Kabanata labing tatlo

6 0 0
                                    

Kabanata labing tatlo: Skateboard

Third Person

Tahimik na nag lalakad ang Doctor at ang ina ni Thalia sa corridor. Malalim ang iniisip ng ina ni Thalia, kung Kaya kumuha muna ng tyempo si Doctor Reyes bago ito magsalita.

"We'll need to check her condition Ma'am for some test." Sabi ng Doctor sa ina ni Thalia.

"Is she okay Doc? Bakit ganoon ang naging reaction niya, p-parang hindi niya maalaala yung Ng yari sa kanila ng mga ka-kaibigan niya." Nag aalalang sabi nito sa Doctor.

Napabuntong hininga ang Doctor dahil sa hindi niya rin inaasahan ang ng yari sa bata. 'pinag kaitan na nga ng magandang mukha, naging malas pa ito.' Sabi sa isipan ng Doctor.

"Well Ma'am we will inform you right away to the condition of your daughter, but for now let's just not tell about the truth." Paliwanag niya dito.

"But do you think that my daughter had an amnesia?" malungkot na sabi nito sa Doctor.

"Hindi pa natin ito matatawag na amnesia Ma'am, dahil base sa nakuhang galos ng inyong anak ay hindi naman po naapektuhan ang kaniyang ulo. Hindi kagaya sa dalawa niyang kaibigan na hanggang ngayon ay hindi parin nagkakaroon ng malay." Nagkaroon muli ng katahimikan habang nag lalakad ang dalawa.

Ngunit sa isang sulok ay may nakikinig na isang dalaga, ang kaibigan ni Thalia na si Susana. 'hindi ko pababayaan ang mga kaibigan ko sa mga masasamang tao, kung kailangan ko silang ilayo sa makakasama sa kanila ay gagawin ko para lang sa ikabubuti nila' sabi niya sa kaniyang sarili

Umalis siya sa mga matatandang nag uusap at kinuha ang kaniyang cellphone at nag tipa ng isang mensahe sa taong punot dulo ng kanilang pag kakapahamak.

'Mag kita tayo bukas ng umaga sa coffee shop malapit sa hospital. 7:00 am kailangan na doon kana.'

*send*

Thalia POV

Hmmmm...

Hmmmm...

Brrrrrr....

"Gutom na ako." Bulong ko sa aking sarili, hindi ko alam kung bakit nagtagal ako sa hospital. Ilang araw narin ang nakakalipas pero hanggang ngayon ay hindi parin nila ako pinapalabas.

At hindi parin ako maka-get over sa pagtatampo kayla JM AT BEKS hindi parin kasi sila nag paparamdam sa akin hanggang ngayon. Pero sabi naman sa akin ni Susan ay dadarating din daw ang mga iyon, busy lang daw.

"gutom na talaga ako" nasabi ko muli dahil sa hindi ko na talaga mapigilan ang kagutuman

"yoohoo!" bigla akong may narinig na kakaiba

Saan galing yon?

"Yoohoo!" saan ba talaga ng gagaling ang tunog na iyon?

"Yoohooo!" dahil sa sobrang na cu-curious na ko ay tumingin ako may bintana at nanlaki ang mga mata ko ng makita ang isang lalaki na tuwang-tuwa sa pag ska-skate board sa may hagdan?! Ang cool!

Parang gusto ko tuloy lumabas at panoorin ng malapitan yung lalaki. Ang galing-galing niya kasi talaga. Tumingin muna ako sa aking suot, okay naman sigurong lumabas kahit nakapang hospital gown pa ako.

Sumilip ako ng kaunti sa labas ng makita kong wala namang dumadaan na tao. Unti-unti kong sinara ang pintuan at inumpisahan ng maglakad.

Kinakabahan ako sa ginagawa kong pag takas!

Ng makita ko na ang elevator ay agad-agad akong pumasok. Nasa 5th floor pala ako!

Saan kaya banda dito sa hospital yung lalaki?

Black MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon