Kabanata Lima: TAKBO
Thalia POV
Ang saya ng araw ko ngayon. Kahit na naging malas sa umpisa ay naging sobra-sobra naman sa kaswerteha. Nakauwi narin ako sa aming bahay at agad-agad na nag palit ng pangbahay, hanggang sa marinig ko ang pag-atok sa aking kwarto.
"Ate? Kakain na daw sabi ni Manang Rose."
"Sandali lang, bababa narin ako."
Binuksan ko na ang aking pintuan nakita ko roon ang aking kapatid na si Muse, Ang kapatid kong isa ding pangit na kagaya ko, pero mas matanda ako sa kanya ng dalawang taon at sa iba siya pumapasok ng eskwelahan. Sa Athens High School at ako naman ay sa Bryle Academy.
Hay...
Bakit ganon ang kapalaran? wala man lang binayayaan sa amin ng maganda para naman maisip kong may pag-aaasa pa akong gumanda o ako man lang bigyan ng kapalaran na bigyan ng kagandahan.. siya nalang ang pangit, Joke.
"HUY" pag babalik niya sa akin sa mundong ibabaw
"AY pangit!!" na bigla ako kaya bigla nalang nasabi ko ng makitako ang mukha niya
"Ate sa ating dalawa ikaw ang mas Pangit!!" abat?! Lumalaban na siya ngayon sa akin?!
"Hoy Muse anong mas maganda eh mas Malaki ang Tigyawat mo kesa sa akin!" Pang la-lait ko sa ma pupula, malalaki at mga sariwa niyang Tigyawat! Huh? Ano ka ngayon!
"Di naman ako negrang-negra kagaya mo!!" oo na alam ko na mas maputi siya kesa sa akin!
"Hindi din naman buhag-hag ang buok ko na maraming kutong kagaya mo!" hahaha KUTUHIN!
"ATE may kuto ka din mas madami ang iyo!!"
"AKO pa ang mas marami eh ikaw nga ang pugad lawin ng mga kuto dito!! Nahawa lang ako!"
"Four Eyes ka naman!"
"Kilay man!!"
"wa--"
"Tumigil na nga kayo! Patas lang ang mga mukha niyo!" bigla kaming napatigil ng marinig namin ang mala speaker na boses ni Manang Rose.
Nag katinginan kaming dalawa ng kapatid ko at iisalang ang nasa isip naming dalawa
'Patay..' sa isip ko.......'Yari'( sa isip naman ni Muse).
Nakakain na kaming lahat kasabay ang mga katulong, Ayon na kasi ang nagging kaugalian namin ng kapatid ko simulanung lagging umaalis sila Daddy at Mommy para mag parami ng pera sa iba't ibang bansa.
Hay... buhay mayaman ang hirap...
Sabi ko naman kayla Mommy na huwag na silang umalis, pero sabi nila para daw iyon sa aming future.
'Edi wow'
Yun nalang ang na sabi ko sa kaniya kaya na katamo ako ng isang malkas na batok at sermon dahil sa sagot ko.
Ang sarap ng higa ko sa aking tulugan ng maalala ko lahat-lahat ng mga nang yari ngayong araw.
Naaksidente ako...
Binantayan niya ako...
ANg pag sunod...
Ang sigawan...
Ang yakap...
Ang kaniyang pangalan...
At
Ang Bigla niyang...
Pagtakbo paalis...
Bakit kaya siya tumakbo? Sasagutin ko naman siya agad kung tatanungin niyaakong maging girlfriend, Di naman ako pa choosy, mahal ko naman din siya? OMG mahal ko na siya?! This is it!!
I think I'm inlove!!
Kaya ang sarap-sarap ng pagtulog ko. Rhanz my Prince here I come!!
THIRD PERSON
Maganda ang araw ngayong sabado sa B.A.(Bryle Academy), masasayang pumasok ang mga kolehiyo at suot-suot ang magagara at mamahalin nilang mga damit. Bukod sa nag iisang babaeng papasok palamang ng paaralan, na nag nga-ngalang Thalia.
"Asan na kaya ang mga friendship ko??" na sabi niya nalamang sa kniyang sarili. Siya lamang ang nag bubukod tanging babaeng nakasuot ng mahabang palda na kulay pula tinernohan ng isang matingkad na Dilaw na T-shirt.
Tuwing sabado ay maari silang mag civilian na kahit ano nilang gustusin bastat, indi ito masyadong revealing ngunit ang ilan sa mga students ay sinusuway parin ito.
"Thalia Late kana-naman!!" sabi ng babeng maangas kung manamit
"OO nga lagi kanalang pa VIP!?" sabi naman ng nag balat kayong babae
"Sorry na JM at Mikaela, sira na-naman kasi yung alarm clock ko eh... " Naapakamot sa ulo ni Thalia. Pero ang totoong ng yari ay tinamad siyang bumangon ng maaga, jkaya napag pasyahan niyangumidlip ng kahit mga 5 minutes lamang ngunit ang dapat na 5 minutes ay naging 1 hour ang naging resulta.
"Asan na pala si Susan?" tanong ni Thailia sa kanyang mga kaibigan.
"Ayon oh natakbo papunta rito!" sagot naman ni JM habang tinitignan ang itsura ng kaibigan nilang na parang hinahabol.
"THALIA!! TAKBO!! TUMAKBO NA KAYO!!"
"Eh? Bakit naman tayo tatakbo!? Ang aga-aga kung ano-ano iniisip niyang trip!!" pabalang na sabi ni JM
"May sayad na ata yang si Susan eh!!" singit naman ni Mikaela
"TAKBO NA THALIA!! TAKBO!!"
Nang makalapit na si Susan sa kanyang nga kaibigan ay agad-agd niyang pinag hahatak si Thalia at JM.
"O-OY wag mo kaming idamay sa ka baliwan mo!" sabi ni JM
"Bakit ba kelangan tumakbo?!" tanong naman ni Thalia kay Susan
"S-si ano... ano basta takbo lang tayo..si ano kasi "
"Hindi kanamin ma gets puro ka ANO!!" Sigaw ni Mikaela
"Basta takbo natayo malapit na sila!!" nag i-hysterical na si Susan.
"Sino ba?!" sabay-sabay na tanong nila Thalia
"BASta!!"
"sino nga!!"
"Tara na!!" pang hihila niya ulit sa mga kaibigan, pero hindi nag patinag ang tatlo kaya na aasar na si Susan sa mga ito
"AYAW NIYONG TUMAKBO??!!"sabi niya pa
"AYAW" ako
"Never" Mikaela
"OO" JM
Sabay nilang sabi."AYAW NIYO HA!! Basta ako tatakbo na!!" tumakbo na nga si Susan at iniwan ang mga kaibigan na nagguluhan parin. Habang nag uusap ang mga tingin nila Thalia ay biglang may sumigaw.
"Ayun sila!!!" sigaw ng mga studyante ng Academy.
"Hulihin na ang mga iyan!!!" sabi ng isang lalaki pag kalapit sa tatlo.
Namutla ang tatlo sa dami ng mga nag kalat na students sa kanila nagustong paghuhulihin. Wala silan kaalam-alam kung ano ang gagawin ng mg aka schoolmates nila, may nagawa ba silang mali sa isip-ispip nila.
"Ammm... -tTakbo na tayo?" sabi ni Thalia
Pero huli na ang lahat dahil agad-agad na silang na palibutan ng mga students sa kanilang sintang paaralan. Kaya na na sabi nalang nila sa kanilang isipan na...
'OMG!! What to do?!!' Thalia
'HUMAWAK TALAGA SA AKIN UUPAKAN KO!!' galit na si JM
'HEAVEN!! DAMING FISH!! Take me mga PApa' malanding pag nanais ni Mikaela
******
Medyo ewan XD

BINABASA MO ANG
Black Magic
HumorNaniniwala ka ba sa mga MAGIC? yung tipong ang dami mong sasabihing mala alien language o kaya mga potion na kayang gawin kahit na ano... HINDI "gayuma" ang tawag dun ah!! Black Magic!! Kung ako tatanungin mo.. abay oo naniniwawla a...