TSWOTSS 35 : Give Love

131 6 11
                                    

Kyu Jong POV.



"Magandang hapon po!"  Bati namin in tagalog dun sa mga staffs ng photoshoot.


Naimbitahan kasi kami para sa isang photoshoot for a magazine dito sa Pilipinas. All about busy celebrity dads daw kasi ang ilalabas nilang issue this month and they want us to be in the cover. May konting interview din syempre.

May kasama din kaming translator para magkaintindihan kaming lahat. Si Austin Lee. Isang sikat na Korean rapper sa Kpop world dito sa Philippines.


"Wow ang cute naman ng baby!"  Lumapit yung isang staff sakin at pinindot ang pisngi ni Hyun Nae.  "What's her name?"


I smiled. "Hyun Nae, Kim Hyun Nae."


One of the staffs led us to the dressing room para makapag ayos na kami at ang mga bata. First set of pictorial is kami daw muna ng SS501. Sa last set nalang daw yung mga kids.


"Minjun-ah, behave ka lang dun hangga't hindi ka tinatawag ah?"  Tumango lang si Minjun sa paalala ni Saeng.


"Yoojun, Yoonjin, wag nyong kukulitin si Appa habang nag phophotoshoot kami okay? Later kasali na kayo. Kapag hindi kayo nag behave hindi ko na kayo isasama."  Jung Min kissed the twins after reminding them to behave.



Kinuha sakin ni Austin si Hyun Nae, sya na daw muna ang kakarga sa bata habang nag pipictorial kami. Buti nalang hindi iyakin ang anak ko kaya tahimik lang ito habang hawak ni Austin. Tinitingnan namin yung mga bata from time to time at tahimik lang din naman silang nanunuod sa screen kung saan nakikita yung mga pictures namin.


After some minutes, sinimulan na din namin ang last set ng pictorial. Kinuha ko na si Hyun Nae at lumapit na din samin yung tatlong chikiting. Nilagyan nila ng mga laruan sa set kaya masayang naglaro yung mga bata at nakikipaglaro din sina hyung. Ganun kasi yung gusto nilang kunan. Be natural daw. Kaya ayun balik pagkabata yung apat. Hindi ko magawang makipaglaro dahil karga si Hyun Nae kaya nakaupo lang ako sa sahig at pinapanuod ko sila habang naglalaro ng lego.



"Mr. Kyu Jong, pwede ihiga mo muna yung bata sa gitna, malambot naman yan at hindi malamig. Gusto sana naming kunan na nilalaro nung tatlong bata yung baby."  Pakiusap nung photographer.


Ngumiti lang naman ako at inihiga yung bata sa gitna nung tatlo. Their dads instructed them to play with Hyun Nae na agad naman nilang ginawa. Pakiramdam ko talaga namana na ng tatlong to ang pagiging idol ng mga Appa nila, lalo na si Minjun na todo smile at pa-cute. Yung anak ko din na tawa lang ng tawa habang nilalaro sya ng mga oppa at eonnie nya. Ang cute.


Pinagpose ulit nila kami sa gilid habang nilalaro nung tatlo yung anak ko. Kunwari daw nagkekwentuhan kami habang naglalaro yung apat. At dahil sanay naman na kami, madali naming nagawa yun. Final pose namin is karga namin yung mga bata, karga ko si Hyun Nae na iniharap ko talaga sa camera, si Minjun naman karga ni Young Saeng, nasa gitna si Hyun Joong na nakaakbay kina Saeng at Min. Nasa left side naman naman ni Jung Min si Jjuni na karga si Yoojun habang si Min, si Yoonjin naman ang yakap yakap. Ipinaglapit nung dalawa yung kambal kaya naka side view sila pareho.

The Super Wives of the Super Stars (Slow Updates)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang