Hyung Jun's POV.
"May mga fans kayong nakaalam na darating kayo dito kaya malamang na maraming tao sa labas. Dirediretso lang kayo ha? Umayos kayo wag kayong masyadong nagpapahalata ng mga problema nyo sa buhay." paulit ulit na paalala samin ng group manager namin.
Ano pa nga bang magagawa namin kundi ngumiti at kumaway sa mga Triple S na mahal na mahal namin? Kasali na kasi yun sa trabaho namin, ang itago ang totoo naming nararamdaman. Pagiging plastik ba ang tawag dun? Siguro nga.
"Sina Jaejoong at Elle nasa hotel na daw, andun na din naman si Junsu nung isang araw pa. Sa hotel din nag stay sina Jung Min at ang pamilya nya." dagdag pa ni manager hyung.
"Magkasama na sina Junsu at Jaejoong hyung?" tanong ko.
"Nasa iisang hotel sila since yun naman talaga ang usapan. Pero hindi ko alam kung nagkita kita na sila. Wag nalang muna kayong gagawa ng kahit na anong hakbang regarding those two idiots." sabat naman ng manager ng DBSK. May galit parin talaga sya dun sa dalawa.
Sino ba naman kasing hindi magagalit sa ginawa nilang pag aaway ng live sa harap ng maraming fans? At hindi lang naman basta away yun eh, muntik pa silang magsuntukan.
The worst thing that could ever happen to a group.
"Si Young Saeng hyung ba, nasa hotel din?" narinig kong tanong ni Kyu.
"Hindi. Nasa bahay sya ni Yannie. Dun sya nag stay kasama ng mag ina nya." sagot ni manager hyung.
Hindi kaya nagkabalikan na ang dalawang yun? Pero paano naman si Junsu?
Ayokong kumampi kahit kanino pero mas ramdam ko talaga ang pagmamahal ng duckbutt na yun kay baby girl kesa kay Young Saeng hyung. Alam ko kasing matagal nang malakas ang tama ni Junsu kay Yans at first love nila ang isa't isa.
First love never dies, ika nga.
"Ikaw Hyung Jun, may balita ka ba kung pupunta si Deshi?" tanong ng isang manager pa na kasama namin.
"Wala akong balita hyung. Lagi nyo nalang bang itatanong sakin yan? Kung alam ko edi sana hindi na ko namomroblema at kinakabahan dito. Pwede na ba tayong lumabas at umalis? Gusto ko nang magpahinga." I said, coldly.
Nakita kong tumango nalang si manager hyung sa manager ng DBSK "Hihintayin lang natin yung security para masamahan tayo sa pag labas. Baka pagkaguluhan kayo dun lalo na't mainit parin ang mga issues sa buhay nyo."
We waited for about 5 minutes bago dumating ang siguro mga sampung security guards ng airport. At hindi nga nagkamali si hyung, marami ngang fans ang nag aabang samin sa labas. They screamed our group's name nung makita nila kami. Sinigaw din nila ang DBSK at ang mga pangalan namin. May iba pang pilit na nag abot ng regalo nila sa bawat myembro at ngiting ngiti naman naming tinanggap ang mga yun. Lahat ng iniaabot samin basta kaya naming makuha, kinukuha namin. Blessings din to ano ba!
We all smiled and waved at them hanggang sa tuluyan na kaming makasakay lahat sa van na nirent pa ata nila kung saan.
"Grabe. Pano kaya nila nalaman na darating tayo?" nagtatakang tanong ni Changmin habang tinitingnan yung loob ng paper bag na hawak nya. "Wow puro pagkain! Buti nalang pala nalaman nila. Hehe."
Natawa nalang kami sa reaksyon nya. Pagkain lang talaga ang katapat ng Changmin na to eh.
"Sina Rhisa at Jacey nga pala? Saan nag stay?" tanong ni Hyun Joong hyung na nakaupo sa may likod ko katabi ang asawa nya.