Kabanata Dalawamput Isa

2 0 0
                                    


Thalia POV

Huminto kami ni Lola sa isang maliit na bahay, hindi ko alam na may ganito palang bahay ang nakatayo sa paaralan na ito?

Sa sobrang lawak kasi ng school ay hindi mo talga malilibot agad-agad. Napatingin ako sa paligid, Medyo nakakatakot ang mga palamuti niya sa kaniyang tahanan dahil marami akong nakitang mga nakasabit na patay na uwak.

"Halika Iha at pumasok ka..."

Bigla akong kinabahan sa pagtawag sa akin ni Lola.

'Tama ba itong pinasukan ko?'

"oo ito kasi yung pinto iha kaya, pumasok kana."

Napatingin ako sa matanda at para bang nahulaan niya ang naiiisip ko.

'Parang ang weird ni lola at ang totoo ay nakakatakot ang istura niya'

"hiyang hiya naman ako sa itsura mo kung ganon iha"

Ang galing talaga bang nababasa niya ba yung naiisip ko? Nagulat ako ng biglang umirap si Lola, ang taray ni Lola mukhang maldita look nung kabataan.

"Iha papasok kaba o dito nalang tayo sa labas mag uusap?"

Sa sinabi niyang iyon ay pumasok na ako sa bahay niya, at ang bahay na nakakatakot sa labas ay kabaligtaran naman ng nasa loob. Parang kung titignan mo ang paligid ay parang totong gawa sa ginto ang kapaligiran.

"Tara sa taas tayo mag usap"

Hinawakan niya ang aking kamay at tumungo kami sa second floor, nakakamangha talaga ang bahay ni Lola.

Binaba ni Lola ang kaniyang balabal at nanlaki ang aking mata na ang lola na nakakatakot ay biglang naging isang Diyosa.

"Paano kayo gumanda?" nanlalaki ang aking mga mata habang itinuturo ko ang kaniyang nakakaakit na mukha.

"Malalaman mo rin, so mukhang may problema ka sa buhay pag-ibig?"

Umupo siya sa isang magarang upuan at itinuro ang upuan na nakatapat sa kaniya.

"Basang basa po ako..."

"Ay?! Muntikan ko ng kalimutan, sige talon kalang ng tatlong beses at itaas baba ang iyong mga kamay"

Sinunod ko ang kaniya sinabi pero wala namn na kahit anong ng yari?

"hahaha, joke lang iha... ikot kalang ng tatlong beses." Nakangiti siya kaya sinunod ko nanaman ang kaniyang sinabi at umikot ng tatlong beses, pero kagaya nung una ay wala paring ng yari.

"Joke lang ulit, andoon ang isang silid at magpalit ka muna ng damit." Sasinabi niya ay parang ginawa niya lang akong parang tanga.

Napanguso tuloy ako sa ginawa niya dahil inuto-uto niya lamang ako. Nag punta ako sa silid na itinuro niya at nanlaki ang aking mga mata ng makitang nasa loob ako ng aking kwarto sa bahay.

Hala paanong ng yari iyon?

Naligo at nag bihis narin ako, ano ba ang nang yayari kanina nasa loob ako ng isang weird na bahay ngayon nasa kwarto na ako?

"Pakibilis Iha..."

Nang marinig ko ang tinig ni Lola ay bumalik ako kung saan ako pumasok at andito muli ako sa tahanan ni Lola.

Nangungupahan ba siya sa amin?

"Silly, magic door ang tawag sa pinasukan mo..." natatawa si Lola

Magic Door?

"Osya umupo ka narito at mapag usapan natin ang buhay pag ibig mo."

"Lola engkantao kaba?"

Black MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon