Baro's POV.
"Minjun-ah, ako muna!" sigaw ni Gongchan habang nakikipag agawan ng laruan ni Minjun..
Pinagtawanan nalang namin sya.. Baby talaga tong si Gongchan eh.. Baby din kasi ng ate nya.. Ako kaya, kailan ako ituturing na baby boy ng ate ko? Lagi nya kasi akong inaaway, binabatukan, sinesermonan at sinasaktan kahit noon pa man.. Sanay na nga ako eh.
"Hoy Channie, wag mo na ngang agawan ang bata. Hayaan mo sya maglaro, sakanya naman yan eh.." sita sakanya ni ate Jacey habang nakayakap sa bewang ni Yunho-hyung.. Sweet.
Tumayo ako at nilapitan si ate Yannie na nanunuod lang nung kulitan ng anak nya at ni Chan.. Nakangiti lang sya habang nakatitig kay Minjun..
"Ate Yans, okay ka lang?" tumango lang sya. "Asan nga pala si Young Saeng-hyung?"
"Ewan.. Di ko alam.. Lumabas, may trabaho ata sya.." careless na sagot nya.
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit hindi nalang nila ayusing mag asawa ang problema nila.. Or kung bakit hindi nalang nila ituloy yung divorce kung nahihirapan na talaga sila.. Si ate Yans, may iba naman na sya pero bakit mas pinili nyang tumira ulit dito kasama si Young Saeng-hyung? Hay.. Kung si ate to, hindi na talaga ako papayag na bumalik pa sya dun sa asawa nyang walang ibang alam kundi ang magpa gwapo at magyabang..
Lumapit na din samin si ate Rhisa..
"Chris, pwede ko bang makausap muna si Yannie saglit?" pakiusap nya sakin kaya bumalik nalang ako sa pag upo sa tabi ni Sandeul.
Tiningnan ko lang sila habang nag uusap.. Lumayo sila ng konti samin at mukhang seryoso ang pinag uusapan nila.. Umiiling iling pa si ate Yannie at tumitingin sa sahig habang si ate Rhisa naman, hinahawakan lang sya sa braso at pilit na tinitingnan sya sa mata..
Maya-maya pa ay nagyakapan na silang dalawa..
Ano kayang problema?
*Blag! boogsh!*
Napatigil kami lahat at nagkatinginan nung makarinig kami ng mga nababasag na gamit. galing sa kabilang bahay. Sa kabilang bahay? Eh bahay yun ng ate ko at ng magaling nyang asawa ah!
"Ano yun?" tanong ni CNU-hyung.
"Uncle Baro!!" nakita nalang namin na pumasok na sa bahay yung kambal. Hindi kasi nakasara yung gate at pinto ng bahay nina ate Yannie..
Sinalubong ko yung dalawang bata ng yakap dahil nakita kong umiiyak sila..
"Wae? Wae? Anong nangyari? Bakit kayo umiiyak?" nag aalalang tanong ko dun sa dalawa.. Lumapit na din samin lahat at pinalibutan kami.. Pati sila, pinapakalma narin yung mga bata.
"Yoonjin-ah, what happened?" tanong ni Changmin-hyung kay Yoonjin.
"Nag aaway po sina eomma at appa. Pati sina Uncle Jae." sagot ni Yoonjin habang humihikbi.
"Dito lang kayo ha? Gongchan-ah, bantayan mo muna sila."
Dali-dali akong tumakbo palabas ng bahay at naramdaman ko din na sumunod yung iba sakin.. Pagkalabas na pagkalabas ko ng gate ay nakita ko si ate, nakahawak sa braso ni Jung Min-hyung na para bang pinipigilan itong umalis. Habang si Jaejoong naman, sinusundan lang si Elle na mukhang papaalis na din..
Binalik ko yung tingin ko kay ate at saktong saktong nakita ko na itinulak ni Jung Min ang ate ko na ikinatumba nya naman..
Shit!