Kabanata labing isa (part one)

8 0 0
                                    


Kabanata labing isa (PART ONE): nightmare

A/N: kung hindi niyo nap o matandaan yung mga pangalan ng kaibigan ni Thalia, pakibasa nalang po itong nasa ibaba:

Susana T. Robles A.K.A Susan/Susu

Jennah May N. Rosario A.K.A JM

Mike Andrei D. Makisig A.K.A Mikaela

******

Thalia POV

Monday, Tuesday, Wednesday....

Ang boring naman!! Ilang araw na ang nakalipas pero hanggang ngayon ay hindi parin nag paparamdam sa pag-ibig sakin, pati na rin July mukhang hindi narin ako gagambalaiin.

Kahit papaano pala mamimiss ko yung pagtakbo ko ng napakalayo. Tapos yung mga kaibigan ko pa hindi ko mahanap kung saan-saan kaya mag isa tuloy ako sa Garden ngayon!

"psst!!"

Hay... nakakaasar talaga ang araw na ito! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko! Ang haba pa naman nung vacant naming tuwing Thursday.

"Pssst."

"Ayaw mong lumingon ah!!"

*poink*

"ARAY" sigaw ko ng may naramdaman akong tumama sa aking ulo.

"tsk. Tumingin ka kasi sakin pangit!" habang hinihimas ko ang masakit kong ulo ay tumingin ako sa aking likuran pero wala naman akong nakita!

"andito ako sa harap mo!"

"AY Dwende!" nagulat nalamang ako ng makita ko si Dante na kanina pa siguro na sa harapan ko.

"Ano ba problema mo?" inis kong sabi sa kaniya.

"sumama ka sakin." Sabi naman ni Dante

"Ayoko nga!!" balak ko sanang umalis sa harapan ni Dante ng marinig kong siyang magsalita muli.

"isusumbong kita kay BAD kung hindi ka sumama sakin, sige ka!" pag babanta sakin ni Dante, pero hindi ko siya pinakinggan.

Hay nako! Alam kong namimiss ko si Pag-ibig pero hindi ko na mimiss si BAD no!! Mas gusto ko pang tumakbo maghapon kay July kaysa makita yung BAD na yun!

"Ayaw mo talaga?!!"

"OO malaking period!" sabi ko pa sabay kuha sa mga gamit ko sa kinauupuan ko sa garden.

"BOYS!! Lumabas na kayo!" sigaw niya kaya napalingon ako sa aking paligid at nakita ko ang mga nag silitawang mga lalaki sa mga puno. Ano ba sila mga ninja?

Limang lalaki ang lumabas, pero kapansin pansin yung napaka tangkad nalalaki sa aking harapan

"buhatin mo na yan!" sigaw ni Dante

Bago pa ako makareklamo ay binuhat ako nung lalaki na mala sako ng bigas!

"AY?! ibaba mo ko!"

"Manahimik ka dyan! Kung ayaw mong mabato ulit!" sigaw ni Dante

Ang yabang talaga nitong mag salita kahit kailan! Kung wala naman si BAD ay hindi naman siya susundin ng mga ito.

Asan na ba ang mga disciplinarian ng school na ito!!

Palabas na kami ng school at hanggang ngayon kahit anong sigaw ko ay wala paring kahit isang guard na lumapit sa akin para tulungan ako o kahit si JM man lang ang tumulong sakin, kaso nga lang pati rin siya ay WALA!

Black MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon