TSWOTSS 17 : She's back!

211 8 19
                                    

Young Saeng's POV.

"Ano bang pag uusapan natin, Saeng?"  tanong sakin ni Yannie pagkalapag ko sa mesa ng inorder naming coffee.

Nasa starbucks kami ngayon sa mall. Ito lang kasi ang alam ko na lugar dito kung saan pwede kaming makapag usap ng maayos. Halos karamihan kasi dito mayayaman at walang pakialam sa paligid. Syempre, we're both wearing our best disguise..

Tiningnan ko sya habang humihigop sa cup of coffee nya at panay din ang tingin nya sa phone nya na nasa mesa lang din.. Ayaw nya na ba talaga akong makasama?

"Ehem.."  inayos ko ang pagkakaupo ko at tumingin nalang din ako sa kape ko.  "Wala pa kasing manager ang BS05, Yans.. Nahihirapan akong maghanap ng mapagkakatiwalaan."

I looked at her and she looked at me as well.. Pero yung tingin nya sakin, parang wala nang emosyon.. Parang plain nalang.. Para lang kaming magkakilala lang talaga..

"So? Concern ko ba yun?"  she took a sip of her coffee again.  "It's your problem, not mine."

Napakunot yung noo ko sa sinabi nya and the way na sinabi nya yun.. Ganun na ba talaga sya kagalit sakin? Ganun ba kalaki ang kasalanan ko sakanya? Bakit ang laki na agad ng pinagbago nya?

Napaisip ako.. Should I take this opportunity para magpaliwanag sakanya? But, why would I? Eh wala naman akong ginagawang masama.. And besides, hindi din naman sya nagtatanong.. Magmumukha lang akong guilty kapag nagpaliwanag ako sakanya.

"Yans naman.. Bakit ba ganyan ka? Ganun na ba talaga kalaki ang galit mo sakin na nagagawa mo nang magsalita sakin ng ganyan? Asawa mo parin ako Yannie. Sana naman pakisamahan mo ko ng maayos."  hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya nasabi ko na ang matagal ko nang kinikimkim. Nakakasakit na din kasi sya. Hindi naman ako manhid para di maramdaman ang coldness nya sakin..

Nakita kong may kinuha sya mula sa bag nya at inilabas nya na naman ang dahilan ng lahat ng ito.. Those pictures.. Those pictures na paulit ulit nyang ipanamumukha sakin..

"Sana inisip mo munang may asawa ka bago ka lumandi sa ex mo."  paghihimutok nya.

"Oh come on Yans.. Ayan ka na naman. Please don't bring this up, not now.. Not here.."  reklamo ko at ibinaliktad ko yung pictures para di makita yung images.  "Ni hindi mo nga hinihingi ang paliwanag ko eh."

"Paliwanag?"  she smirked,  "Bakit ko pa pakikinggan ang paliwanag mo eh ako mismo ang nakakita ng halik na yan? Ako mismo ang kumuha ng pictures ng halikan nyong yan?"

Huminga ako ng malalim at pinilit kong pakalmahin ang sarili ko.. Ayoko ng away ngayon. Kailangan ko syang kumbinsehin sa suggestion ni Tep.. I need her.. I want her to stay with me..

"Okay, wag nalang nating pag usapan to and let's get back to business."  cold na pagkakasabi ko..

"Business?"  she raised her brow..

"Yung BS05.. Yannie, ikaw lang ang naiisip kong pwede kong pagkatiwalaan sa pag mamanage sakanila. Pwede mo ba kong pag bigyan?"  walang preno prenong tanong ko sakanya. Bahala na!

"Ha? Ako? Magiging manager nila? Nababaliw ka na ba talaga? Ano na namang pakulo to Young Saeng-ah?" 

"Kahit hanggang sa makahanap lang talaga ako ng matinong manager Yans.. Please!?" halos magmakaawa na ako para pumayag lang sya.. Sana pumayag sya.. Please lang..

Yannie's POV.

"Kahit hanggang sa makahanap lang talaga ako ng matinong manager Yans.. Please!?" pagmamakaawa sakin ni Young Saeng..

The Super Wives of the Super Stars (Slow Updates)Where stories live. Discover now