Jung Min's POV.
It's been 4 days after Minjun's birthday. Nag decide ako na umuwi muna sa Korea habang naiwan naman ang pamilya ko sa Pilipinas para sulitin ang bakasyon nila. Total naman babalik din ako dun kasama ang staffs ng TROS para mag shoot ng special episode namin. Sa Pilipinas kasi namin naisipang gawin yun. Mas may thrill.
"Eomma."
"Oh, Jung Min. Mabuti naman at naisipan mo akong puntahan dito."
Nasa Park Cafe ako ngayon, originally, pag mamay-ari ko talaga sya. Pero hinayaan ko nalang to kay Eomma, total naman hindi ko na maaasikaso dahil sa trabaho at sa pamilya ko. May tiwala naman akong mapapalago pa ito lalo ni Eomma. Magaling kasi sya pag dating sa pera. Mautak.
"Oo naman po. Babalik pala ako ng Pilipinas bukas. May gagawin kaming show dun." pagpapaalam ko.
"Nagpapaalam ka ba? Hindi ba't wala ka naman nang pakialam samin simula nung mag asawa ka?" pagsusungit na naman nya.
Hinawakan ko sya sa magkabilang balikat nya at inalalayan syang maupo then naupo din ako sa harap nya..
"Eomma.. Hanggang kailan po ba kayo magkakaganyan? Hanggang kailan po ba kayo magagalit kay Tep? Hanggang kailan nyo ba sya aawayin? Kailan ba magiging patas ang pag tingin mo sa kambal ko?" sunod sunod na tanong ko. Hirap na hirap na din kasi ako sa sitwasyon namin ngayon.
Marunong din naman akong mapagod.
"Hangga't hindi nyo nahahanap ang apo ko."
"Eomma!" Di ko na napigilang pagtaasan sya ng boses. "Apo nyo si Yoonjin! Tanggapin nyo yun!"
She smirked "Apo? Kailan pa ako nagkaroon ng apo na ampon?"
"Simula nung maging anak namin sya." I stood up. "4 years nang Park si Yoonjin, Eomma. Apat na taon na namin syang minamahal at apat na taon mo na ding pinapahirapan ang pamilya ko. Mahal ko kayo, pero kung ipagpapatuloy nyo to, mas mabuti pang kalimutan nyo nalang din na may bunsong anak pa kayo."
Naglakad ako palayo sa kinauupuan nya and she was just left sitting there, dumbfounded. Pero bago pa man ako lumabas ng cafe, tiningnan ko ulit sya for the last time.
"At ipapaalala ko lang po sainyo, sina Yoojun at Yoonjin lang ang apo nyo. Sila lang. Kung di nyo kayang tanggapin yun, bahala na po kayo." I said before I finally went out of the cafe.
Sumakay agad ako sa kotse ko pinaharurot ko iyon palayo sa lugar na kinaiinisan ko na ngayon.
Bakit ba hindi magawang tanggapin ni Eomma ang pamilya ko? Bakit ba hindi nya magawang makalimot? Kung kami nga na magulang nakapag move on na, sya pa kaya? Bakit apektadong apektado sya sa pag ampon namin kay Yoonjin? Bakit.... Bakit hindi nalang sya maging masaya para sakin? Para samin?
Bakit ba kasi nangyari pa yun?
Yannie's POV.
"Noona!" narinig kong sigaw ng isang lalaki mula sa gate ng bahay namin.
"Makasigaw, Jin Young?"
Oo, si Jin Young. Ang kapatid ko sa ama. Nagkaayos na kami nung birthday ni Minjun, pagkatapos naming mag usap ni Young Saeng that night. Nakipag ayos na din ako sa appa ko, sa tunay kong ama. Okay na din naman sila ni Mama. Ang totoo nyan, parang anak na nga din ang turing ni Mama ngayon kay Jin Young. Mas spoiled pa nga kesa sakin kahit apat na araw palang silang nagkakasama.