Kabanata Isa

75 9 2
                                    


Kabanta Isa: Magic ano yun?

3rd person

Sa isang madilim na iskinita, may isang babae ang nag lalakad ng mag isa. Natatakot ang babae sa kanyang paglalakad dahil takot ito sa dilim.

'Hay nako kung hindi lang ito para sa kinabukasan ko di ako pupunta sa lugar na ito eh!!' na sabi nya nalang sa kanyang sarili.

Naglakad ito ng nag lakad hanggang sa may nakita na syang kulay pulang ilaw na ng gagaling sa isang munting bahay, pumasok sya agad sa loob nito.

"tao po!! Tao po!!" tawag nya sa may bungad ng pinto.

"ano ang maipag lilingkod ko sa iyo Ineng..?" Isang matanda ang biglang nag salita sa likod ng dalagita

"AY PAnget!!" nang dahil sa gulat ay nailabas nalamang ng kanyang bibig ang nakita

"Panget ka rin!!" ganti rito ng matandang hukluban

"Ay..sorry po.." pag papaumanhin ng dalaga

"Ano ba ang na ipunta mo rito ineng?" tanong nalamang ng matanda sa babae

"Mag papahula po sana ako.." ani nya

"Love life?" tanong muli ng matanda

"P-paano nyo po nalaman?" hindi makapaniwalang nasabi ng dalagita

"AY!! Aba yan nalang lagi ang maririnig sa mga nagpapahula sa akin na Pangit!! puro nalang love life! Love life!! ang inaatupag ng mga kabataan ngayon!! Wala namang FOREVER!!" naisip nalamang ng matanda at binigyan ng isang ngiti ang babae na namangha

"simulan na lang natin ang ating panghuhula sa iyo Ineng... Ngunit ano ba iyong pangalan?"

"Ako po si--"

"SHHHHH!! Ipikit mo nalamang pala ang iyong mga mata..."Pag pipigil sa kanya ng matanda at sinunod nalamang ang ipinag-uutos nito....

"Ahhmmmmmmmm...ahmmmmmmm" lumikha ng kakaibang tunog ang matanda, habang sinisilip ng maiigi nito ang I.D ng dalagita...

"Ahmmmmmm..t-halia... De... Luna...ahmmmmmmm" sabay pikit muli ng mata ng matanda

Biglang na pamulat si Thalia ng mata dahil sa nahulaan ng matanda ang kanyang pangalan... Na ang totoo naman ay sinilip lamang ng matanda ito sa kanyang ID

"Ang galling!!" sabay palakpak nito

"Ganun talaga ang mga professional Iha..." pag mamayabang sa kanya ng matanda, kahit na ang totoo ay hindi

"Pero.. manang Paano nyo po iyon nagawa?" tanong ng dalagita na may halong pag tataka..

"Magic Iha...Magic..." Sagot niya sa dalagang isa sa mga na uto niya..

"Magic? AnuH yun?"

"Isang sikretong malupit ng mga manghuhula na kagaya ko... kaya bawal tanungin" sagot nitp sa matanong na dalaga...

"Kung ganun po ba mahuhulaan nyo din po kung sino ang magiging boyfriend ko...??" Tanong ng dalagita na nanlalaki pa ang mga mata...

"Ahh..ehhhh....." hindi na alam ng matanda kung ano ang kanyang sa sabihin sa dalagita...'Ngayon pa ata ako mahuhuli ah....!!' Sa isip-isip nito..kung kaya...

"Shambakul!! Shambakul!! Lalalalaa!!! Love life!! Love life!! Ng pangit!! Mag pakita ka!! Shambakul!! Shambakul!! Lalalalaa!!!!" dahil sa wala ng maisip sa isasagot sa babaeng pangit ay.. no choice sya kung hindi gumawa ng isang samba na may kasamang sayaw na cha-cha

"a-aray ku po!!" dahil sa nabigla ang katawan ng matanda ni rayuma bigla ang kanyang likod

"Manang Ayos lang po ba kayo!??" pag alala ni Thalia sa matanda

"A-ayos lang ako...." Umupo muli ang matanda sa kanyang upuan nng dahan-dahan

"na-nakita ko na ang iyong kapalaran....ngu-ngunit hindi d-doon pinakita ang pangalan ng iyong magiging ka-kasintahan.." na uutal na sinabi ng matanda sa dalaga "Makikilala mo sya...a-aray...s-sa Panahong may wala sayo na sobrang importante sa buhay..." sambit muli nito 'Ang sakit ng likod ko!!' sa isip ng matanda...

"yun lang po ba... ang pinakita sa inyo?" pag tatanong ni Thalia sa matanda..'yung pag suko ba ng aking Puri?...o yung.. OMG ang pag kawala ng aking BABY!!??' mga taonong na nag lalaro sa isipan nngayon ni Thalia... ang Baby na tinutukoy ni Thalia ay ang kanyang aso sa bahay...

"OO iha..yun lamang ang pinakita sa akin.. tapos na ang hula ko sayo.. pwede ka ng mag bayad sa akin...1 K lang.."

"s-salamat po... ito po yung bayad" kinuha na ni Thalia ang kanyang pang bayad sa matanda at umalis na..

Ngunit ng maka alis na si Thalia, Isang malaking ngiti ang gumuhit sa mukha ng matanda.

"Ang mga kabataan talaga.. basta tungkol sa pag-ibig ginagawa..." sambit nya sakanyang sarili..

End of Kabanata Isa

wGOh0�Ǒ

Black MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon