Kabanata dalawampu't Lima

4 0 0
                                    


Kabanata 25: Ilusyon

Thalia POV

Ang gaan ng pakiramdam ko, para akong hinehela sa hangin sa sobrang gaan ng nararamdaman ko.

'Thalia'

Isang napakagandang tinig ang aking naririnig...

'Thalia'

Sobrang sarap pakinggan ng kaniyang tinig...

'Thalia'

Kasi maganda yung pangalan na kaniyang binabanggit. Haha.

'Thalia'

Sinundan ko lamang iyong tinig na nag mumula sa isang kakahuyan at isang napakagandang lugar ang aking nakita. Parang nasa lugar ako ng mga diwata dahil sa mga maliliit na ilaw na nag sisipag kislap-kislapan.

Nasaan ba ako?

Ang liwanag ng paligid eh? Patay na ba ako?

"Thalia..."

Tumingin ako sa aking likuran at napangiti ng Makita ang aking Pag-big. Napakaganda ng kaniyang ngiti sa akin.

Pero unti-unti itong nag laho dahil sa nilamon siya ng kadiliman. Hinabol ko si Kronos.

"Kronos!" tawag ko sa kaniyang pangalan ngunit hindi niya ako narinig at nakita ko nalamang siyang pumikit hanggang sa nilamon na siya ng dilim.

Ang sakit sa pakiramdam, sobrang sakit ng aking puso na para bang pinupukpok ng martilyo sa sobrang hapdi.

Iyak lamang ako ng iyak dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin, ang magandang lugar mula sa kakahuyan ay unti-uti lamang nag lalaho dahil sa nilalamon ito ng kadiliman.

Hanggang sa makarating ako sa isang nakakatakot na ilusyon.

"Kaya kailangan mo ng matulog ng mahimbing"

*BANG*

Isang malakas na putok ang nag pahinto sa aking paligid, nag pahinto sa pag tibok ng aking puso at hindi ko maiisip at maniwala sa ng yayari ngayon.

Binaril niya si Kronos...

Ano ba ang ng yayari?!

Ayoko dito!

Bakit walang boses ang lumalabas sa aking bibig! Bakit hindi nila ako naririnig? Kanina pa ako sumisigaw dahil sa binaril niya si Kronos.

Bakit niya ito ginagawa?

Bakit niya binaril si Kronos?

Niyakap ko si Kronos ngunit lalo akong napaiyak ng hindi ko man lang mahawkan siya dahil tumatagos lamang ang aking kamay.

Panaginip lamang ito!

Tama!

Panaginip lamang...

"T-Thalia..."

Nakita kong lumalapit sa akin si Kronos, tumingin ako sa aking likuran at laking gulat kong ang sarili kong katawan ay nakahandusay lamang sa sahig at walang malay.

"T-thalia..."

"Hahahahha, ano Kronos? Wag mong sabihin na kahit binura ko ang alaala mo ay nagawa mo paring mahalin iyang pangit na iyan?" Nakakagulat talagang nagagawa niya sa akin ito. Ano ba ang nagging kasalanan namin sa kaniya at nagagawa niyang manakit ng tao?

Muli siyang nag papaputok at tinamaan ang kaliwang paa ni Kronos!

Please... ayoko ko na...

Gusto ko ng gumising...

Black MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon