Jae Joong's POV.
Nasa building na kami ngayon ng SBS, getting ready for our interview sa isa sa mga shows na hinahandle ni Tep.. Scriptwriter/assistant director sya.. Ani, halos all around na nga sya eh.. Isa sya sa mga pinaka pinagkakatiwalaang employee ng company nila..
And I admire her for that..
I admire her for being the best employee and..
The best wife of Jung Min..
The best FRIEND of mine..
"Rhisa, san si Tep?"
Nilapitan ko na si Rhisa na abala sa pag aasikaso ng scripts ng host nila.. At syempre, iniistorbo din sya ng dakila nyang boyfriend na si Yoo Chun..
"Ewan. Wala pa nga sya eh, baka hindi papasok. Ewan ko dun, nagka problema ata kanina sa bahay nila. Nagmadali silang umalis kanina ni Min sa lunch date namin eh." careless na sagot nya.
PROBLEMA? May problema na naman sila ni Min?
Bakit di nya ko tinawagan? >_<
"Tawagan mo kaya hyung." suggestion sakin ni Yoo Chun habang pinaglalaruan ang buhok ni Rhisa.
Kami palang naman kasi ang andun, sinadya naming maaga pumunta para daw masolo ni Yoo si Rhisa.. Masolo? Eh andito kami? Baliw na daga!
"Tawagan? Gusto mong maupakan yan ni Jung Min?" sumabat naman si Junsu na kabababa lang ng phone nya..
Ang kausap?
Narinig ko, munchkin daw eh.. So I therefore conclude na si Yannie yun..
Ang Yannie na mahal na mahal parin ni duckbutt hanggang ngayon..
"Kung makasabi kang uupakan parang di mo kausap kanina sa phone si Yans ah." sumbat sakanya ni Yoo Chun..
Narinig nya din siguro yung munchkin.. Talas talaga ng pandinig ng mga daga! ^_^
"Masamang tawagan ang best friend ko?" palusot ni Junsu..
Best friend? Nakikigaya pa to sa set up namin ni Tep eh!
Pero okay sige, since nauna naman talaga sila.. Hay..
"Pato, akala ko ba ako bespren mo?" pagtatampo naman ng yeochin ni Yoo.
"Oo, ikaw bespren ko, iba naman kasi yung kay Yans.. Alam mo na." inakbayan ni Junsu si Rhisa sabay kindat.
"Ako nagtataka na talaga kung pano kayo naging mag bespren bigla ah." tinanggal ni Yoo ang pagkakaakbay ni Junsu sa yeochin nya..
"Secret." sabay na sagot nung dalawa..
Ngumiti nalang ako.. Pero deep down inside, wala talaga ako sa mood ngayon.. Nakakapanghina, nakakatamad.. Nakakasakit..
"Seryoso Junsu, umayos ka ha. Ayokong magkagulo tayo dahil dyan sa pagmamahal mo kay Yannie. Naiintindihan kita pero ilagay mo sa tamang lugar yang friendship nyo. Tandaan mo, may sariling pamilya na sya. Hands-off ka na dapat dun." seryosong pag papaalala ko kay Junsu bilang leader nila..
Ngumiti sya sabay akbay sakin..
"Alam ko yun hyung. At alam ko din na naiintindihan mo ko dahil pareho tayo ng sitwasyon ngayon. Kaya dapat nagdadamayan tayo." pagbibiro nya..
But I doubt na biro yun.. He sounded so serious and hurt..
Just like me..
"Hoy anong meron?"