TSWOTSS 34 : TROS and S201

94 4 4
                                    

Jung Min POV


"Basta Jung Min wag na wag mong kakalimutan na sa tuwing pag uwi nyo sa hotel room nyo, papalitan mo agad ng damit ang mga bata. Wag mong hahayaang matuyuan ng pawis lalo na si Yoonjin dahil alam mo naman na may asthma yan. At saka ikaw, papalitan mo lagi yang medyas mo. Kaya bumabaho ang paa mo eh, paulit ulit lang yang suot mo."  Mahabang litanya sakin ni Tep.

"Aigoo jagi-ya, kailangan pa talagang sabihin yung tungkol sa medyas ko?"

Magsisimula na mamaya ang shooting namin ng sikat na sikat na reality show na, The Return Of the Superman. Nakiusap kasi ang staffs na kung pwede daw kaming gumawa ng SS501 special edition since mga family men at tatay na din naman ang tatlo samin.

Pumayag kami syempre. Favorite kasi ng mga asawa namin ang TROS at sabi nila, gawin daw namin para malaman namin kung paano maging full-time father sa mga bata. Kaya pumayag kami, masunurin kami eh.

"Oh gising na pala ang babies ko."  Bati ko dun sa kambal nung lumabas sila sa kwarto, still half asleep.  "Goodmorning Park Yoojun. Good morning Park Yoonjin."  I kissed them both on their lips.

"Good morning appa, good morning eomma." Sabay na bati ng dalawa.

Pinaupo ko na sila at binigyan ng pag kain. 6 am palang and we're now having our breakfast. 10 am kasi kami magkikita kita ng SS501 at pamilya nila, sa hotel kung saan kami mag I-stay. Yes, ihahatid kami dun ng mga super wives namin.

"Bilisan nyo kumain dyan maliligo pa kayo. Mamaya traffic na."  Puna samin ni Tep.

"Kumain ka na ba jagi?"

"Ne. Sumabay ako kanina kay Mama bago sya umalis. Mauuna na kong maligo bilisan nyo."

"Ne Eomma."  Sabay na sagot ulit ng dalawa.

Kambal nga..


Kyu Jong's POV.


"Kailangan mo ba talagang sumali dyan, Kyu? Wala pang isang taon ang anak natin, baka hindi mo kayanin."  Pag aalala ng asawa kong si Gennie habang inaayos nya ang mga gamit ni Hyun Nae.

"Ang O.A mo Gennie ah!! Dalawang araw lang yan! Kung makapag alala ka, parang isang taon kayong maghihiwalay!"  Sigaw naman ng pinsan nyang si Tep na naliligo na.

Nasa iisang bahay kami ngayon kasama ang Park family, sa bahay nina Tep. Dito kasi nakikitira si Gennie noon kapag andito sya sa Manila. Taga province kasi sya. Bicol, to be exact.

"Ito talaga si ate ang lakas ng pandinig!"  Sagot naman ni Gennie.

I pinched her cheeks "Nasermonan ka pa tuloy."  Ngumiti ako.  "Kakayanin ko yan beb, ako pa? Kayang kaya kong alagaan tong baby girl natin."

Binuhat ko agad si Hyun Nae na kakagising lang. Our little angel smiled while looking at me. Nakakakilala na nga ata ang baby namin. Alam nyang ako ang appa nya.

"Eh kasi naman, tatlong araw din yun. Papalitan mo ng diaper yan, pupunasan mo, titimplahan mo ng gatas, pakakainin mo. Hindi ka sanay."

Nagulat nalang ako nung batukan ni Tep ang asawa ko pagka labas nito sa CR.

"O.A na talaga ah? Kung su Il Gook nga kinaya kahit triplets ang babies nya. Tapos yung kambal pa, ganyan palang din naman sila kalaki nung magsimula sila sa TROS ah. Wag kang O.A Gennie, hindi nakakatuwa."  Panenermon sakanya ni Tep.  "Hoy Park Jung Min! Maligo ka na!"

The Super Wives of the Super Stars (Slow Updates)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang