Kabanata dalawampu't anim

1 0 0
                                    

Kabanata 26: Reason

Thalia POV

Marming inihalong mga kung ano anong bagay si Leif sa isang bote, hindi ko nga alam kung paano nag kakasiya doon ang mga pinaglalagay niya. Iisang maliit na garapon lamang iyon.

"Thalia handa kana ba?" biglang na itanong sa akin ni Leif.

"S-saan?"

"Thalia may mission ka at kailangan magtagumpay ka doon. Dahil kung hindi ay wala na tayong pag asa para mabago ang lahat-lahat."

"Ano ba ang kailangan kong gawin Leif? Hanggang ngayon ay naguguluhan parin ako sa mga nangyayari, Bakit ba ang laki ng galit sa akin ng anak mo? Bakit parang kaya niyang manira ng buhay ng tao na parang walang makakapigil sa kaniya?" Marami akong katanungan at hindi ko parin ito masagot.

"Sa lugar na pupuntahan mo Thalia malalaman ang kasagutan, ngunit..." hindi niya itinuloy ang kaniyang sasabihin.

"Mawawalan ka ng alaala kapag na pagtagumpayan mo ito..."

Mawawalan ako ng alaala?

Kung kapalit nito ang pag kawala ng alaala ko ay tatanggapin ko ito, basta mabuhay lang siya.

Si Kronos...

"Payag ako..." matapang nasabi ko kay Leif, alam ko ang ginagawa ko at wala ako dapat ikatakot sa araw na ito.

Dahil ang buhay ko at ang buhay niya ang nakasalalay dito.

"Mabuti naman kung ganoon, ngunit bago natin gawin ang black magic na ito ay kailangan ko munang dalhin ka sa lugar kung bakit naging ganoon nalamang ang aking anak Thalia..." tumingin siya sa akin ng mariin.

Ibig sabihin siya yung tinutukoy nung masamang tao na iyon?

Siya ang nanay niya?

"Tama ka Thalia ako nga ang nanay ni Cooper...at bilang ina niya ay kailangan kong itama ang kaniyang pag kakamali, wala na kasing pinakikinggan ang aking anak."

Pumitik si Leif at bigla nalamang kaming dinala sa isang hospital...

Parang natatandaan ko ang araw na ito...

Ito siguro yung mga araw na halos wala na akong buhay dahil sa puro dugo ang aking mukha.

"Tulong po Doc!" sigaw ni Kronos pag kapasok palamang sa hospital.

Nagsilapitan ang mga doctor sa amin.

"Paki ready ang emergency room!" sigaw ng isa pang doctor.

Abala silang lahat at halos puro doctor ang nag sipaglapitan sa aking walang malay na katawan lalo na nung dumating si Mommy at Daddy na hinawakan ang aking kamay.

Naiiyak ako sa aking nakikita, ang saya ko na nalulungkot dahil sa aking nasasaksihan.

Dahil sa mga panahong ito alam kong may pakialam sa akin si Mommy, na ang isang Kronos ay halos mabaliw-baliw na sobrang pag alala sa akin.

"DOC! NURSE! Kung sino man sa inyo please tulungan niyo po ako! Ang Mama ko po!" biglang may sumigaw na lalaki.

Si Cooper...

Hinila niya ang gown ng isang doctor na umaasikaso sakin "DOC! Please ang mommy ko po ay nag aagaw buhay na po!" sigaw niyang muli ngunit hindi man lamang siya nito binigyan ng pansin at tumulong pa sa pagtulak ng aking kinahihigaan papunta sa emergency room.

Halos ng mga doctor ay nakapalibot sa akin at ang iba pa naman ay inaasikaso ang mga walang malay kong mga kaibigan.

"Parang awa niyo na! ang Mama ko po!" sigaw niyang muli

"TULUNGAN NIYO SIYA!" hindi ko alam ngunit na dala ako sa ng yayari dahil wala man lang pumapansin sa kaniya.

Hindi ko kailangnan ng maraming doctor!

"PLEASE!" sigaw niyang muli

"COOPER ANG Mama MO!" biglang may tumawag kay cooper at hinila ito pabalik sa isang silid, sinundan ko sila at halos nanlabo ang aking mga mata ng makitang nag aagaw buhay si Leif sa kaniyang higaan.

Wala man lamang pumapansin sa kaniya.

Lumabas akong muli at kahit alamakong walang nakakarinig sa akin at tumatagos lamang ang aking kamay sa kanilang katawa ay wala na akong pakialam basta may pumansin lamang sa akin at kay Cooper nahalos mapaluhod dahil sa wala man lamang tumutulong kay Leif.

Isang kamay ang pumigil sa aking ginagawa at ng lumingon ako ay si Leif ang aking nakita na umiiyak sa akong harapan.

Umiling siya at ibinalik na ako muli sa kaniyang bahay.

Wala na kami sa lugar na iyon...

"L-Leif Bakit?" hindi ko mapigiling hindi manginig ang aking boses. "Bakit hindi ka man lang magalit sa akin?" tanong ko sa kaniya.

"Dahil hindi mo naman kasalanan ang ng yari Thalia..." pinunasan niya ang aking luhang hindi napapagod na umiyak "hindi mo kasalanan ang lahat dahil sa mga oras na iyon ay oras ko na talaga..."

Natigilan ako sa kaniyang sinabi.

"Thalia... Andito lamang ako para matulungan ka at ang anak ko, ayoko siyang iwan na may poot sa kaniyang damdamin...magpakamatay sa sobrang kalungkutan" isang tipid na ngiti ang ibinigay niya sa akin.

Inalala ko ang mga panahon na kasama ko si Cooper.

"Pero... b-bakit nasabi sa akin ini Cooper na binabantayan niya kaniya nung panahong makilala ko siya?" tanong ko kay Leif.

"Sa mga oras kasi na nakilala mo ang anak ko ay hindi parin ako maalis sa hospital dahil wala kaming pera para lamang mailibing ako..." parang kusang muling umagos ang aking luha dahil sa sinabi ni Leif.

"pero Thalia... lagi mong tatandaan na wala kanamang kasalanan..." hinawaka ni Leif ang aking balikat.

Niyakap niya ako ng mahigpit at kapalit noon ay niyakap ko din siya.

Gagawin ko ang lahat para mabalik sa tama...

"Handa ka na ba?" tanong niya sa akin.

"oo, handa na ako Leif..."

Ipinaliwanag niya sa akin ang gagawin ko. Babalik ako sa nakaraan at ang kailang kong gawin ay ang umiwas sa lahat ng pagkakataong makasama ko si Kronos, lalong lalo na kay BAD hindi ako maaring lumapit sa kaniya, hanggang sa mang yari ang pagdukot niya sa aking kaibigan.

Kay Susana.

Sabi ni Leif ay hindi naman dapat kami napasama sa pagdukot kay Susana ni BAD, nagulat ako sa sinabi niya ngunit sabi niya rin naman na hindi masasaktan o mapapahamak ang kaibigan ko dahil sa mahal naman daw nila ang isa't isa.

Ngunit dahil sa gumagamit na talaga ng itim na mahika si july ay ginamit niya ito sa mga tauhan ni BAD.

At isa pa iyon sa kailangan kong gawin, ang mapigilan si July na humingi ng tulong kay Cooper. Si Cooper kasi ay may lihim na gusto kay July kaya nag pakilala siya bilang Dark, isang lalaking handang gawin ang lahat para lamang mapasaya niya ang kaniyang minamahal.

"Thalia isuot mo itong kwintas na ito..." inabot niya sa akin ang kwintas ni Kronos.

"Wag mong iwawala iyan, hanggang sa matapos mo ang iyong mission." Ngumiti siya sa akin at sinimulan ang seremonya.

May lumabas na isang lagusan sa aking gilid at alam kong ito na ang oras upang maibalik sa tama ang lahat.

"Thalia...Maraming salamat." Ngumiti sa akin si Leif sa huling pagkakataon na makikita ko siya.

Dahil sa oras na matapos ko ang mission na ito ay mawawalan ako ng alaala.

Black MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon