong wala na kayo? Pwes ngayon palang sasabihin ko na sayo.. wala! Wala kang aasahan satin! Kaya balikan mo na si Cynthia!" Pinilit kong isara yung pinto ng kotse at sinimulan na ang byahe palayo ng Cafe.

Shocks!

Im not Virgin, anymoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon