Junsu's POV
"Ikaw kasi eh ang bagal bagal mo!!"
Kanina pa ko pinapagalitan ni Wens, or binubungangaan rather..
Ang bagal ko daw kasi magdrive kaya nahuli kami ng dating sa mall..
Magulo ba? Ganito kasi yung nangyari kanina...
**Flashback**
"Sa dinami-dami ba naman ng pwedeng maghatid sakin pauwi, bakit ikaw pa ang pinakiusapan ni Chelle? Kainis!!" reklamo ni Chelle pagkasakay namin ng kotse ko.
Kakatapos lang ng meeting namin with the designers for the Hyun Joong-Ritchelle wedding at ako, ako ang naatasang maghatid sa babaeng to na walang ibang ginawa kundi magreklamo..Sina Ritchelle, kanina pa nakaalis. Naiwan kami dahil nag fitting pa kami ng suits at ang bridesmaids, ng gowns nila.
"Kung ayaw mong magpahatid sakin, pwede ka namang mag taxi eh. Ipapara kita, gusto mo?"
Hindi sya sumagot kaya pinabayaan ko na..
Nag drive na ko..
Tapos sya, kinuha nya ang phone nya at tumawag..
"Hey Chelle naman! Asan ka?"
Malamant tinawagan nya si Chelle.. Hay..
"Mwo? Seryoso? Saan?" sunod-sunod na tanong nya. "Oh , my!! Balitaan mo ko ha? Bye!"
Inend nya yung call sabay tingin sakin..
^__________^ ganyan ang ngiti nya..
"Oh, para saan yang ngiti na yan?" tanong ko.
"Nasa mall daw sina Chelle. May nangyari kay Yannie unnie." sabi nya.
Bigla kong kinabig ang manibela ko at itinabi yung kotse..
Binanggit nya si Yans eh..
"Kay Yannie? Bakit? Anong nangyari!?"
"Nabuhusan daw ng sobrang init na kape si Yannie unnie sa legs kaya nasa clinic sya ngayon. Papunta narin daw si Saeng. Gusto mong unahan sya?" she smirked.
An evil smirk..
Gusto kong unahan si Saeng?
Of course!! Ako naman talaga nauna sakanya eh!! Aiiissshhh!!
"Fine!" sagot ko sabay drive ulit..
Pinark ko agad ang kotse ko sa parking space ng mall..
*takbo
*takbo
At nung papasok na kami sa mall entrance..
"Oh Junsu, Wens, andito din kayo? Saan lakad nyo?"
Si Saeng.. Nakasabay namin pagpasok ng mall..
MALAS!!
"Ah, sa.."
"Una na ko ha? Emergency lang. Bye!"
Hindi na natapos ni Wens ang sasabihin nya dahil tumakbo na si Saeng palayo samin..
Papunta sa clinic, malamang.
Sa asawa nya..
Sa munchkin ko..
**Back to present**
"Kasalanan ko? Eh ikaw nga tong nahuhuli sa pagtakbo eh!" ganti ko sakanya.
"Ewan ko sayo!! Angel Xia!! Kontrabida naman!!" sabi nya.