Kabanata dalawampu't siyam

1 0 0
                                    


Kabanata 29: show

Thalia POV

3 months later...

*KRINGGGGG*

Ay,ano ba naman yan! Istorbo sa pag tulog!

Kinapa kapa ko yung bagay na maingay at tyaka iyon binato kung saan. Narinig kong may parang nabasag pero hindi ko na iyon pinansin pa at pinag patuloy ang mahimbing kong pag tulog.

"ATE!!!"

Arg....!?

Another istorbo sa mahimbing kong pag tulog! Ayyun na eh, maganda na yung napapanaginipan ko.

Bakit ba ang iingay nila? Hindi ba sila marunong mahiya na may natutulog?

"ATE!"

"teka lang ito na babangon na!" kahit na tamad na tamad pa ako ay bumangon na ako.

Pabalang ko binuksan ang pinto at nakita ko ang walang hiya kong kapatid na si Muse na nasa harapan ko.

"Ano ba ang problema mo!?" singhal ko sa kaniya.

"ATE HINDI KA BA PAPASOK TANGHALI NA AH?!" sigaw niya sa akin.

Kahit kailan talaga bastos ang batang ito.

Nasa harapan niya lamang ako pero kung makasigaw ay parang ang layo ng kausap niya. Talsik talsik laway pa ang tanda tanda na.

Pero anong sabi niya may pasok daw ako?

"ANO ATE TUTULALA KA NALANG BA SA KAGANDAHAN KO?" sigaw niyang muli sa aking harapan with matching laway pa yan.

"OO ITO NA MAG AAYOS NA!" pag kasabi ko noon ay sinadya kong lakasan ang pag sarado ng pinto sa kaniyang harapan.

"Ang sama talaga ng ugali mo!"

Sabi niya kaya natawa nalamang ako papasok sa CR.

*****

Nag lalakad na ako papunta sa aking next subject.

Ngunit

Suddenly

Datapwat!

Nakita ko ang aking savior!

Naglalakad na siya sa aking harapan sakay ng kaniyang puting kabayo, andito ako sa hallway para hintayin ang kaniyang pagdating.

Nakalapit na siya sa akin, pero syempre joke lang yung puting kabayo. Ang dala niya talaga ay isang mop.

Hindi niya ako napansin kaya hinarangan ko ang dadaanan niya.

Hindi niya parin ako pinansin at dumaan sa kabila kaya hinarangan ko parin siya.

Sinubukan niya muli akong Ilagan ngunit dahil sa destiny na ang nag tagpo sa aming dalawa ay hinarangan ko parin siya.

"Ano ba nagmamadali ako!" singhal niya sa akin na parang pinahinto ang aking puso dahil parang ipinag sigawan niya sa buong mundo kung gaano niya ako kamahal...

Kamahal? Hihihi kinikilig ako sa aking iniisip.

"Grrr!" ginulo niya ang kaniyang buhok.

Hay...

Ang sarap tignan ng kaniyang maamong mukha.

Parang tuloy meroong shining shimmering sparkling-sparkling ang lumalabas sa tuwing hinahawi niya ang kaniyang buhok.

Black MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon