Kabanata labing isa (Part two)

4 0 0
                                    


Kabanata labing isa (Part 2): Nightmare

Thailia POV

"ALam mo bang ang dami-dami mo ng atraso sa aking babae ka..." panimula ni Bad, pero parang wala lang ito kay JM dahil nagawa niya pang ituntog ang kaniyang ulo kay Bad.

"Hampas lupa katalaga kahit kailan" sinuntok niya si JM sa sikmura. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko! Kaya paulit-ulit akong nag dadasal sa Diyos n asana may tumulong sa amin..

Pati din si Susana ay hindi narin matigil ang kakaiyak. Wala bang tutulong sa amin! Kahit na may pagka sadista talaga itong si JM. BABAE parin siya! At gaano man siya katigas ay alam kong tinitiis niya lang ang sakit para hindi makita ni Bad na nasasaktan siya.

"Ang tigas talaga ng ulo mo kahit kailan" galit na sabi ni bad at biglang tumingin siya sa likod at sumenyas.

*Kriiik*

Mas lalo akong kinalibutan ng may marinig ng bakal na sinasayad sa sahig. Ano ba naman ito ano ba ang ng yayari!!

Pinagmasdan ko ang mga lalaking nakapaligid sa amin at nanuyo ako ng makita kong tumtatawa sila habang may sinisindi na kung ano at hinihithit nila.

Drugs...

Ano ba ito kailangan ko ng makawala dito ngayon na mismo!

"Jennah May, pwe ang pangit ng pangalan mo kasing pangit ng kaibigan mo hahaha!" Nanganganib ang buhay namin dito! Mga nakadroga sila!!

"Gaano kaya katigas ang ulo mo?" ng sinabi iyon ni Bad ay parang huminto ang oras.

Unti-unti kong binalik ang paningin kay JM. At parang nawasak ang aking puso ng makita mo ang iyong kaibigan na pinalo ng tubo sa ulo.

NO!! JM!!!

"tsk!! Ganon lang iyon? Ang bilis mo namang mawalan ng malay!" walang hiyang tao ka!!! Napaka sama niyo!

"IKAW!" tumingin si Bad sa akin

"IKAW ang sunod!" sabi niya pa.

"hammm!!HMMMMM!" natataranta na ako kung ano ba ang aking gagawin!! Ano ba ito!! Ang alam ko dapat nakakatawa ang storya ng buhay ko!! Bakit naging suspense!!!

"Ang dami dami mo ng kasalanan sa kapatid ko alam ap o iyon!!!" napapikit ako ng biglang hilahin ni Bad ang aking buhok.

"Dapat sayo nag dudurusa!" sinigawan niya pa ako sa tainga.

"DANTE!!" tinawag niya si dwende na ngayon ay parang lasing kung lumakad.

"BOSS! Ba-kets"

"kayo na ang bahala kay PANGIT!" sigaw niya ulit, nag pumiglas ako ng nag pumiglas sa aking pagkakatali!

"hindi na ako makapaghintay na kausapin ang aking prinsesa..." Bigla ako napatingin kay bad

'Prinsesa?'

At tumingin ako kay Susana na nanlalaki ang mga mata at hindi din tumitigil sa pagpupumiglas. Hindi pwede ito!! Baka kung ano pa ang gawin nila kay Susana!

Bigla ako natigilan sa pagpupumiglas ng bigla nila akong binuhusan ng napakalamig na tubig. At sabay-sabay silang tumawa.

"HAHAHAHA mas lalo pasiyang pumangit!" turo sa akin in Dante.

Nanginginig ako sa lamig ng tubig, hindi ako makahinga ng maayos. Tumingin ako sa aking paligid, mukhang dito na ako mamatay...

Hinawakan ng isang lalaki ang aking pisngi ng napaka higpit.

Black MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon