Kabanata labing dalawa: Willy
Thalia POV
"Wag ka ng masyadong mag alala pa, Kuya Kronos gigising din yang si Ate" may naririnig akong mga nag uusap na tao, pero hindi ko makilala kung kaninong mga boses ang aking naririnig
"Pero bakit ganoon? Bakit hindi parin siya gumigising ?" sabi ng isang lalaki.
"Mabuti pa at mag pahinga ka muna iho..." sabi naman nung isa pang babae.
Teka nga bakit ko ba pinakikinggan ang mga taong ito? At siya ka bakit parang gutom na gutom na ang mga alaga ko sa tiyan?
Aigoo ang sakit niya na talaga parang kinakain na nila ang mga iba kong organ sa sobrang gutom! Wag kayong mag alala aking mga alaga at papakainin din kayo ni Mommy.
"pero po kasalanan ko po kung bakit siya napunta sa ganitong sitwasyon." Nag salita muli yung lalaki.
Grabe ang gwapo ng kaniyang boses. Parang nabubusog kahit papaano yung mga alaga ko sa aking tiyan.
"Walang may kasalanan dito iho, kaya mabuti pa at umuwi ka muna sa inyo dahil baka hinahanap ka na ng mga magulang mo." Ay nako wag muna siyang pauwiiin!
"s-sige po, babalik nalang po ako bukas..." malungkot niyang sambit, OH no!! bakit siya uuwi? Bakit ba ang hirap-hirap buksan ng aking magagandang mata?
Kahit yung mga daliri ko hindi ko maigalaw! Hindi maari ito baka kinain na siya ng mga alaga ko!
Wala na akong marinig na nag uusap! Baka kinain na rin sila ng mga alaga ko! Please! Wag naman sana!
"Thalia...*sniff* gumising kana..." Aba alam ko kung sino to!
"Please Thalia gising na..." Pero wait lang ano ba pangalan nung babaeng ito?
"Hayaan mo sa oras na gumising ka hindi kita ilalapit sa makakapahamak sa iyo." OMG! Pero gusto ko narin gumising pero hindi ko lang ma-control ang katawan ko.
"Thalia gising na..." OO wait lang ni-try ko pa nga po maigalaw ang aking muscles
"Thalia..." Sabi nga wait lang
*GRUUUUUU*
Hay na ko! Ang gusto ko sanang igalaw is yung katawan ko pero ang ginalaw ng butihing brain ko ay ang aking tiyan na sobra kung umungol
"THALIA?!" sigaw nung babaeng pilit na gumigising sa akin
"Doc! Doc!! Gutom na si Thalia!" sigaw nung babae
Unti-unti ko ng na-imumulat ang aking mga mata.
Nakakasilaw!
Nang mai-adjust ko na ng kaunti ang aking mga mata ay tumingin ako sa aking paligid, bakit puro puti itong nakikita ko?
Iniba na ba nila kulay ng Kwarto ko?
"Thalia!" lumapit ang isang medyo may edad na babae at siyempre kahit papaano ay nagulat ako sa aking nakita.
Mommy...
Niyakap niya ako ng napakahigpit. Hindi ako makapaniwala, ano ba ang ng yari at kung makayakap itong si mommy ay parang nakalimutan niya ng sukang-suka siya sa akin.
Natulog lang ako sa isang malinis na kwarto Niyakap niya na ako? Dapat pala matagal ko ng ginawa itong pagpapalit ng kulay ng kwarto ko.
Tumingin ulit ako sa aking paligid at nakita ko ang aking kapatid na si Muse. Bakit ang ganda niya na? parang kahapon lang ang pangit niya ah.
"Thalia, mabuti naman at gumising ka na..." iyak parin ng iyak si mommy
Tumayo siya at tumingin sa Doctor na na sa likod niya. Lumapit sa akin ito at ni-check ang aking pulse rate.
Tumingin ako sa gilid ng aking kama at nakita kong may tubig doon kaya inabot ko ito. Inalalayan naman ako agad nung Doctor at tinulngan akong uminom.
"Ms. Thalia Masakit ba ang iyong ulo?" tanong sa akin ni Doc.
Umiling ako sa kaniya, nako alam ko na ang ng yari sa akin! Baka nag kalagnat nanaman ako ng matindi kaya napauwi ito si mommy at ang OA niya talaga kahit kailan kumuha pa siya ng Doctor.
"May naalala ka ba kahit papaano bago ka mapunta sa hospital?" Tumango agad ako sa Doctor
Naku... ang Corny huh! Parang nag kalagnat lang eh.
"Ano yung naaalala mo kung ganon?" tanong sa akin ni Doc.
"Nag ka*ehem*" hindi pa masyadong maayos ang aking boses dahil medyo ngarag pa ito. Susubukan ko ulit.
"N-Nag ka L-lagnat ako..." paos kong sagot kay Doc.
"Thalia..." tumingin ako kay Mommy na ngayon ay sobra nanamang kung makaiyak. Hay nako ang corny niya na talaga
"Thalia *sniff*" Hay nako pati ba naman ikaw Susana ay iiyak? Mamatay na ba ako at kung makaiyak kayo ay napaka OA?
"Mabuti pa at sa labas nalamang natin ito pag usapan Ma'am" sabi ng Doctor kay mommy kaya lumabas na sila ng Kwarto.
Ang natitira nalamang tuloy sa silid ay ako si Muse na hindi parin umiimik at si Thalia na sobrang makaiyak
"Ang Corny niyo..." sabi ko sakanilang dalawa. Pero hindi parin sila matinag sa kakaiyak
"W-Wala ka ba talagang na-Naalala Thalia?" tanong ni Susana sa akin.
Napaisip tuloy ako... Hmmm. Ano nga ba? Ah Natatandaan ko na! Parang naiiyak narin tuloy ako..
"Susu..*Sniff*" pagda-drama ko sa kaniya
"na tatandaan mo na?" tumango ako sa kaniya
"Wala na si Willy..." sagot ko sa kaniya
"W-Willy?" nagtatakang tanong muli ni Susan sa akin
"si Willy yung iphone ko..." sabi ko sakaniya para maalala niya na yung bagong iphone ko ay nasira nanaman
"Ate..." niyakap ako bigla ni Muse, ano ba naman ang mga ito. Alam kong nakakalungkot na mawalan ng magandang Phone pero dapat ako yung OA ngayon!
"G-ganon ba... nakakalungkot nga." Pag sang ayon ni Susana sa akin.
Lumabas ng silid si Susana at pati narin si Muse matapos nila akong iwan sa kwarto, pero teka nga lang bakit hindi man nila ako binigyan o iniwan man lang ng pagkain?
Gutom na ako!!
***********
A/N: si Willy yung iphone ni Thalia sa Kabanta Dalawa po, yung una niyang makita si kronos.
Salamat sa pagbabasa po.
Next week po ulit ako mag a-update :) salamat talaga ng marami :)

BINABASA MO ANG
Black Magic
HumorNaniniwala ka ba sa mga MAGIC? yung tipong ang dami mong sasabihing mala alien language o kaya mga potion na kayang gawin kahit na ano... HINDI "gayuma" ang tawag dun ah!! Black Magic!! Kung ako tatanungin mo.. abay oo naniniwawla a...