Kabanata Anim: July
Thalia POV
"Pakawalan nyo kami!" kanina pa ako sigaw ng sigaw at pilit na pumipiglas sa mga kamay ng mga babaeng ito pero kahit na anong ipilit ko di parin ako makawala.
"San ninyo ba kami dadalhin?!!" tanong ni bakla
"Manahimik ka!" sabi nung babaeng humahawak kay bak.
"Hoy! Wag mo nga kaming sigawan kung ayaw mong hilahin ko yang buhok mo!" banta naman ni JM
Nasa may tapat na kami ng isang classroom, hindi masyadong pamilyar ang lugar na ito sakin dahil ngayon palang ako nakarating dito.
"Na huli nanamin sya!" sigaw nung nasa unahan namin.
May narinig akong nag tatawanan sa loob at nakita ko dito ang tatlong magagandang Babae...pero nakuha ng taong nasa gitna ang atensyon ko dahil sa kagandahan niyang mala-Angel
"Thalia... G... De Luna..." alam niya pangalan ko?
"PA-paano mo na kilala? At sino ka?" tanong ko sa kanya
"IKAW BA MAY PAKANA NITO HA BABAITA?!" galit na sa bi ni JM
"Parang pamilyar sya..." ani bakla
"hindi mo ba ko kilala Thalia?" kung kanina mukha siyang Angel ngayon naman nag mukha na siyang halimaw sa mga ngisi nya...
"bakit Famous ka ba ditto?" TOINKS, wala na akong masagot na tama...
"ahahahahahah nag papatawa ka ba!"
"ahehehe, hindi ka ba famo-" bago ko pa natapos yung sasabihin ko sinigawan nya na ako.
"Shut up!" sigaw nung babae
"Hoy, babae kung nag papakilala ka nalang sana!! Hindi yung paligoy-ligpy ka pa dyan!" bulyaw naman ni JM, tapos si Bakla naman ay biglang nanahimik sa isang tabi ano kaya yung problema nya...
Habang talak ng talak si JM, pinag masdan ko si Bakla na biglang na mutla.
"Psst, bakla" tumingin sa akin si bakla at sa isang tingin niya lang naunwaan ko na kung ano ang gusto niyang sabihin...
"hindi niyo bayan kilala Thalia? Kilalang –kilala sya sa Campus na ito tas ikaw di mo sya kilala WALA ka talaga sa mga trending ngayon!!"
"Hindi, bakit? Kilala moba sya?"balik tingin ko naman sa kanya, pero ibang klase sya huh? Nakapanlait pa!
"Kilala ko yan siya si.."
Bago pa na sabi ni bakla ang gusto niyang sabihin aya nasabi na nung babae ang kaniyang pangalan.
"Ako lang naman si Anastasia July, Demonian ang nakakabatang kapatid ni Bryle Antony, Demonian o mas kilala ninyong BAD at ikaw Thalia humanda ka dahil sa pang-akit mo sa pinakamamahal kong si Kronos!!" natulala ako sa mga sinabi niya nung una pero bigla naman nanlaki ang mga mata ko ng sinabi niya ang pangalan ni PAG-IBIG!?
"Ahahaha.. hanep mag patawa tong kapatid ni BAD!! Ahahha si Thalia, mang aagaw ng may boyfriend? Impossible! Ni isa nga wala pa akong na babalitaang may gusto sa kanya!" sabi naman ni JM kaya yung mga taong nakapaligid sa amin ay nag sitawanan na din.
"hah? A-anong sina sabi mong inagaw ko si Pa- este si Kronos sayo!?" hindi ko alam pero parang ang ganda ko nung sinabi nyang na agaw ko si PAG-IBIG sa kanya.
"nag kakaila ka pa nakita namin kayo kahapon nag yayakapan sa tapat ng gate!" sabi niya ulit
Nanlaki ang mga mata ko at pati narin ang mga mata ng mga kaibigan ko, Nakita niya yon!

BINABASA MO ANG
Black Magic
ComédieNaniniwala ka ba sa mga MAGIC? yung tipong ang dami mong sasabihing mala alien language o kaya mga potion na kayang gawin kahit na ano... HINDI "gayuma" ang tawag dun ah!! Black Magic!! Kung ako tatanungin mo.. abay oo naniniwawla a...