TSWOTSS 25 : Problems and Problems

171 6 10
                                    

Rhisa's POV.

"Alam mo ba na matagal ko nang gustong itanong sayo kung bakit sya pa?"  tanong sakin ni Jjun.

"Huh?"

"Hindi ba halata? Yoochun is still in love with that girl. Wala syang ibang minahal kundi ang babaeng yun. Nung kasal nina Yannie, si Eun Ah pa ang dini-date nya nun.. Tapos nagkaroon na naman ng iba.. Kaya nagulat ako na ilang weeks lang after nung huling date nya dun sa ibang babae eh bigla ka na nyang pinakilala samin bilang girlfriend nya."  kwento nya..

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman sa mga sinasabi ngayon ni Hyung Jun. Dapat ba kong  masaktan dahil mahal pa pala ng fiancee ko ang ex nyang hitad? O matutuwa ba ako dahil sinasabi sakin to ni Jjun para matauhan ako? Well.. None of the above.

Feeling ko kasi nalulungkot ako.. Nalulungkot akong isipin na bakit kailangan pang si Hyung Jun ang magsabi sakin nito? Bakit ang lalaking minsan kong minahal? Bakit ang lalaking naging dahilan kung bakit pinili kong mahalin si Yoochun? Bakit sya pa?

"Wag ka nang iiyak ha? Ayokong makakita ng babaeng umiiyak ngayon. Tama na sakin na nakita kong umiyak si Deshi kagabi nang dahil sa katangahan ko."  hindi ko alam kung san galing yung sinabi nyang yun. Dahil ba sa nakulong sya saglit kagabi kaya umiyak si Deshi?

"Jjun.."  I managed to say his name.. "What happened?"

"Baog ako, Rhisa.. Hinding hindi ako magkaka anak. Masama ba yun? Kasalanan ko ba yun?"  he said at kahit na medyo madilim at tanging party lights lang ang nagbibigay liwanag samin ay kitang kita ko ang pagtulo ng luha nya..

Hyung Jun is crying in front of me. Si Jjuni na makulit, si Jjuni na minahal ko ng bonggang bongga. Si Jjuni na hanggang ngayon.... Aish Arisha! Get a good grief of yourself, will you!? May asawang tao yan. May Deshi na sya..

Hyung Jun's POV.

"Pasok ka.. Wag kang mag alala, harmless ako.. Di ako kagaya nung fiancee mo."  simpleng pang iinsulto ko sakanya nung mabuksan ko ang pintuan ng hotel room ko. Dito ako natulog kagabi nung umalis ako sa bahay. Hindi din naman ako pinigilan ni Desh at naiintindihan ko kung bakit..

Dahil baog ako.. At kahit kailan ay hindi ko maibibigay ang pamilya na gusto nya..

Pumasok kami ni Rhisa at naupo sya agad sa kama ko. She's a little tipsy, and so am I.. No, she's drunk, I'm tipsy.. But I perfectly know what's happening.. Hindi pa naman ako nawawala sa sarili ko. Pag hindi ko na talaga kaya, nagpapass out lang ako.. Ganun lang.. Pero dahil may babae akong kasama, I have to take care of her. Even just for tonight..

"Do you want anything?"  tanong ko.

"You.."

"Huh? Yoo? Si Yoochun? Wala sya dito, hindi nya to bahay, Rhisa.."  madiin na sabi ko. Tama ba namang hanapin si Yoo dito? Sa hotel room ko?

"Ani.. I mean, you.. Ikaw, Jjun.."  tumayo sya at unti-unting lumapit sakin. Anong ginagawa ng babaeng to?  "I want you, Kim Hyung Jun."

Hinawakan nya ang kwelyo ng damit ko and pulled me closer to her. Our faces are just a few inches away from each other at amoy na amoy ko ang alak mula sa kanya. Tiningnan ko lang sya.. She's pretty, matagal ko nang alam yun.. Pero ngayon ko lang nakita ng ganito kalapit ang mukha nya. She's really, really pretty..

But my heart belongs to someone else..

"Rhisa, ano bang ginagawa mo?"  hinawakan ko ang kamay nya na nasa kwelyo ko at pilit na tinanggal iyon but she resisted. Tiningnan nya lang ako sa mata at mas lalo pang inilapit ang mukha nya sa mukha ko.

The Super Wives of the Super Stars (Slow Updates)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora