Twenty One

36.1K 1.1K 13
                                    

Pag out ko palang ng trabaho ko at ng gate, nakita ko na si Calvin na naghihintay sa labas ng kotse niya habang nakatingin sa cellphone niya na tila may katext.

Nag lakad ako papalapit sakanya ng hindi niya napapansin, tsaka na natiling nakatayo sa harap niya hanggang finally napansin din niya ko.

"Busy ka ata dyan sa cellphone mo?" Tanong ko.

"Katext ko kasi Edward eh." Sagot niya tsaka lagay ng cellphone sa bulsa niya at hinawakan ako sa kamay tsaka nagpaka feeling gentleman at pinag buksan ako ng pinto sa kotse.

Nang pareho na kaming nakasakay sa kotse niya nag salita ako.. "Tungkol sa text mo kanina, kailan ako iniinvite ni Tita?"

"Kung kailan ka daw pwede."

"I see." Nagsimula na kami ng byahe at dahil tahimik kami at talaga namang curios ako..

"Uh.. anong sinabi mo sakanila tungkol satin?" Tanong ko.

"Hmm.. tayo na."

"What?!!" Gulat kong tanong.

"Bakit gulat na gulat ka?" He asked chuckling.

"Calvin hindi pa naman tayo." Pagpapaalala ko.

"Kailan ba magiging tayo? Obvious naman na may feelings ka na para sakin kaya bakit di pa natin simulan ang road to forever natin?"

Road to forever.. really?!! lumabas yun sa bibig niya?? Di ko tuloy maiwasang matawa.

"What's so funny, Sophie?" He asked smiling, widely.

"You and your unexpected words Calvin. Di ko akalaing sasabihin mo ang road to forever na yan." I said laughing.

"Why not? Yun na ang gusto ko sating dalawa." He holds my hand and kisses it without taking his eyes on the road.

Tumingin siya sandali sakin. "Kailan ba magiging tayo?" Seryoso niyang tanong.

My laughed fades. "Pag natangap na ni Cynthia na wala na kayo."

Natahimik siya sandali at mukhang napaisip ng malalim sa sinabi ko. Alam naman niya sa sarili niya na mahal na mahal pa rin siya ni Cynthia, tinatawag tawagan pa nga siya pag nalalasing to eh. Baka maging komplikado pa ang lahat kung until now in love padin sakanya ang ex niya. Well hindi lang pala siya, pati din ako. Kaso yung samin ni Liam na clear ko na sakanya at mukhang tangap naman na niya.

"Paano kung matagalan?" Seryoso niyang tanong.

"Edi matatrafic tayo sa road to forever natin."

He chuckled. "Mas okay muna siguro yun, sa ngayon." Tama siya, masaya pa naman kami sa ganitong setup. Parang wala rin naman kasi tong pinagkaiba eh, kung kumilos kami parang kami na talaga. Wala lang talagang label.

Dumiretso kami ni Calvin sa isang restaurant, kasi nga ito ang plano namin mag dinner bago umuwi.

Unang bumaba si Calvin sa kotse para pag buksan ako ng pinto, nang makababa naman ako hinawakan niya agad yung kamay ko at sabay kaming naglakad papasok ng restaurant.

Inassist kami ng isang waiter papunta sa isang table at kumuha naman kami agad nung order namin.

Habang hinihintay namin yung order kapansin pansin ang pag titig sakin ni Calvin. Paanong di ko mapapansin eh pa obvious siyang nakakatitig sakin.

"Bakit ba?" Tanong ko.

"Wala, mahal lang kita."

I chuckled, amusingly. "Oo na! Nagpapacute ka pa."

He pouts. "Walang mahal din kita?"

I giggle. "Mahal din kita."

"Kita mo nga naman oh! Ang dalawang nag mamahalan." Pagsisingit ng isang babae, sabay kaming tumingin sakanya at si Cynthia ang nakita namin.

Pambihira naman oh! Maninira pa ata ng moment. Kung kailan naman nag mahal din kita na ko, tsaka pa siya sumulpot. Ang perfect niya talagang tumayming!!

"Cynthia, what are you doing here?" Calvin asked.

"Well let's just say na napadaan ako at sakto namang nakita ko kayo. Ang galing talaga ng tadhana nu? Nakita ko ang ex boyfriend ko kasama ang mang aagaw niyang babae."

"Tumigil ka na!" Calvin said.

"Why? Totoo naman diba, inagaw ka niya sakin." Nilakasan niya yung boses niya para siguro iparinig sa lahat yung sinasabi niya. Kaya yung mga tao, tumitingin na sa direksyon namin.

"Hindi totoo yan!" Pagtatangol ni Calvin.

"C'mon, Calvin wag mo ngang ipagtangol yang babae mo!"

"Cynthia!"

Huminga ako ng malalim dahil yung inis ko sumabog na pero di naman ako iskandalosang tao tulad niya. "Pwede ba Cynthia yung pagiging palengkera mo ilugar mo naman. Bakit ba hindi mo nalang tangapin na wala na kayo ni Calvin? Alam mo kasi sa kinikilos mo nagmumukha ka desperadang ex na tinatawag tawagan pa ex dahil hindi ka maka move on. Try mong mag sugar para mabawas bawasan mo din ang pagiging bitter mo!" Kalmado kong sabi pero nandun yung irita sa boses ko.

"Ako desperadang ex?"

"Oo. Eh ano bang ginagawa mo ngayon? Ginugulo mo yung date namin ni Calvin kasi desperada ka parin na bumalik sayo kahit na ang totoo hindi na siya babalik sayo!"

She was about to slapped me pero pinigilan siya ni Calvin sa pamamagitan ng pag hawak sa wrist nito. "Cynthia, wag na wag mong sasaktan si Sophie. Hinahayaan kitang sabihin ang kahit na anong masasakit sakin pero di ko hahayaang saktan mo si Sophie. Wag mong hintaying mapuno ako at kalimutan kong may pinagsamahan tayo, kaya utang na loob tumigil ka na!"

Hinila ni Cynthia yung kamay niya at si Calvin ang sinampal. "Magsama kayo!" Sinamaan muna niya ko ng tingin bago tuluyang umalis ng restaurant.

"Soph, im sorry." Calvin said, sincerely.

I stand, sighing. "Umalis nalang tayo!" Nag simula na kong mag lakad palabas ng restaurant dahil hindi ko na gusto yung tingin ng mga tao dun.

Narinig ko pang tinawag ako ni Calvin pero di ko na siya pinansin, basta nag tuloy tuloy lang ako sa paglalakad papunta sa kotse niya at nag hintay sa tabi nito.

"Soph.." Calvin called, softly. Tingin ko binabalanse niya yung mood ko kung magwawala ba ko sa inis o hindi. Naglakad siya papalapit sakin at pumwesto sa harap ko tsaka dahan dahang hinawakan yung mga kamay ko. "I'm really sorry." He softly said.

Niyakap niya sa bewang niya yung mga kamay ko tsaka naman niya ko niyakap. "Sorry talaga." He whispered. Naramdaman ko ang pag halik niya sa ulo ko.

Hinigpitan ko yung pagkakayakap sakanya. "Di mo naman kasalanan eh, bakit ka nagsosorry?"

"Hindi maganda yung ginawa ni Cynthia."

"Exactly, si Cynthia ang may gawa hindi ikaw. So enough saying sorry and.. don't mention her name again."

I heard him chuckled. "Okay, i won't."

"I love you Soph."

"I love you too, Calvin."

"Naabutan na naman tayo ng trafic sa road to forever natin." He said making me laughed, softly.

Bumitaw ako sa pagkakayakap sakanya at hinawakan siya sa magkabilang pisnge at hinalikan siya ng mabilis sa labi niya. "Hayaan mo siyang traffic! Basta love kita."

--

Sorry po maikli, mahaba na kasi talaga para sakin ang 1k+ words sa every chap. ko eh. Hahaha. ✌

Vote lang. 😍😘

Im not Virgin, anymoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon