Kabanata dalawampu't pito

3 0 0
                                    


Kabanata 27: Cooper

Thalia POV

Nasa likod ako ng school at sinusundan ko si Susana. Hindi ko alam na sa mga panahon na pinagsamahan namin ay magagawa niyang maglihim sa akin.

Eh ako nga halos yung pagligo at pagtulog ko ay kinukwento ko sa kaniya! Madaya talaga ang babaeng ito!

Nagtago ako sa mga puno kung saan medyo malayo layo sa kaniya para hindi niya ako Makita.

"BAD mag pakita ka sa akin!" sigaw niya, sus...

Mga galawang hokage itong si Susana, kunwari galit pero sa loob loob ay nag didiwang dahil alam niyang makikita niya na ang kaniyang love of her life.

"Problema mo!" biglang lumabas si Bad sa isang lumang silid.

"Anong nalalaman kong sinuntok mo si Mike!?" sigaw niyang muli kay BAD.

"Eh ano naman ngayon sa iyo?" parang walang pakealam na sumigaw ito kay Susana.

"Yari ka niyan kay JM! Alam mo naman ang babaeng iyon! Hindi pwedeng nagagalaw ang prinsesa niya!"

"Wala akong paki! Umalis ka na nga dito San! Ano ba ang ginagawa mo dito? Gusto mo ko makasama at masolo?" isang nakakaloko na ngiti ang ibinigay niya kay Susana

"A-ang kapal mo!" na mula si Susana at balak na sanang umalis ngunit bigla siyang hinablot ni BAD at ipinagdikit ang kanilang noo.

Hindi ko narinig ang sinabi niya kay Susana, bigla nalamang siyang sinampal ni Susana at tumakbo papalayo.

"tss. Pabebe..." singhal ni BAD habang hinihimas ang pisnging sinampal ni Susana.

Umalis na ako sa aking pinagtataguan at sinundan si Susana.

Nasa may canteen kami ngayon, tumingin siya sa akin sabay kaway, kumaway ako pabalik sa kaniya at lumapit.

"Thalia tara pasok na tayo!" biglang parang binato ako ng bato dahil sa aking narinig, nasa nakaraan at inaayos ko na nga ang lahat pero hindi ko naman alam na pati ang pag pasok ay kailangan ko paring gawin?

Grabe naman ito kung ganoon! Wala bang black magic na mawawalan nalang bigla ng klase kapag tinamad ako?

Pati ba naman sa mission na it ay may aralparin ang magaganap?

Kaya wala akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kaniya.

Natapos ang klase at sabay sabay kaming mag kakaibigan na umuwi sa aming mga bahay.

"Ano MIKE?! Yung BAD NA YON ANG GUMAWA SA IYO NIYAN?!" parang isang lion si JM kung magalit dahil sa kaniyang nalaman.

At ang baklang ito naman na may pasa sa kaniyang pisngi ay tumango tango lamang. Baliktad talaga ang dalawang ito kahit na kalian.

Hindi ko nasundan si Susana kung saan ba siya pupunta ngayon dahil parang bula siya kung mawala, siguro ay na kay BAD siya sa mg oras na ito.

****

Kinabukasan na aking mission ay hinila nalamang ako bigla ni Susana sa aming bahay at nag mamadaling umalis.

"Susana... saan ba naman tayo pupunta? Anong oras pa yung klase natin oh!" reklamo ko sa kaniya.

"Kailangan nating mag madali Thalia! Sumugod si JM sa klase nila BAD" halos hingalin niyang sabi sa kin.

Papunta kami sa building kung saan ang klase nila BAD.

"Kaya nayon nila JM! Ano ka ba eh lalaki yung babaeng iyon mapag panggap lang!" sabi ko sa kaniya at kahit na sa isip ko lamang ay natatawa ako sa itsura ni Jm na halos mamula sag alit.

Paakyat kami sa second floor at hanggang dito sa may hagdan paakyat ay naririnig ko na si JM na sumisigaw.

"HOY BAD MAG PAKITA KA SAAKIN!" sigaw ni JM at halos lahat ng lalaki ay pinipigilan siya at pati narin ang taong nasa loob.

"JM tara na..." hila ni Mike sa kaniya pero dahil sa hindi na mapipigilan si JM ay hinila niya lamang ang pag kakahawak ni Mike sa kaniya.

"Miss itigil mo na yang ginagawa mo! Hindi mo alam ang hanap mo!" bigla akong natigilan sa taong aking narinig.

Parang naiiyak ako sa aking nakikita...

Buhay siya...

"Anong hindi alam ang hanap! Sabihin mo duwag lang yang master niyo at takot sa akin!" sabat ni JM

Kahit kalian talaga ang bibig ng babaeng ito ay napaka talas, kaya wala akong nagawa at naki pigil narin sa nag wawalang JM

"Lumabas ka diyang BAD ka at makikita mo ang hinahanap mo!"

BIglang nag sipagtalsikan ang mga lalaing pumipigil kay BAD, Lumabas ito at talaga nga namang nakakakilabot ang kaniyang itsura.

"Buti naman at nag pakita kana!"

"HOY BABAE itigil mo yang pag duduro sa master ko!" sigaw nung maliit na lalaki.

Nakaktawa ang kaniyang itsura dahil para siyang batang naagawan ng candy.

"HOY Manahimik ka bulinggit!" maarteng sabi ni MIKE, palibhasang maliit ang makakalaban ay ang tapang tapang.

"Alam mo BAD mali ang nakalaban mo eh!" bigla nalang sumugod si JM at natamaan si BAD.

"JM!" sabay na sigaw namin nila Susana.

"HUH!" sabi lang ni BAD at bigla nalamang niyang hinablot ang buhok ni JM at malakas na ibinalibag ito sa sahig.

Nanlaki ang aking mata dahil sa ginawa niya.

"JM" lumapit kami ni MIKE sa pwesto ni JM na hinawakakn ang kaniyang pang upo dahil sa sakit na natamo.

*PAK*

Lumingon kami sa pinanggalingan ng malakas na tunog at nanlaki ang aking mga matang tumingin kay Susana sinampal si BAD.

"Napakasama mo talaga kahit kailan!"sigaw niya at lumapit siya sa amin, tumahimik ang buong paligid dahil sa ginawa niya kay BAD.

Muling lumingon ako kela BAD at nakita ko lamang siyang ngumisi at pinapasok ang mga lalaki sa loob ng kanilang silid.

Nag tungo kami sa clinic pero bigla nalamang kami pinigilan ni JM na huwag na daw dahil malakas naman siya.

Kahit kailan talaga ang yabang niya...

Nahagip ng aking mga mata si Cooper na kinukulit si July.

Sila naman ang susundan ko mamaya.

Black MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon