TSWOTSS 27 : Friendship Problems

136 7 4
                                    

Hyung Jun's POV.

"Oh eto, kumain ka muna.."  naupo si Rhisa sa may tabi ko at inilapag yung bowl of porridge sa center table. "Bangon ka muna dyan."

"Ayokong kumain.. Wala akong gana Rhisa. Magpapahinga nalang ako.. Basta dito ka lang." Sabi ko at saka ako nagtalukbong ng kumot dahil sa lamig.

"Hindi pwede yang ganyan Jjun. Ang tanda tanda mo na para ka paring bata kung umasta. Walang sense yang pagpapahinga mo kung walang laman ang tiyan mo." Panenermon nya sakin. "Ano,babangon ka ba dyan at kakain or iiwan nalang kita dito? Marami pa kong kailangang asikasuhin na mas importante pa sayo."

Nagsimula na sya magsungit.. Grabe, akala ko pa naman ang bait bait nya. May kasungitan din pala syang taglay. Hindi pala ganun kaswerte si Yoochun hyung sakanya eh.

"Oo na, oo na. Kakain na. Ang sungit mo pala.."  reklamo ko habang pinipilit kong makaupo.

Unti-unti kong kinain yung porridge na niluto nya and in fairness masarap naman ito. Marunong pala sya magluto.. Maalaga pala sya.. I wonder, ginagawa nya din kaya ito kay Yoochun?

Malamang Jjuni.. Fiancee nya yun eh.. Baliw ka talaga..

"Aish!"

"Oh, wae? Hindi ba masarap?"  Nag aalalang tanong nya nung bigla akong mapasimangot.

"Ah, hindi..  I mean, masarap. Wag mo nalang akong pansinin. Teka, ikaw, kumain ka na ba?"  Pag iiba ko ng usapan.

"Wag mo na kong alalahanin.. Kumain na ko kaya kumain ka nalang dyan. Ubusin mo yan ha?"  Utos nya.

Tumango nalang ako at ipinagpatuloy ang pag kain ko. Nakatitig lang sya sakin all the time na kumakain ako na para bang binabantayan nya kung mauubos ko ang porridge na inihanda nya for me. At syempre inubos ko yun dahil nakakahiya naman sakanya kung magtitira ako.

"Oh ayan ha.. Naubos ko na.. Pwede na kong magpahinga.."  sabi ko habang iniaabot sakanya yung bowl.  "Ilagay mo nalang yan sa sink, huhugasan ko bukas pagkagising ko."

"Okay lang, huhugasan ko na.. Ay teka.."  inilapag nya sa center table yung bowl saka nya kinuha yung gamot at tubig at iniabot nya sakin yun. "Uminom ka muna ng gamot bago ka matulog."

"Yes boss.."  agad kong ininom yung gamot at nahiga na ako.

Pumunta narin sya sa kusina and after a few minutes ay bumalik sya sa sofa. She pulled a chair at inilagay yun sa tabi ng sofa na hinihigaan ko. Inayos nya ang kumot ko at nilagyan ako ng basang towel sa noo ko.

Sweet.

"Ginagawa mo din ba to sakanya?" Tanong ko.

"Huh? Ang alin? Kanino? Pakilinaw ng tanong mo."  Sabi nya habang nagbabasa ng librong hindi ko alam kung saan nya nakuha.

"Kay Yoochun. Inaalagaan mo din ba sya ng ganito kapag nagkakasakit sya?"  Paglilinaw ko sa tanong ko kanina.

Ibinaba nya yung librong hawak nya at ngumiti sya sakin. An obvious fake smile.

"Hindi.. Malakas pa sa kalabaw yun eh. And besides, konting sinat or galos lang nun, sa hospital agad ang diretcho nya. Hindi sya pwedeng magkasakit dahil sa trabaho nya. Si Park Yoochun sya eh. Pano nalang ang dramas nya kung magkakasakit sya, diba?"  Sagot nya na parang may halong pagkaasar.

"Eh ano naman ngayon kung may dramas sya? Meron din naman ako ah. Sunod sunod pa nga eh. Normal lang naman na magkasakit ang isang tao."  Depensa ko sa sarili ko. Feeling ko kasi pinapatamaan nya ko eh.

The Super Wives of the Super Stars (Slow Updates)Where stories live. Discover now