Kabanata Dalawampu't tatlo

3 0 0
                                    


A/N: Babala... Masyadong madrama

July POV

Tumingin ako sa may bintana ng eroplano. Isang napakpayapang langit ang aking natanaw. Sana sa paglayo ko ay maayos na ang lahat.

Alam kong marami akong nagawang kasalanan, inaamin ko naman iyon sa aking sarili. MAraming beses na akong nakasakit ng tao at paulit-ulit na pinagtatakpan ang lahat ng kasalanan ng aking Kuya.

Isang kaduwagan ang aking pinairal, alam kong mali ang pag takas, pero may pag pipilian paba ako kung pati buhay ng malalapit sa akin ay mag dudurusa dahil lamang sa katangahan ko?

Naramdaman ko ang isang malamig na kamay ang humawak sa aking kamay, Ang aking kuya BAD, na laging pinagtatanggol ang mga kapalpakan ko sa buhay.

Isang patak na luha ang lumandas sa aking mga mata, pinunasan niya agad ito at ngumiti ng tipid. Pinagmasdan ko ang kaniyang kalagayan.

Ang payat niya na. hindi ko alam kung babalik pa ang dating lakas ng kaniyang pangangatawan.

"Oh, bakit ka umiiyak? Pa-pangit ka na niyan." Biro niya kaya hinampas ko siya sa dib-dib.

Nagagawa niya paring mag biro sa kalagayan niya. "Mag babagong buhay na tayo sa States? Okay?" Ngumiti muli siya sa akin.

Magagawa ba naming mag bago? Sabagay, wala namang nakakakilala sa mga masa-samang bagay na nagawa na namin.

Napasandal ako kay Kuya. Napapikit, nakita ko ang itsura ni Kronos. Napakalungkot niya ng sinabi kong maghiwalay na kami. At ang kalungkutan niya ay mas lalong nag bigay sa akin ng bigat sa dib-dib.

Hindi naman dapat sa akin iyong mga nararamdaman niya. Dahil hindi naman talaga ako ang mahal niya talaga.

'Babe?' Kinuha ni Kronos ang aking kamay habang masaya kaming nag lalakad sa ulan. Hawak niya ang payong at nakakapit ako sa kaniyang braso

'hmm?' tumingnin ako sa kaniya at nginitian niya ako.

'Gaano mo ko kamahal?'

Napahinto ako sa aking pag lalakad ng itanong niya iyon.

Sobrang mahal kita Kronos, nahalos gawin kong tanga at makagawa ng masama ang aking sarili.

'kailangan ko pa bang sagutin iyan?'

'Oo naman, alam mo kahit hinahabol ako ng pangit na iyon ikaw at ikaw parin ang iibigin ko'

Ako daw ang mahal? Sus, napakabolero talaga kahit kalian ng lalaking ito. Kaya maraming nababaliw sayo eh.

'Alam m bang sinunggaban ako nung babaeng iyon kanina, may pilit siyang pinapakain sa akin. Napaka weirdo niya talga'

Kahit kami na ang mag kasama at kahit hawak ko na ang damdamin niya para sa pangit na iyon, lagi niiya paring bukang bibig ito.

Kakaiba talaga ang pangit na iyon, isang Rhanz Kronos ang patay na patay sa kaniya.

'Nasisigawan ko na nga iyon ng kung ano-ano eh, napaka kulit kasi nung babaeng iyon.' Napakamot siya sa kaniyang ulo na para bang na gu-guilty.

Huminto na muli kami sa paglalakad sa tapat ng aming bahay. Ito na ang huli naming pag kikita kaya sana ay mapatawad niya na ako. Kailangan kong samamahan si Kuya sa abroad para ipatingini ang kaniyang kalagayan.

Nagawan na naming ng paraan yung pag alis niya sa preso. Pati ang mga kaiigan niya ay nakalaya narin, Kinausap niya ang lahat ng kaniyang mga kaibigan at sinabing aalis siya at gusto niyang pagalik niya ay magaganda na ang mga buhay nila.

Black MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon