Thirty Five

26.5K 829 16
                                    

Natapos akong magluto ang pagluluto ko at tinawag ko na yung boys. Si Stephen mukhang nakatulong ang pag tulog kaya ang taas pa din ng energy niya kahit gabi na.

Nakipag unahan si Stephen kay Calvin na akala mo nasa karera sila. "I win!" He giggled, proudly.

I grinned as he giggled, i love hearing those giggle.

"Next time ako na mananalo." Calvin said, na halata namang nag patalo lang sa paunahang pag punta dito. Tumingin siya sakin at ngumiti kaya nakaramdam agad ako ng ilang at hiya.

Feeling ko kasi until now ramdam ko pa din yung halik niya sa labi ko. Matagal tagal na dun mula nung maranasan kong halikan sa labi at si Calvin pa ang huli na yun tapos kanina lang nag tama ulit ang mga labi namin, well syempre maliban sa anak ko pero syempre iba naman yun.

Nakakaramdam pa din ako ng ilang kapag naalala ko ang nagyari after nung kiss..

Flashback..

Dali dali akong bumitaw sa halik niya sakin dahil sa gulat. Ang tagal ng walang humalik sakin kaya malamang magugulat ako.

"B'bakit mo ginawa yun?" Nauutal kong tanong.

"I just really missed you, my love." Sagot niya. Shocks!!

Plano ko sanang tangalin yung mga kamay niya sa balikat ko pero bigla niya ulit akong hinalikan. His lips asking for a permission to respond and this time i respond willingly.

I put my hands on his waist, enjoying our lips locked by our kiss. I already admitted na namiss ko siya pero di ko yun pinaparamdam sakanya pero ngayon wala na bumigay na ko, i missed this, i missed him.

We break our kissed, breathless. Ipinagtama niya yung mga noo namin at pinakita niya ang ngiti niya habang nakatitig aa mga labi ko. "Mukhang na miss mo ako dahil kahit na wala pa kong toothbrush pumayag ka pa din halikan ko." Pilyo niyang sabi.

I blushed instantly as i heard that. I stepped back para mapalayo naman ako kunti sakanya. "B'babalik na ko sa k'kusina, yung uh.. niluluto ko baka masunog."

He chuckled. "Sinigang yun my Love, hindi yun masusunog. Tsaka wala ka pa dito ng limang minuto kaya imposibleng masunog yun."

"Ah Basta!!!" Pagkasabi ko nun nag madali akong lumabas ng kwarto ko.

End of flashback..

Shocks! Mali atang pinatuloy ko siya dito.

Pinaghain ko na sila ng makakain nila tsaka nila sinimulan ang pagkain.

Katabi ko lang yung anak ko at inaalalayan siya sa pagkain niya habang si Calvin.. well malaki na siya di na kailangan alalayan.

Tulad kagabi ang madaldal sa hapagkainan namin ay silang dalawa, kaya nakakaramdam ako ng O.P, kung mag usap sila akala mo since birth ni Stephen magkakilala na sila samantalang kahapon lang sila nagkakilala.

"Sweetheart, bukas na tayo mag Ma'Mall." Pag sisingit ko ng topic, para naman makasali ako.

"Yeeey!" He joyfully said. "Isasama po natin si Tito?"

"Uh.." napasubo ako sa topic ko ah. Tumingin ako kay Calvin at yung tingin niya nag sasabing gusto-kong-sumama may kasama pang pag pout. Haaay! "..Oo isasama natin si Tito Calvin mo."

Ngumiti silang dalawa na parang bata, well si Stephen bata pa talaga pero si Calvin.. para siyang ewan.

"Nak, ayos lang bang sa kwarto mo muna si Mama matulog? Kasi si Tito Calvin mo dun ko muna sa kwarto ko matutulog, habang nandito pa siya satin." Pagpapaalam ko sa anak ko.

"Opo." Matipid niyang sagot.

Nang matapos kaming kumain.. i told my son na mg tootbrush then sinimulan ko na ang magligpit ng pinagkainan namin sa tulong ni Calvin.

"Soph?" Calvin called.

"What?" Tanong ko pero di na ko mag abalang tignan pa siya.

"Ako na ang mag huhugas, mag pahinga ka na."

"Hindi na, bisita ka dito."

"Alam ko pero kagagaling mo lang sa trabaho ako nandito lang naman sa bahay."

"Hindi na! Ako na." Pagmamatitigas ko.

Umakma siyang lalapit sakin at yung katawan ko parang biglang naging alerto na ewan at napatras ng isang hakbang agad. "Okay, sige na, ikaw na mag hugas."

Siguro kaya ganito kilos ko dahil natatakot akong baka pag nagtama na naman ang mga balat namin, makalimutan kong inis pala ako sakanya tulad kanina sa kwarto ko. Shocks!

He chuckled amusingly. "Okay, mabilis ka palang kausap eh."

"Ewan ko sayo!"

Dahil tapos naman na ko sa pagliligpit nung lamesa at Calvin offered na siya ang maghuhugas umalis na ko ng kusina.

Dahil wala naman na kong gagawin, chineck ko nalang kung anong ginagawa ng anak ko. Papunta palang ako ng kwarto niya pero sakto namang lumabas siya.

"Tapos ka ng mag toothbrush?" Tanong ko.

"Yes, Mom."

"Let me smell." Lumapit siya sakin at hinalikan ako sa pisnge. "Hmm.. okay, wag na masyadong maglaro dahil matutulog ka na."

"Opo." Bigla siyang tumakbo papuntang sala. Tsk. Kakasabi ko lang na wag na masyadong maglaro eh.

Pumunta nalang muna ako sa kwarto ko para ako naman ang mag toothbrush. Tss.. dahil sa toothbrush na yan napahamak ako eh.

Nang matapos naman ako, pumunta na ko ng sala kung saan nandun na yung dalawa at nanunuod ng t.v ng magkatabi. Nakinuod nalang muna ako, pero nasa separate chair ako.

Pero imbes na manuod sa tv, si Calvin at Stephen ang tinitignan ko. Anong bonding pa kaya ang ginawa nila para maging close agad sila ng ganyan?

Biglang tumingin sa direksyon ko si Calvin kaya umiwas agad ako ng tingin na kunyari sa tv ako nakafocus ng tingin kanina.

Pero kahit ilang minuto na ata akong nagpapangap na nanunuod ako ng tv, dama ko pa din ang pag tingin ni Calvin sakin kaya di ko na napigilang tumingin sakanya.

Nakangisi lang siya habang nakatingin sakin pero nang magtama ang paningin namin binaling na niya yung tingin sa tv. Anong problema nito? Di kaya iniisip pa din niya yung halik kanina kaya nakangisi siya?

Dahil hindi naman ako mahilig manuod, hinayaan ko nalang silang dalawang manuod. Kumuha nalang muna ako ng novel book sa kwarto ko tsaka pumunta sa kwarto ni Stephen para dun ay mag basa nalang.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nanatili sa kwarto ng anak ko habang nagbabasa, natigil lang to ng biglang pumasok si Calvin buhat buhat ang anak kong nakatulog na.

"Pahiga nalang siya sa kama." I said. Naglakad na siya papalapit ng kama at tulad ng sabi ko inihiga niya si Stephen sa kama. Nang maihiga niya to, kinumutan ko agad siya.

"You raised him well." He compliments.

"Not just me, pati yung Nanay Luz niya." I humbly said.

Tumingin ako sa mga mata niya na may kunting ilang.

"Salamat."

"Para saan?" Tanong niya.

"Sa pag aalaga sakanya buong araw, masaya ako at wala siyang galos."

He chuckled. "Sabi ko naman sayo diba? Akong bahala."

I just smiled weakly. "Sige na, matulog ka na."

"Wala ba kong goodnight kiss?"

I raised my right eyebrow. "Seryoso ka dyan?"

"Oo naman." Dahan dahan siyang naglakad papalapit sakin. Hinawakan niya ko sa chin tsaka niya hinalikan ang labi ko. Smack lang siya pero ang sweet.

"Goodnight, Soph."

I bite my lower lip. "Goodnight Calvin."

--

Keep voting babies. 😁

Im not Virgin, anymoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon