Tep's POV.
"Yoonjin-ah!" Agad kong niyakap si Yoonjin nung dumating sila sa bahay namin kasama si Yunho. "Yoonjin, namiss kita anak."
"Eomma! Namiss din po kita." She hugged me back at naramdaman ko ang pagtulo ng luha nya sa damit ko. Bahagya ko syang inilayo sakin para punasan ang mga luha nya.
"Wag ka nang umiyak, princess. Hinding hindi ka na ulit malalayo samin. Okay? Tandaan mo yan. Saranghae, Yoonjin-ah."
"Nado saranghae, eomma." Sagot nya.
Lumapit na din sina Jung Min at Yoojun samin at nagyakapan kaming apat. Sa wakas, buo na ulit kami.
Tiningnan ko si Yunho at nilapitan ko sya pagkabitaw ko sa yakap ng mag-aama ko. Hinayaan ko nalang muna silang tatlo.
"Yunho-ssi. Komapta." Sabi ko. "Salamat sa pagbalik kay Yoonjin."
"No problem, Tep. Kayo na kasi yung nakasanayan ng bata.. Ang importante nakilala ko na sya at nakilala nya narin ako bilang daddy nya. But don't worry, wala kaming sinabi sa bata na kahit anong makakasira sainyo." He assured us.
"Salamat talaga. Teka, asan si Jin Hye?" Tanong ko nung mapansin kong sila lang ni Yoonjin ang magkasamang dumating.
"Hindi na sya nagpakita sakin simula nung mapagkasunduan namin na ibalik na si Yoonjin sainyo at wag na kayong guluhin pa. So wala na kayong dapat ipag alala dahil maayos na ang lahat." Paliwanag nya at nakahinga naman ako ng maluwag. "Kumusta na nga pala si Yannie?"
Umiling ako..
"Hindi ko alam, wala parin akong balita tungkol sakanila. Nag aalala na nga ako eh. Masyado ata syang naapektuhan sa tatay nya at kay Jinyoung. Tapos yung divorce pa nila at baka napanuod nya pa yung announcement ni Saeng na ikakasal na sila ni Taey." Pag aalala ko.
"Nakokonsensya tuloy ako. Ako kasi yung kasama ni Saeng nung hanapin nya si Mr.Kang sa Japan. Ako yung nakakaalam ng lahat ng pinag gagagawa ni Saeng makita lang ang papa ni Yans. Sana noon pa sinabi ko na sakanya ang nalalaman ko." Pag amin nya.
"Tama lang naman ang ginawa mo na hindi ka nakialam, Yunniebells. Gets ko naman si Saeng sa bagay na yun. Ang kinaiinis ko lang ay yung divorce nila at ang pagpapakasal nya agad sa ibang babae." Angal ko.
"Baka naman may dahilan si Saeng kaya nya ginagawa to. Sana wag kang magtanim ng galit kay Saeng, magkakaibigan parin naman tayo diba?"
Tumango nalang ako at nag smile dahil biglang tumunog yung doorbell namin.. Si Min na ang nagbukas ng gate at ng pintuan sa kung sino mang bisita yun.
"Tep, may naghahanap sayo." Pagkuha ni Min ng atensyon ko. At dun ko nakita ang babaeng katabi nya.
Ang mama ni Young Saeng..
"Eto po, uminom po muna kayo ng tea." Inilapag ko ang tea sa center table saka ako naupo sa couch na katapat ng inuupuan ng mama ni Saeng. "Gusto nyo daw po akong makausap, auntie?"
Tumango sya at nag smile..
"Tep, alam kong sobrang malapit ka kay Yannie.. Alam mo ba kung asan sya? Hindi ko kasi sya macontact at maging ang anak ko ay hindi alam kung asan ang mag ina nya. Nag aalala ako para sa daughter-in-law ko at sa apo ko." She said sincerely bago uminom ng konting tea.