Kabanata Labing siyam

1 0 0
                                    


Kabanata labing siyam: Heart necklace

Thalia POV

Kanina pa ako nag aabang dito sa main gate para kay Kronos, sa aking pag ibig.

Medyo nangangalay na ako pero hindi ito sapat para sumuko ako. para sa aking buhay pag-ibig alam kong kahit na ang panget panget ko ay makukuha niya rin akong mahalin.

"BABE...." Isang matinis na boses ang narinig ko mula sa aking likod,

Tsk. Si epal ay nandito na para agawin kung ano ang para sa akin

Tumingin ako sa sinigawan niya at kung sinuswerte ka nga naman pinag pala rin ako ng tadhana dahil ang Kronos my love ko ay papalapit na sa akin!

Nakangiti siya kaya kita ko yung mapuputi at pantay niyang ngipin

Ang mga singkit niyang mga mata na sobrang nakakaakit

Para akong lulumutang papunta sa kaniya...

"KRONOS MY LOVES..." parang huminto ang paligid

Nagsipaghintuan ang mga tao at tumingin sa amin ng Kronos my loves ko. Malapit na ako sa Kronos ko, onting-onti nalang talaga at mayayakap ko na siya.

Nang biglang isang kamay ang pumigil sa aking malapantasyang pangarap.

"EWWW... Kronos My loves? Your so kadiri naman pangit." Sabi ni epal kaya yung mga nakarinig ay bigla nalang nag sipagtawanan

"HAHAHAHAHA"

Sumama ang tingin ko kay July aka Epal, lagi nalang siyang sagabal. Masyadong papansin.

"Babe lets go..." napatingin ako kay Kronos my loves at di man lang nagawang tumingin sa akin. Hinawakan niya ang kamay ni Epal.

Sumakit ang aking puso na para bang tinuhog. Oo nga pala nakalimutan kong sila ngayon ni Epal. SILA LANG PANSAMANTALA WAHAHAHAHAHA.

DAHIL kahit na anong mangyari ay hindi ako mag papapigil para mapasaakin lang ang dapat na para sa akin!

"KRONOS My LOVES Wait!" humabol ako sa dalawa habang nag HHWW, like yuck!? Mas kadiri sila dahil hindi sila bagay ng Kronos my loves ko.

Hinila ko yung laylayan ng damit ni Kronos my loves ko kaya napahinto sila sapag lalakad.

"Ano ba pangit! Bitiwan mo nga ang babe ko!"

"HOY Pangit marumi yang kamay mo kaya bitiwan mo ang damit ko"

"E-eh may nakalimutan lang naman ako eh.."nakayuko kong sabi sa kanila

"AT ano naman iyon?" nakataas na kilay ni Epal. Teka nga hindi naman siya yung kailangan ko sabat siya ng sabat, inggitera din pala ang isang to eh!

"Bilisan mo pangit! Nag mamadali kami!" sigaw muli ni Kronos my loves, hay... ang sarap sa tenga ng kaniyang tinig, para tuloy akong nakikinig sa mala angel na boses.

"Nakalimutan ko kasing gawin ito oh" tumgingin ako sa kaniya at mabilis na hinalikan siya sa pisngi

Nakita kong nanlalaki ang mata nilang dalawa, hahahah ayos! Naka score ako.

At kumaripas ako ng takbo. Papasa na ako sa quiz nito!

Way to go Thalia, ang galing mo talaga

July POV

Agrrr! Nakakaasar yung ginawa ng babaitang iyon! Ano ba ng pumapasok sa kokote niya at nag lakas siya ng loob na hallikan ang babe ko?

"Babe... Punasan natin yang pisngi mo." Kinuha ko ang aking panyo at pinunasan ng maiigi ang halik ng malanding Thalia na iyon

Black MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon