TSWOTSS 2 : Flower shop

266 5 12
                                    

Yannie's POV.

Nag decide kaming tumambay sa mall.. Syempre dun kami dumiretcho sa isang area kung saan pwedeng maglaro ang mga bata.. Hindi din kasi pwedeng mapagod yung dalawang buntis eh.

"Anak, don't run too much ha?"  pahabol na sigaw ko kay Minjun bago sya tuluyang makalayo samin..

Naupo kami sa may coffee shop malapit dun sa paglalaruan ng mga bata..

Kwentuhan na naman syempre..

"Oh ano, tinext ka ba ni Saeng?"  tanong agad sakin ni Tep.

"Ah, oo,  oo.. Ay oo nga pala, nagtext din si Chelle, susunod daw sya satin."  pag iiba ko ng usapan.

"Speaking of the bride."  sabi ni Deshi habang nakatingin sa may likod ko.

"Unnie!!"

"Oy Chelle."

Beso dito. Beso dun.

Tapos naupo na din sya sa tabi ko.

"Kumusta preparations?"  tanong ni Gennie.

"Nakakapagod pero masaya. Bakit ba kasi ayaw nyong sumali sa entourage?"  pangungulit na naman ni Chelle samin.

"Baliw ka ba? Kita mong buntis kami ni Gennie gagawin mo pa kaming bridesmaid mo? Yan, yang dalawang sexy misis ang kulitin mo."  depensa ni Tep.

"Unnie, pumayag ka na kasing maging maid of honor ko. Please?"  ako naman ngayon ang kinulit ni bruha. May pahila hila pa ng braso ko.

"Chelle, ring bearer mo na ang anak ko. Best man pa ni Hyun Joong ang asawa ko. Happy family na kami masyado nyan kung magiging maid of honor mo pa ko. Hayaan mo na si Wens sa role na yan, ha? And besides, ako ang photographer ng mag ama ko. Alam mo naman yung dalawang yun."  mahabang paliwanag ko.

Tiningnan naman ni Chelle si Deshi at nginitian ng bonggang bongga..

"No way. Magpipicture din ako para may maiupdate ako sa international TS. Ayoko, ayokong sumali."  umiling iling pa si Deshi habang tinatanggihan si Chelle.

"Ang daya nyo naman eh, nung kinasal kayo bridesmaid ako. Ngayong ako na ang ikakasal ayaw nyo manlang mag participate."  nag pout ang sisterette ko..

I really wonder paano nila mahahandle ni Hyun Joong ang isa't isa..

Si Hyun Joong kasi, matured na, 34 years old na, at isa syang seryosong tao kahit minsan weird sya.

Si Chelle naman, ang bata pa mag isip palibasa 27 palang sya kung sa Pilipinas, 28 dito sa Korea. Ang gulo noh?

"Kasalanan ba namin na huli kang nag asawa!? Wag ka nang umarte. Asan ba si Joong?"  tanong sakanya ni Tep.

"Sa flower shop daw.. Kasama nya daw si Saeng ah.. Di ka ba nya tinawagan unnie?"

"Oo, sinabi nya nga sakin. Tinext nya ko eh."  ako na sinungaling. Ako na talaga!

"Saang flower shop ba kayo nagpapa arrange ng flowers Chelle?"  tanong naman ni Gennie.

"SooYoung Flower shop."  sagot ni Chelle.  "Actually mukhang close nga yung babaeng may ari ng shop at si Hyun Joong eh. Old friend nya daw yung girl."

"Talaga? Baka ex nya. Mag ingat ka."  pang aasar na naman ng bitter na si Deshi.

Ngumiti nalang ako nung makita kong sumimangot ang kapatid ko at tiningnan ng masama si Desh..

The Super Wives of the Super Stars (Slow Updates)Where stories live. Discover now