Kabanata Dalawampu

1 0 0
                                        


Thalia POV

Lalalala

Ang ganda ng araw ko dahil na kahalik ako sa mahal ko.... Grabe lang ang kilig ko ngayon. AT dahil sa magandda ang araw ko, nakapasa ako sa quiz namin!

"Kaloka ka Thalia anong nakain mo at ikaw lang ang nakapasa kay Ms. Malipit?" inggit na sabi ni bakla.

"Wala akong nakain inspire lang"

"Ay bongga! Sino yun?"

"Ayoko nga sabihin, baka makigaya kapa sakin."

"AY ganon? Ang damot mo naman!"

Inirapan niya ako at nag patuloy nalang kami sap ag lalakad. Maingay parin si bakla at ang kinulit nalang si Jm na masama ang tingin sa kaniya.

"Thalia..."

"Bakit?"

Lumingon ako kay Susana, hindi na kami yung kagaya ng dati na nag sasabihan ng sekreto sa isat-isa dahil maraming nag bago sa ugali niya, lagi na siyang seryoso at parang laging malalim ang iniisip.

"Hindi naman si Kronos iyang sinasabi mo hindi ba?" Naniningkit ang kaniyang mga mata habang nakatitig sa akin.

"h-hindi" ewan ko ba pero ayaw na ayaw niyang lumalapit ako kay Kronos. Iniwas ko an gtingin ko sa kaniya.

"mabuti naman" ngumiti na siya sa akin at kinuha ang braso ko.

"tara na guys guom na ko!" masigla niyang sabi at niyaya kaming pumunta sa Canteen.

W-wait nga lang wag mong sabihin na may gusto din siya kay Kronos? Pero impossible eh, mataray to sa mga lalaki at ayaw na ayaw niyang nilalapitan siya ng mga ito.

"Guys kaming dalawa nalang ni JM ang bibili ng meryenda natin, wag kayong aalis dyan ah?"

Pag kasabi na pagkasabi ni bakla non ay umalis na sila ni Jm at bumili na, sinundan ko sila ng tingin at ng medyo malayo-layo na sila ay tumingin ako kay Susana na ngayon ay kinuha ang kaniyang libro at nag umpisang mag basa.

"Susan..."

"Bakit thalia?"

Lumunok ako ng isang malaking lakas na loob, hindi naman masama kung tanungin ko siya hindi ba? Kahit papaano naman ay kaibigan ko siya.

Hindi na siya pwedeng mag kagusto sa taong mahal ko. Isa yun sa naging rules naming mag kakaibigan, kapag gusto na ng isa ay hindi mon a pwedeng gustuhin pa ng isa.

"M-may gusto ka ba kay Kronos"

HIninto niya ang kaniyang pag babasa at tinignan ako ng maigi, naoakunot ang noo niya.

"Wala."

Parang nawala ang bigat sa aking dib-dib nung sinabi niya iyon.

"Pero... kung may gusto ka sa kaniya Thalia, hindi kayo bagay"

"B-bakit mo naman na sabi iya?"

"Nag tataka ka pa sa tingin moa ng isang gwapong katulad ni Kronos ay mag kakagusto sayo?"

Sumama sobra ang loob ko sa sinabi ni Susana, ayan na naman siya parang si Mommy, porque ba Pangit hindi na pwedeng mag kagusto ang mga kagaya ni Kronos sa akin?

ANg sama naman na ata ng ugali ni Susana, dati naman ay hindi siya ganiyan.

"Kaya kung ako sa iyo Thalia wag kanang lumapit pa kay Kronos, ang pangit tignan"

"G-grabe ka naman Susana kung makapagsalita"

"Totoo naman ang sinasabi ko sayo, akala mob a hindi ko alam na nag papakabaliw ka sa lalaking iyon?" Mapang akusa niyang sabi sa akin, bakit mali baa ng ginagawa ko kung makapag react siya?

Black MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon